Chapter 89

1.3K 50 13
                                    




LISA'S POV

Eto na, eto na ang pinaka ayaw na araw ko sa lahat, yung araw na masasaktan ako ng sobra, eto ang araw ng libing ni briana

Nandito kami sa likod, kase sa harap ang family nya, nagsimula na pumatak ang luha ko habang dinadasalan sya, ang sakit makita ng ganyan ang kaibigan mo.. dinadasalan at ililibing na

Napatingin ako kay Jin, nakatingin lang to sa picture ni briana habang tumutulo ang luha.. naawa ako sakanya, oo masakit maiwan ng taong mahal mo pero mas masakit yung mismong nag mamahalan kayo bigla nalang mawawala at hindi mo alam kung bakit

Napatingin ako kay jennie humahagulgol na sa pag iyak

"Lisa diba hindi to totoo?" tanong ni jennie, patuloy parin sa pagpatak ang luha ko, ningitian ko sya pero alam ko pilit yun

"Ano ba jennie, sabi nga ni briana diba, ayaw nya tayo nakikitang umiiyak? dapat masaya lang?" sabi ko, umiling sya saka yumakap kay suga

"No! di ko mapigilan ihh! sobrang sakit!" napatigin ako sa picture ni briana

yang mga ngiti mo inday!! hindi ko na masisilayan, hindi ko na maririnig yung malakas na tawa mo, yung mga kwento mo sakin, at advice.. Briana mamiss kita sobraa!!

Napatingin ako sa pari, tapos na dasalan si briana.. Nakita ko mga family nya nag hagis ng bulaklak habang binababa na sa hukay si briana

Kung pwede lang sana pigilan ang libing nya ginawa ko na pero hindi ihh

Lumapit na sila silang lahat, ako lang naiwan.. Gusto ko ako ang huling maghuhulog ng bulaklak

Nakita ko si Jin, nanatili parin nakatayo sa harap ng picture.. Agad ko sya nilapitan

"Jin?" napatingin to sakin

"Di mo ba ilalaglag yang bulaklak mo?" tanong ko, napangiti sya saka ako inakbayan

"Sabay na tayo" sabi nya, saka kami naglakad

Ngayon nasa harap na kami ng hukay ni briana, napaluha naman ako.. Nilaglag na ni jin yung kanya, napatingin ako sakanya tumango to

Agad ako pumikit at hinalikan ang bulaklak

'mamiss kita bestfriend ko'

sabi ko sa isip ko, saka hinagis ang bulaklak.. Doon na ako tuluyan humagulgol. At niyakap si jin

"Ayoko na!!! ang sakit jin" sabi ko habang nakayakap ako sakanya, naramdaman ko hinahaplos nya ang buhok ko

"Ayan din ang nararamdaman ko, parang gusto ko na sumama kay briana, pero naisip ko kayo.. Mas lalo kayo masasaktan pag nawala ako,gusto ko sumuko gusto ko mag pakamatay pero naalala ko ayaw ni briana ng ganon, kaya mas pinili ko nalang tanggapin ang katotohanan"

Habang yakap ako ni jin, nakatingin ako sa libingan ni briana at unti unti na tinatabunan yun ng lupa mas lalo ako nasasaktan ng sobraaa

*BANG!!!*

Nagulat ako nang marinig ko ang lakas na putok ng baril

Napapiglas ako sa pagyakap kay jin napatingin ako kung saan yun galing

Ang daming nagkakagulong tao

"SUGAAAAAAAA!!!!"

Boses ni jennie yun ah?!

Bigla akong kinabahan dahil sa sigaw na yun

"Shit si yoongi!!" sigaw ni jin, saka tumakbo

Napaupo ako na ewan sa lapag

Hindi to totoo!!!

hindi!!!

Wag naman sana jusq!!




JENNIE'S POV

Whaaaaa eto na maghuhulog na kami ng flowers, sa libingan ni briana naiiyak ako huhuhuhu

Nang natapos na ang family ni briana, agad kami lumapit doon, napatingin ako kay lisa nandoon lang nakatayo, hindi ko na sya tinawag kase alam ko nagmumukmok pa sya

Napatingin ako sa libingan ni briana, lalo naman umaagos ang luha ko.. Agad ko hinagis ang flower, yumakap agad ako kay suga

"babe!" mangiyak ngiyak kong sabi, habang nakatingin sa libingan nya

"Shhh tahana ok? tara na umupo muna tayo para makapag pahinga ka na" sabi nya, agad kami pumunta sa upuan namin

Napatingin ako sa harap nandoon si lisa at jin

"Babe excuse muna may tumatawag" sabi ni suga tumango lang ako habang nakatingin sa harap.. Kitang kita ko ang pagbagsak ng bulaklak na hinagis ni lisa at jin

Kitang kita ko yumakap si lisa kay jin, at humagulgol sa iyak.. Lalo ako naiyak nang makita ko tinatabunan na ang libingan ni briana

Naawa din ako kay lisa, sobrang nasasaktan na sya sa mga nangyayari

*BANG!*

nagulat ako nang may pumutok na baril, napatayo agad ako sa upuan ko.. Nakita ko may nag kakagulo doon, bigla akong kinabahan

Kaya agad ako tumakbo papunta doon.. Nang makarating ako doon

(0______0)

"SUGAAAAAA!!!" sigaw ko, fuck!!

"Babe heyy wake up!!" sigaw ko, kitang kita ko sobrang daming dugo sa tagiliran nya

"Tulonggg!!" sigaw ko, habang umiiyak.. Hindi to pwede!!

"Yoongi!" napatingin ako sa lumapit, si jin

"Jin kailangan natin pumunta ng ospital, dalhin na natin sya!" tarantang taranta kong sabi

"Tara sakay na natin sa kotse!!" sigaw ni V agad nila binuhat si Suga saka kami tumakbo papunta sa kotse

Agad ako sumakay at sinakay sya, nakahiga sya sa lap ko, hinawakan ko sya sa kamay

"Babe kaya mo yan!" sabi ko, at biglang umandar yung kotse

"Shhh don't cry" napatingin ako sakanya, bigla nya hinawakan yung pisngi ko at pinahid ang luha ko

"Kayanin mo ah, malapit na tayo ah!" mangiyak ngiyak kong sabi

"Babe iloveyouuu"

Naramdaman ko bumaksak ang kamay nya

"Noo!! wake up babe heyyy?!!! malapit na tayo!!" sabi ko habang tinatapik sya sa pisngi

"Hoyyy!! gising!" sigaw ko

"Jin pakibilisan please!!" sigaw ko, bigla naman nila binilisan ang takbo ng kotse


-------

Maya maya nakarating na kami sa ospital, agad nila binuhat si suga palabas ng kotse, at sumunod narin ako

pagkapasok agad ng kotse hiniga sya sa kama at tinulak yun papuntang ER

Papasok sana ako ng ER kaso pinigilan ako, kaya naiwan kami sa labas

"V ok lang sya diba? gigising din sya?"

"Jin magiging ok pa sya diba?"

"Hoyyy diba? tapos gigising na sya tapos a--"

"Jennie, wag ka mag panic ok? magiging ok din sya" sagot ni jin, napaupo ako

"Nag aalala ako, ayoko magaya sya kay briana" sabi ko

"Wag mo dinadamay si briana!" sigaw ni jin,napatingin ako sakanya

"Bakit? Ayoko diba, at lalo na ayoko magaya sayo ayoko maiwan katulad mo"

"Bakit ganyan ka? kailangan idamay ako pati si briana? napaka ano mo rin no!"

"TAMA NA OK?!! IMBIS MAG ANTAY NALANG TAYO NG RESULT GANYAN PA KAYO NAG AAWAY PA!!" sigaw ni V. Napahawak ako sa ulo ko

Lord please sana walang mangyayaring masama sakanya, wag naman sana please lord

When Love Grows (liskook)Where stories live. Discover now