Chapter 53

1.5K 56 4
                                    




J-HOPE'S POV

Nandito ako sa labas ng café na pinagtatrabahuhan ni Eunie, wala yayain ko lang sya kumain ng dinner.. mag sasara naman din sila

"Guys una na ako!" napatingin ako sa pinto nakita ko sya, agad ko sya hinawakan ko sya sa braso

laking gulat ko na hawakan nya ako sa kamay at ibinalibag

"Aww!! ang sakit!" sabi ko habang nakahiga sa lapag at hawak ang likuran ko. the fuck! anlakas niya naman masyado!

"Sino ka?!" inis na tanong nya, tinanggal nya yung sumbrelo ko

"J-hope!" sabi nya, ningitian ko sya

"Hi unieee" napailing sya. agad nya ako tinayo ngayon mag kaharap na kami.. grabe kinikilig ako ang ganda nya

"Ano ginagawa mo dito?" tanong nya, napakamot batok lang ako

"Gusto ko lang sana kita yayain mag dinner pwede ba?" natawa sya bigla sakin, baliw na ata to hahaha

"Pumunta ka lang dito para yayain ako mag dinner?" tanong nya tumango ako

"Wag na.. pag initan pa ako ng mga fans mo, saka hindi ako maganda at sikat para yayain mo sa mga ganyan" sabi nya saka nag lakad, agad ko sya sinundan

"Ano naman kung hindi ka sikat, saka ano sinasabi mo? hindi ka maganda?" tanong ko habang naglalakad kami

"Oo hindi naman ako maganda laging ngang naiiwan eh" tumingin ako sakanya nakangiti lang sya

"Hindi ah, maganda ka kaya" sabi ko tumingin sya sakin saka natawa

"Isa ka ring mambobola no? sabagay ganyan naman kayong mga lalaki" sabi nya, napailing ako, isang katulad ko mambobola sa taong gusto ko? wow

"Oh nandito na tayo, lilibre mo ba ako? tara nagugutom na ako" sabi nya saka sya pumasok sa loob ng resturant

Umupo kami sa bakanteng upuan, saka nag order

"Ah Eunie,yung sinabi mo kanina na lagi ka naiiwan bak---"

"Lagi ako naiiwan? bakit? simple lang panget akong girlfriend kahiyahiya daw ako.. kaya ayun iniwan nila ako" sabi nya, napatango ako

"Hindi ka naman kahiya hiya ah hindi ka naman pangit maganda ka naman ba---"

"Tsk! ayan din sinabi sakin ng mga naging ex ko, pero isa lang ang minahal ko noon.. sya yung taong minahal ko ng sobra" sabi nya.. bwiset! naman bakit nya ba sinasabi yun?! urghh!

Maya maya dumating na yung order namin.. saka kami kumain

"Ikaw may naging ex ka na ba?" tanong nya, umiling ako

"Wala pa.. hindi ako mahilig sa babae puro pag aaral lang inaatupag ko, pero ngayon meron na akong nagugustuhan" sabi ko ngumiti sya

"hmmm mabuti yan, swerte ng babaeng yun" sabi nya natawa ako habang kumakain

"Sobrang swerte, nasa har---"

*KRINGGGG*

Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil tumunog ang phone nya kaya napatingin ako sakaniya

"Excuse me" sabi nya tumango ako saka nya sinagot ang tawag

"Hello mom?...... What?...... ok I'm on my way" sabi nya nakatingin lang ako sakanya

"Sorry J-hope, kailangan ko na umuwi may problema sa bahay" sabi nya saka tumayo, pinigilan ko sya agad

"Wait hatid na kita" sabi ko

When Love Grows (liskook)Where stories live. Discover now