Ikalawang Kabanata- The Revelation
[Alyssa's Pov]
"Tara! Sabay nalang tayo?" pagiimbita ko kay Jill. "Huwag kang magalala ililibre kita sa pamasahe." Sabay smile. (^_^)
Napansin kung biglang nagbago ang aura ng mukha ni Jill nang niyayaan ko siyang sumabay sa akin sa pag-uwi, yung parang may gusto siyang sabihin sa akin na di niya masabi-sabi. Baka naman ay may ininilihim sa akin si Jill? Ano naman kaya ito? Ah basta! Alam kung tapat sa akin si Jilliana at alam ko ring hindi niya kayang magsinungaling sa akin. Period.
Bigla siyang nagsalita "Thanks nalang best, pero kasi malapit lang naman yung bagong boarding house ko rito. Kaya maglalakad nalang ako." tugon niya in a weird face.
Tinitigan ko siya sa kanyang mukha at napag-isip. Bakit kaya sa almost 4 years na naming pagkakaibigan ay ni hindi ko pa napuntahan ang tinutuluyan niya? Lagi siyang palipat-lipat ng tinitirahan. At kahit anong alok ko sa kanya ay tinatanggihan niya ito, gaya nalang nang:
Una - Ako na sana yung magbabayad ng snacks niya sa canteen, dahil nga sa naaawa ako na tuwing recess ay hindi siya nag sna-snack! Ang tanging ginagawa lang niya sa mga break time namin ay nagiilusyon habang nakikinig ng music na parang naka shabu. Baka dahil yata sa gutom kaya nagkakaganyan ang bestfriend ko? Kaya yung ginawa ko as a good friend ay inalokan ko siyang pumunta sa canteen, tatanggi na sana siya pero kaagad naman akong nag drama, kaya wala siyang choice kundi samahan akong mag snack sa canteen. At nung nakapag-order na kaming dalawa ay hihigit na sana siya ng pera sa kanyang wallet ngunit bigla ko siyang inunahan sa pagbayad ng nabili niyang snacks. Pero imbis na mag pasalamat ay alam niyo ba kung ano ang ginawa niya? Tinapik niya yung kamay ko habang nagbabayad pa ako sa cashier, kaya yung nangyari ay natapon ko sa mukha ng kahera yung pera. May mga malalaking coins panaman iyon. Kaya yung nangyari ay na "kimpet-latik" ang pagmumukha ng kawawang kahera.
[A/N: Kimpet-Latik : An expression used by the comedians, which means pretty turns to ugly.]
Pangalawa - The last but the scariest of all, nang malaman niyang ako yung nagbayad para sa kanyang mga text books ay alam niyo ba kung ano yung nangyari? Pumunta siya sa may cashier na kung saan binili ko yung mga text books na ibinigay sa kanya. Siya ay nagtungo ruon upang ibalik yung mga text books at bawiin ang perang ipinang-bayad ko, ngunit sa book store na iyon ay mayroon silang "Once you buy, No return!" policy na siyang ikinainit ng ulo niya. Ngunit na gulat nalang kami sa balitang "Nambugbog daw si Jill the Great ng babaeng kahera sa isang book store malapit sa aming school."
Bigla akong napangiti sa aking naalala. (^_^) Si Jilliana lang talaga ang kaisa-isang taong mapagkakatiwalaan at walang hinihinging kapalit na nakilala sa buong buhay ko. Bigla akong na alimpungatan. Ay! Kausap ko pa pala yung bestfriend ko "Ah sige mauna na ako. Tsaka nga pala ang astig mo doon sa video, Jill the Great." Pang-aasar ko sa kanya "Sige bye-bye na." Nang makapagpaalam na ay bigla akong tumakbo palabas ng gate papuntang sakayan ng Jeep. Nang maka sakay na ako ay kaagad kung hinigit yung cellphone ko sa bulsa, upang makapag update sa facebook. Naka unli-surf promo kasi ako araw-araw, para makapag post ng latest selfies of mine. Di niyo lang naitatanong na I am so popular sa facebook. Tsk.
I open my phone to login on Facebook.
-------------------------------------------------------------------
Facebook
Email Address: alyssalovespongebob@yahoo.com.ph
Password: ***************
BINABASA MO ANG
What if Spongebob is real?
FanfictionThe question is "What if Spongbob is real?". Pano nga ba kung totoo talaga si Spongebob at maka face to face mo siya. Ano ang iyung gagawin? - Matatakot - Hihimatayin - Magugulat - Matutuwa O baka naman kaya ay mahulog ang puso mo sa kanya, na siya...
