• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
[A/N: For almost one week makakapag update narin sa wakas. Kumusta na po kayo? Na miss niyo ba sina Spongebob and Jill the Great? How about yung author na miss niyo ba? HAHAHA! Galing palang ako sa Cebu City for the entrance exam, sana makapasa ako sa mga interview for this coming April 16, 2014. I need your prayers guys. I would like to acknowledge my little sister Alexandra T. Sabarre for helping me to advertise this story.]
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
Ikaanim na Kabanata- He's a Jerk
[Spongebob's Pov]
[A/N: Nasa side po yung picture ng bahay nina Manong Joey and Aling Perit.]
Hindi ako nakatulog kagabi. Tss. Mukhang hindi pa yata ako komportable na manirahan dito sa mundong ibabaw. Gabi nanga ang ingay parin sa labas, hindi ba natutulog yung mga nilalang dito? Marami paring dumadaan na mga sasakyan sa labas na siyang ikinaiirita ko ng sobra. Tsk. Bukod pa rito ay may mga lumilipad na mga maliliit na nilalang na nangangagat, grabeh nangangati at namumula na yung aking balat dahil sa kanilang mga kagat. (-_-)
Nandito pala ako sa isang maliit at makitid na kuwarto, nakahiga sa kama at walang magawa. Nakikipag tutukan lang ako sa dingding ng kuwartong ito. "Nasaan na kaya yung babaeng nilalang na iyon?" Bulong ko sa aking sarili.
*I sigh*
Napatingin ako sa aking paligid. Sadyang luma na talaga ang kuwartong ito, may mga bitak at lawalawa narin sa bawat sulok. Siguro kapag lumindol ng malakas bibigay na ang bahay na ito. Tss. Bumangon ako sa aking kama at umupo sa isang lumang upuan. Ginulo ko ang aking buhok "Augh! Ano ba toh?! Pano ba ako mabubuhay sa lugar na ito? Pano ko rin sisimulang hanapin si Gary?" Ni wala nga akong alam sa lugar na ito e. Iniyuko ko ang aking ulo gamit ang aking dalawang mga kamay. Ipinikit ko ang aking mga mata para makapagisip ng mabuti. Di naglaon ay nakarinig ako ng pagyapak sa hagdanan, nandito kasi yung kwarto ko sa ikalawang palapag ng bahay na ito. Dito ako pinatuloy ng babaeng nilalang na nakilala ko kagabi. Tumayo ako sa aking pagkakaupo para alamin kung sino yung paparating. Dahan dahan akong nagtungo sa may pintuan.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Nang makalapit na ako sa may pintuan ay biglang huminto ang mga yapak na aking naririnig. Dahan dahang may nagbukas ng pintuan na siyang ikinaatras ko dahil sa pagkakagulat. Biglang may pumasok na isang matandang babae, malaki ito at nakasuot ng daster, may hawak rin itong puting tuwalya at puting bilog na bagay na sa tingin ko ay isang uri ng sabon. Medyo nakakatakot yung kanyang itsura, tatakbo na sana ako nang biglang natapilok ako sa aking unang hakbang. Natumba ako sa sahig, nilapitan naman ako ng matandang nilalang na ito at inabot ang kanyang kamay sa akin. Mukha yatang walang masamang intensiyon ang matandang nilalang na ito sa akin, siguro ay kaibigan siya ng babaeng nilalang na nakilala ko kagabi.
"Oh ano? Nasaktan ka ba?" tanong sa akin ng matanda in a sweet voice.
Aba! Mahinhin pala ang tinig nitong matandang ito, siguro ay tama ako ng hinala na mabait ang nilalang na ito. "Okey lang po ako." sagot ko habang nakangisi, inabot ko naman yung aking kamay sa kamay ng matanda para makatayo. "Salamat po sa pagtulong sa akin." pagpapasalamat ko nang ako'y makatayo na.
Bigla niyang hinawakan yung kanang balikat ko "Walang ano man yun anak." sabay pisil sa aking pisngi. "Napaka gwapo naman ng batang ito oh. Magkamuka kayo ni Joey noong binata pa siya." Tugon nito habang abot tenga yung kanyang ngiti at patuloy parin sa pagpisil sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
What if Spongebob is real?
ФанфикшнThe question is "What if Spongbob is real?". Pano nga ba kung totoo talaga si Spongebob at maka face to face mo siya. Ano ang iyung gagawin? - Matatakot - Hihimatayin - Magugulat - Matutuwa O baka naman kaya ay mahulog ang puso mo sa kanya, na siya...
