Ikalabing Tatlong Kabanata- Free Wall

1.5K 74 49
                                    

Ikalabing Tatlong Kabanata- Free Wall

[Kael's Pov]

"Pambihirang buhay naman toh oh! Sino ba yung kumuha ng video na ito?!" Kaagad kung pinatay yung aking phone dahil sa sobrang inis. Patay sa akin yung babaeng iyon, bwisit! Bakit ba kasi ako nag patalo sa babaeng bruskong iyon! Tsk. Lagot siya sa akin kapag makahanap ako ng tiyempo. Kaagad naman akong nag evil grid at muling pinaandar yung kotse ko. 

Habang nag mamaneho ako papuntang Makati ay dinaanan ko yung isang malaking billboard. Biglang nakaramdam ako ng lungkot sa aking nakita, naaalala ko noong nasa first year highschool palang ako sa McHugh University. Di ko akalaing magiging sikat siya na model hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong Asya at Amerika. Nang malagpasan ko na yung billboard ay nakaramdam ako ng pagka lungkot, di ko akalaing mapapamahal ako sa kanya ng ganito. (-_-)

-Flash Back-

Nakaramdam ako ng kaba sa unang pag pasok ko dito sa McHugh University. Wala pa kasi akong kakilala rito, bagong lipat lang ako dito. Dito na kasi ako pinapag-aral ng mga magulang ko, dahil nandito na yung kanilang business sa Maynila. Ayoko sanang sumama sa kanila, ngunit wala akong magawa. Banta nila sa akin kasi kapag hindi raw ako sumama sa kanila hindi naraw ako makakapag-aral, siyempre ayoko namang pabayaan yung pag-aaral ko kaya sumama nalang ako. 

Habang nag lalakad sa Hallway ay rinig ko ang bulungan ng mga estudyante sa aking paligid, karamihan ng mga nagbubulungan sa akin ay mga babaeng sa tingin ko ay Seniors na. Nagulat ako nang may babaeng biglang lumapit sa akin. 

"Hello Pogi! Ako pala si Jack." Pagpapakilala niya sa akin sabay inabot yung kanyang mapungay na kamay. 

Hindi naman ako kaagad na naka sagot dahil sa pagiging mahiyain ko. Yumuko nalang ako bilang pag tugon na nahihiya pa ako na makipag socialize sa kanya. 

"Aba'y mahiyain ka pala, huwag kang mag-alala ako yung kasandal mo dito sa McHugh!" Tugon niya in a very energetic way sabay itinaas yung kanyang kaliwang kamao. "Jack Christine Perez pala yung full name ko. Ikaw anong full name mo?" Tanong niya sabay ngito ng nakakaloko. Ngayon ko lang napansin yung angking ganda niya. Mapupulang labi, Kulay golden brown na mga mata, chinitang mukha at makinis na balat. Para siyang isang artista mula sa Korea, napakaganda niya talaga. 

Bigla akong nag-salita "A-ako p-pala si Kael Ch---" naputol yung pagpapakilala ko nang biglang tumunog yung bell na nag huhudyat na dapat pumasok na kami sa aming mga silid-aralan. Kaagad namang hinigit ni Jack yung aking kamay sabay takbo, kaya nag padala nalang ako sa pagkakahigit niya. Tutal hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta, kung nasaan yung classroom ko? Siguro naman ay alam niya. Habang magkahawak yung aming mga kamay ay biglang nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan. Yung parang kinukuryente ako, nakakaramdam ako ng mga butterflies sa aking tiyan. Bumilis rin yung tibok ng aking puso, sa tingin ko ay aatakihin na yata ako ng puso. Ano ba tong nararamdaman ko? Lahi panaman namin yung may mga heart attack, baka atakihin ako dito sa puso? Bawas pogi points yan para kay Jack. Tss. 

But wait! Ano batong pinag-iiisip ko, lumalandi na yata ako e. Sh*t naman! Biglang nakaramdam ako ng pamumula sa aking mukha, baka makita toh ni Jack! Nakakahiya! Tsk. 

 • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

At this moment nakahiga na ako ngayon sa kama dito sa aking kuwarto. Naninibago talaga ako ngayon sa bagong bahay namin, nasanay kasi ako doon sa Mansion namin sa Cebu. Tss. Malaki rin yung bagong bahay namin dito sa Maynila, ngunit parang may something. 

Bigla kung naalala yung nang-yari sa akin kanina sa school.

Kaagad akong bumangon sa pagkakahiga at tinungo yung aking computer. Binuksan ko yung aking Friendster para hanapin yung account ni Jack, nang ma type ko na yung buong pangalan ni Jack ay nanlumo ako ng makita kung marami yung naglalabasan na Jack Christine Perez dito sa search bar. Marami palang Poser itong si Jack?! Tsk! Saan ba dito yung real account niya. Tss. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What if Spongebob is real?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon