Ikalabing Isang Kabanata- Supernaturals Cry 2

1.2K 67 28
                                    

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

[A/N: Salamat po sa mga nag pasa ng kanilang fan art, ako po ay lubusang natuwa sa mga drawings and sketches na ginawa niyo. Grabeh, talaga yung pasasalamat ko sa inyo. Sana hindi po kayo mag sawang tangkilikin ang istoryang ito. Goal ko po ngayong summer ay matapos yung story na ito, may nag email kasi sa akin na gusto nilang gawing book yung story ko kapag matapos na. Thanks God for this blessings, naka abot narin sa 900+ likes yung facebook page ng "What if Spongebob is Real?". Para po sa mga gustong maging cast sa istoryang ito, pwede pa po kayong humabol. More Power! :)]

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

Ikalabing Isang Kabanata- Supernaturals Cry 2

[Jill's Pov]

 "Ano ba toh?! Wala pang jeepney na dumadating, halos 3 oras na akong naghihintay dito sa labas ng mall. Tss" reklamo ko. 

Buti nalang nagkaroon ako ng pagkakataon na matakasan yung mokong. HAHAHAHA! (Evil laugh). Ano na kaya yung nang-yari sa mokong na iyon? Baka napahamak nayon? Hindi panaman siya familiar sa lugar na ito, saan ba kasing lugar nanggaling yung nilalang na iyon? Ano ba tong pinag-iiisip ko?! Masyado na akong natataranta sa mokong na iyon, basta yung mahalaga natakasan ko na siya. HAHAHAHA! (Evil laugh). 

"Sh*t! Ang init ng panahon ngayon!" bulong ko sa aking sarili habang pinupunasan yung pawis ko sa noo gamit yung aking brand new face towel na kabibili ko palang kanina. Buti nalang nakabili ako ng face towel, kung hindi tagaktak na ako ngayon ng pawis. Tsk. Sa di kalayuan ay napansin kung may paparating na jeeyney, kaagad naman akong napa alerto. Sana hindi pa puno yung jeepney para makasakay ako, baka kasi makita pa ako ng mokong na iyon. Kaagad ko namang iniwagayway yung aking kaliwang kamay para senyasan yung paparating na jeepney. Nagulat nalang ako ng dinaanan lang ako ng jeep, hindi ba ako nakita ng driver?! Bwisit! "HOY! JEEP!" sigaw ko ng pagkalakas-lakas. Ngunit walang silbi na yung pagsigaw ko, nakalayo na kasi yung jeepney. Tss. Pambihirang buhay toh! Sinusundan pa ako ng kamalasan ng mokong na iyon. Tsk! Napaupo ako sa may bench habang patuloy parin yung pagtagaktak ng aking pawis, napansin ko ring basang-basa na yung aking face towel. Yung parang ibinabad sa tubig. 

Habang naghahantay para sa susunod na jeep ay napansin kung nag-iba yung ambiance ng paligid. Biglang lumamig yung lugar, nag sisimula naring mag dumilim yung kalangitan, yung parang bubuhos yung napakalakas na ulan. May bagyo ba? Ang init-init ng panahon kanina, tapos biglang magkakaganito? Pero mabuti nalang yung ganito, hindi mainit. May dala naman akong payong dito sa backpack e, kaya hindi ako mababasa kapag umulan. Tsk. 

Nagulat nalang ako nang biglang umihip yung napakalakas na hangin na siyang ikinagulo ng aking buhok, nag mimistula na akong manananggal sa itsura kung ito! Amfufu! Biglang bumuhos yung napakalakas na ulan na siyang ikinagulat ko, dali-dali ko namang kinuha yung payong sa aking backpack. Nang makuha ko na ay binuksan ko ito. "Punyatera! Nabasa parin ako ng ulan, grabeh naman yung ulan na ito! Hindi namanlang bumuwelo. Tsk!" reklamo ko habang pinupunasan yung aking damit. 

What if Spongebob is real?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon