Ikapitong Kabanata- Confirmation

1.5K 79 37
                                        

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

[A/N: I dedicated this chapter to Ivy Rose Molo who's always supporting this story, thanks a lot and God bless. 

Ps. Follow me for a follow back in Twitter @CoffeeBraker]

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

Ikapitong Kabanata- Confirmation

[Spongebob's Pov]

"Bakit hindi mo ni lock yung pintuan ng banyo?!" tanong sa akin ng matandang lalake habang nakapamewang. "Ayan tuloy yung nangyare, nasilipan ka ng di oras!" Pangaral niya sa akin in a creepy loud voice.

Pano ko naman masasara e wala ngang lock yung pintuan. Tss. "W-wala po kasing lock." Sagot ko habang nakayuko. Nandito ako ngayon sa sala at sinisermonan ng matandang lalake. Hindi panga ako nakakapag bihis e, wala pa akong suot na pangitaas at tanging tuwalya lang yung nakapulupot sa aking bewang. Ni underwear nga e, hindi pa ako nakakapag suot. Tss. (-_-*)

Bigla niyang minasahe yung kanyang noo "Kahit na walang lock marami namang paraan e, dapat inilagay mo nalang yung mini water tank sa may pintuan para hindi ka mapagbuksan." He sigh. "Sige! Itigil na natin toh, nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa. Tss. Siguro naman ay okey lang sa iyo yung nangyari? Tutal lalake ka naman." Kinuha niya yung kanyang suot na salamin para punasan.

Ano ba Spongebob? Okey lang ba sayo yung nangyari? Sabagay hindi naman ito big deal sa akin, sa Bikini Bottom nga e naglalakad kami ni Patrick na walang suot na pangibaba. Tsk. Pero bakit may kakaiba dito sa mundong ito, parang nahihiya ako. Augh! Bahala na nga! Tama yung sinabi ng matandang lalaking ito, nangyari na yung nangyari wala na akong magagawa. Kaya ikaw Spongebob just relax and take it easy, basta't alalahanin mo na wala ka sa Bikini Bottom, okey! "Okey lang po sa akin, hindi naman po iyon big deal." tugon ko habang nakangiti ng matagumpay. (^_^)

Nagulat nalang ako nang biglang "ANONG SABI MO?! Hindi iyon big deal sayo?! Saan ka ba nanggaling bata ka?! Alam mo bang dapat yung makakakita lang ng pagkalalake mo ay yung mapapangasawa mo! Hindi sa kung sino-sinong babae diyan." sigaw niya sa harapan ko, ramdam ko ang talsik ng kanyang laway. Eww. 

Hindi ko na alam yung aking gagawin, nanlaki nalang yung aking mga mata. Bakit big deal sa kanila yung nangyari kanina sa banyo? "Sorry po, hindi ko po kasi alam na bawal pala iyon dito sa mundo ninyo." tugon ko habang nakayuko. Nang ituon ko na yung aking pansin sa matandang lalake ay bigla akong nagulat sa kanyang naging reaksiyon. 

Bigla siyang lumapit sa akin at sabay hawak sa aking mukha gamit yung kanyang kaliwang kamay. Masiyasat niyang inobserbahan yung aking mukha. "Sino ka ba talaga? Saan ka ba nanggaling at tao ka ba talaga?" tanong sa akin ng matandang lalake na puno nangpagdududa sa kanyang mukha.

Sasabihin ko ba sa kanya yung totoo? Mukha naman siyang mabuting tao, istrikto lang tulad ni Mr. Krabs pero sa tingin ko naman ay may mabuting kalooban. Pero baka pagtawanan lang niya ako, tulad nang ginawa ng babaeng nilalang na iyon. Tss. Napagisip-isip ako ng ilang segundo. 

*Bright Idea*

Alam ko na! Gagamiti  ko nalang ang mga nilalang na ito para mahanap si Gary sa mundong ito. Tsk. But still hindi ko pwedeng pagkatiwalaan ang mga ito, mahirap na at baka 'ewan'. Basta hindi ko pwede silang pagkatiwalaan! Tsk.

Biglang may tumapik ng mahina sa aking mukha "HOY!" sigaw nang matandang lalake.

Ay! Oo nga pala may kausap pa ako, muntik ko nang makalimutan. Tss. Biglang naging seryoso ang aking mukha, umupo ako sa may sofa "Ipangako niyo po sa akin na maniniwala kayo sa aking sasabihin." tugon ko in a cold voice.

What if Spongebob is real?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon