Ikawalong Kabanata- I Hate Spongebob!

1.5K 79 28
                                        

 • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

[A/N: Guys, I need your honest answer. Rate this story from 1-10, then comment kung ano yung mga suggestions/clarifications niyo regarding sa istoryang ito. I dedicated this chapter to Ms. Ivy Rose Molo, thank you sa support. 

BTW! Nakagraduate narin ako sa wakas. I am the batch 2013-2014 First Honorable Mention, I got 8 medals, 1 ribbon and 2 certificates. Sorry pala sa late update, tinatamad kasi akong mag type. Tss. Baka nga yung next chapter is next month ko pa ma update. Naghahanda na kasi ako para sa College, nagdadalawang-isip nga ako kung ano yung kukunin kung course. (-.-) Accountancy ba o Business Ad.]

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

Ikawalong Kabanata- I Hate Spongebob!

Ano ba tong mokong na ito, mapagkakamalan kaming mga galing sa mental dahil sa pinaggagagawa niya. Nakakahiya, parang ngayon lang nakapunta sa Mall. Tss. Pero sabagay, diba sabi niya naman na siya daw si Spongebob SquarePants, so kung siya nga talaga si Spongebob, dapat lagi siyang mukhang tanga! Grabeh! Best actor talaga tong mokong na ito. Tsk. Kung hindi lang siya nag drama kahapon, pinabayaan ko na tong mokong na ito. Pambihirang buhay toh oh! Nadadamay ako sa kagaguhan ng pesteng taong ito. (-_-*) 

At this moment, pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa Mall, I mean siya lang pala. Lumayo ako ng distansiya sa kanya para hindi rin ako magmukang galing mental. Pano ba namang hindi siya mapagkakamalang taga mental, talon ng talon na parang ewan, laging nakangisi, kulang nalang maglagay siya ng makapal na red lipstick sa buong bibig at siya na talaga si Ronald McDonalds

[A/N: Nasa side po yung picture ni Ronald McDonalds.]

Habang naglilibot sa Mall ay biglang nakarinig ako ng pagsigaw mula sa aking likod "MASTER JILL!".

Biglang nagulat naman ako sa aking narinig. "Ay lalakeng may itlog!" tugon ko dahil sa sobrang pagkakagulat. Bigla naman akong napatingin sa aking likod na nakataas ang kilay. Anak ng alimango yung mokong lang pala. Tss. Kaagad akong nagpatuloy sa paglalakad at hindi pinansin yung mokong, mahirap na baka sabihin pang magkakilala kami. 

"MASTER JILL!" pangalawang sigaw nito.

What if Spongebob is real?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon