Ikatlong Kabanata- Mundong Ibabaw
[A/N: Comment nalang po sa mga gustong magpadedicate sa kabanatang ito. Huwag niyong kalimutang I-vote yung bawat chapter ng story, para nangsagayon ay ganahan akong mag update. Salamat rin po pala kina Ms. Yuria Kawasaki, Tambayan ng mga ADIK sa Wattpad Admins and also I would like to say thank you so much to Ms. MikkemeeShaBluBeri sa kanyang walang sawang suporta sa istoryang ito. God Bless and More Power.]
-----------------------------------------------------------------
[Spongebob's Pov]
Umahon ako sa tubig, at tama nga yung naging hinala ko! Nag karoon nga nang malaking pag-babago sa akin. Mula ulo hanggang paa. Ang pag-babago na hindi ko inaasahan.
Nangmakaahon na ako sa maduming ilog na iyon ay kaagad akung nagtungo sa isang nabubulok na bahay, puno ito nang lumot at ang mga poste nito ay parang bibigay na. Kahit alam kung hindi makapagkakatiwalaan yung mga nilalang dito ay wala akong magagawa kundi humingi ng tulong sa kanila kung saan ko mahahanap ang aking alagang si Gary. Di ko kasi alam kung saan ako magsisimula? Ngayon palang ako nakarating sa magulong lugar na ito. Di katulad sa Bikini Bottom, lahat ng mga gulches ay nagkakaisa upang lutasin ang mga bagay-bagay. Di katulad rito sa mundong ibabaw, sa tingin ko ay nagkakaroon sila nang pagkakanya-kanya. Tss. Nagulat nalang ako nang biglang may nagsalita.
"Paging-paging. From Plankton to Spongebob, over!" tawag na nanggagaling sa sing-sing na ibinigay ni Plankton sa akin.
Baka ito yata yung nagsisilbing communication device ng Bikini Bottom sa akin? Tinignan ko ng maigi yung sing-sing. Umiilaw ng patay sindi yung maliliit na pulang perlas na nakapalibot sa lilak na sing-sing na ito.
"Hoy Spongebob sagutin mo yung tawag ko sayo, over!" sigaw ni Plankton mula sa sing-sing na parang walkie talkie. "Sasagutin mo ba ako o hindi over! Ibababa ko toh, over!" pagbabanta nito sa akin.
"Holy Krabby Patty! Paano ba ito gamitin?" Sabay kamot sa ulo. Pinagpipindut ko yung mga pulang perlas na nakapalibot sa sing-sing, ngunit wala paring nangyari. "Holy Balogna! Di ko alam kung paano ito gamitin?!" reklamo ko habang mangiyak-ngiyak.
[A/N: Balogna - Name of a sausage, it is pronounced “bah-LOAN-ee” and is often spelled “baloney.”]
"Tanga! Kahit kailan tanga ka talaga Spongebob!" sigaw ni Plankton in a creepy voice. "Wala kanang pipindutin pa! Magsalita kalang maririnig kana namin rito sa Chum Bucket, over!" tugon ni Plankton.
Ay! Ganun lang pala? Pinahirapan ko pa yung aking sarili. Tsk. Inilapit ko yung sing-sing na suot ko sa aking bibig. "Oh sorry! Di ko kasi alam kung paano gamitin toh." pagdadahilan ko. "Nakarating na pala ako ngayon dito sa Mundong Ibabaw, napaka gulo rito, maraming basura at usok sa paligid. Polluted na sobra!" tugon ko in a very load voice.
"Alam ko! Dahil nasama yung Bikini Bottom sa pag travel mo papunta sa mundong ibabaw gamit yung Transporter101 ko." tugon ni Plankton. "Napadpad kami ngayon sa isang maruming tubig tabang na kulay itim! Di na ma---" Naputol ang pagsasalita ni Plankton.
"SPONGEBOB!!!!!!!!!! SPONGEBOB!!!!!" May biglang sumigaw ng pangalan ko mula sa sing-sing.
Aba! Boses toh ni Bestfriend Patrick ah? Mukhang may malubha siyang nararamdaman. Tss. "Oh! Bakit? Anong nangyayari diyan Patrick? tanong ko habang nagpapanik.
"SPONGEBOB!!! Di ako makahinga! Di rin ako makakain ng ice cream dahil sa sobrang dumi ng paligid. Tuwing bumibili ako ng ice cream nadudumihan ito. At marami pang poop na lumulutang at nagsusulputan sa paligid! Si Squidward nga e! Di na makapagpatugtog sa kanyang clarinet dahil sa tuwing nagpapatugtog siya, nakakasinghot siya ng mga poop na kulay green. SPONGBOB!! Bilisan mo na! Hanapin mo na si Gary nang sagayon ay maibalik na natin yung Bikini Bottom sa dating kinatatayuan nito. Dal---" Biglang naputol ang pagsasalita ni Patrick.
BINABASA MO ANG
What if Spongebob is real?
أدب الهواةThe question is "What if Spongbob is real?". Pano nga ba kung totoo talaga si Spongebob at maka face to face mo siya. Ano ang iyung gagawin? - Matatakot - Hihimatayin - Magugulat - Matutuwa O baka naman kaya ay mahulog ang puso mo sa kanya, na siya...
