Ginawang libangan ni Yuan ang paghatid sundo sa akin, he even asked my Mom's permission na gawin iyon.
And of course she said yes without hesitation.
"Mukhang may instant boyfie ka ah" panunukso ni Gail. Omg, this is so frustrating.
"Pinsan ko nga diba? Pwedeng wag bigyan ng ibang meaning" sambit ko na naiinis na talaga. She threw her hands up and shrugged at ngumiti ng may kasamang panunukso pa rin.
Another shift has passed, "Uh..." I trailed while on the way home, gusto ko na talaga sabihin sa kanya na hindi sya obligadong gawin ito. "Can you stop?"
Itinigil naman n'ya yung sasakyan, oh God, I'm not yet done! "Anong meron?" He asked facing me.
"Stop, whatever this you're doing"
"Alin? Sa t'wing mahuhuli mo akong nakatitig sa'yo habang pinagluluto mo ako? Or ang pag ngiti ko everytime naririnig kitang kumanta sa garden?" Lord why is he like this? Totoo lahat ng sinabi n'ya hindi lang ang paghatid sundo sa akin ang ginagawa n'ya, at lahat ng sinasabi ni Gail ay nangyayari talaga, I don't know what the hell he wants pero hindi ko talaga ma-picture na kami ay more than family.
"Just... Stop everything, lahat ng sinabi mo and even this, yung paghatid sundo mo sa akin, I am not your responsibility"
"Yes you're not my responsibility, but I like what I am doing, masaya ako Ky... Hindi ko maexplain pero may kakaibang saya talaga ako sa t'wing ikaw ang nakikita at nakakasama ko"
"Hindi ba awkward? Mag pinsan tayo and you're doing things na ginagawa lang ng isang lalaki sa babaeng minamahal n'ya? Do you get what I mean?"
"I'm not stupid, alam ko ang ginagawa ko"
"We're family"
"Yes we are, but not by blood"
"Alam mo?"
"I know everything Ky... Everything you know and you don't"
Natahimik ako bigla, alam n'ya lahat ang lihim ng pamilyang ito. I wanted to ask him pero nagpigil ako. Maybe I'm not yet ready to know the truth. Prolonging the agony is never good, but at least it prevents you from getting hurt event just for a while.
The ride home was dead silence.
"Good you're here" salubong ni Mommy sa amin. She kissed me and Yuan.
"Anong meron Mommy?" I asked, hindi naman n'ya ugaling salubungin kami everytime we go home.
"Well, your two grandmoms will be visiting us tonight" What? Mama Piper and Mamita Gwen? Omg
"Both of them?" Yuan asked
"Yes, because they wanted to see the both of you"
"Bakit di n'yo na rin po iinvite si Mama Aly?" Para tandem silang tatlo, don't get me wrong I love my grandparents but I swear they're the most strict and pain in the ass elderly to ever exist. At mukhang pareho kami ng iniisip ni Yuan. I am sure I'm not the only victim here. Sayang at wala sina Mommy Dan, s'ya lang naman ang kakampi ko and Papa Axel.
"Oh what a good idea, I'm sure masaya yan, I'm gonna call Tita Aly" why am I not surprise that she'll do it for real. I should've known better. Tapos bigla syang sumimangot, "If only Mommy Tita and Daddy Tito are still alive, it would be so nice to see them all together again"
Bigla naman yumuko si Yuan.
Hindi namin inabutan pareho si Lola Amethy at Lolo Yael. Those two died so young. Never nag-kwento si Mommy about them, so that's the only thing I know about them.
It must've been so hard for this family to even mention about their names.
Ngayon ko nalang ulit narinig kay Mommy, the last time was noong nag-eavesdropped ako at nalaman ang mga bagay bagay sa koneksyon namin ni Yuan.
Even Tita Lana, I didn't even know na Tita ko talaga s'ya.
I know Tito Caleb and Mama Aly, since naikukwento sila sa akin nila Mamita. Pero never talaga nila nabanggit si Lola Amethy. Even pictures of her sa bahay wala.
"This is the right time to ask them" bulong sa akin ni Yuan habang nasa hapag kainan kami at masayang nagkukwentuhan ang aming mga Lola. Ang tanda na nila pero para silang mga paslit na naghahalakhakan.
"Ang saya-saya nila, gusto mong sirain ko yung gabi?"
"Anong pinagbubulungan n'yo dyan?" Tanong ni Mama Aly
"Wala po Mama"
"Well I told her to ask you all questions" he blantantly said, shit! Ano na naman trip nito!
"Oh, anong gusto mo malaman apo?" Sagot ni Mama Piper, she's the most nakakatakot na Lola promise, I've seen her got mad with my Mom, and I swear pati ako natakot!
"Wala po nagjojoke lang si Yuan," tinignan ko si Yuan at pinandilatan,"Diba?"
"Can I ask then?" Sagot n'ya, napayuko nalang ako!
"Go ahead"
"Bakit hindi n'yo sinabi sa kanya ang tungkol kina Lolo Yael at Lola Amethy?" I immediately shot my eyes at them, at mukhang lahat sila ay nagulat.
"Yuan.." Hinawakan ni Mama Aly si Yuan at tinignan na para bang sinasabing wag n'yang gawin iyon.
"Don't you think it's about time na malaman din n'ya ang tungkol sa kanila? She deserves to know too"
"Yuan tama na" pagpipigil ko
"No! You need to know, na natatakot sila na mapanaginipan mo ulit si Lola Amethy" Para akong binuhusan ng malamig na tubig, nang maalala ko yung Amethy sa panaginip ko.
"You...you mean to say they're the same person?"
"Kyla, anak" Mom called pero hindi ako makagalaw.
"Were those dreams true?" I asked calmly
"Anak..."
"Just answer me please" tinignan ko s'ya. She nodded. So they're all true. Pero bakit? Bakit ko napanaginipan ang nangyari noon?
"Yung batang kasama n'ya sa aksidente ako yon" Mom revealed, "I was there when it all happened"
"Hindi namin maexplain but somehow you act like Amethy, you even see her in your dreams and the fact na accurate lahat ng nakita mo proves that you are her" Mama Piper explained. Paanong ako s'ya? That's absurd! There's no such thing!
"Kasalanan mo 'to Yuan!" I blamed him, wala naman akong balak magtanong eh! I hate this! I hate what's happening!
"Everything's always been my fault even Amethy's death was mine" he said emotionless, yung mga mata nya dark lang, malamig nakakatakot.
"Lolo Yael and me are the same person too, and it's my fault"
"No! Hindi pwedeng tayo sila, matagal ng patay yung dalawa! Pwede bang patahimikin na natin sila? Pwede bang patahimikin nyo na rin ako?"
//okay so here, the reincarnation unfolds, let's see how Kyla handles the truth. And what will Yuan do to help her know who she truly is.//
BINABASA MO ANG
This Lifetime
FanficWhen Life after death plays with destiny, to fulfill the Love that has been shortened by an unfortunate event.