"Amethy please wag mo kaming iiwan lumaban ka" umiiyak na sambit ni Yael
"Paano na si Lana? Paano na ako? No please I love you so much I can't afford to lose you" patuloy ang pagluha ni Yael, habang mahigpit na hawak ang kamay ng kanyang asawa na nakaratay sa ICU ng hospital, tanging mga makina na lamang ang bumubuhay sa kanya.
"Yael..." dumating ang kapatid ni Amethy at hinawakan ng marahan sa balikat ang bayaw. "Umuwi ka muna at magpahinga, ako na muna magbabantay kay Amethy"
"Hindi ko iiwan ang asawa ko" matigas na sagot ni Yael.
"Kung ikaw naman ang magkakaaakit papaano si Lana? Yael may anak kayo"
"Hindi ko iiwan si Amethy, gusto ko paggising n'ya ako ang una n'yang makikita." Pagmamatigas n'ya.
"Amethy won't be happy seeing you like this...Alam mo kung gaano kayo kahalaga ni Lana sa buhay n'ya and if you continue being like this, don't you think you're hurting her more?"
Natahimik si Yael, tila nakapag isip isp, at kalaunan ay sinunod ang kanyang hipag na si Gwen.
Hinalikan n'ya ng marahan ang asawa at saka sinabing "Babalik agad ako hintayin mo 'ko"
Habang nasa daan ay hindi pa rin mapakali si Yael, kung kaya't minabuti nyang huminto panandalian, lumabas sya ng sasakyan, nang may lumapit sa kanyang isang matandang babae, tila nais manlimos, kaya agad syang bumunot ng salapi "Nay, ito po pambili nyo ng pagkain"
Ngumiti ang matanda, "Maraming salamat ngunit hindi ako pulubi" ibinalik nya ang salapi kay Yael.
"Bakit po kayo mag-isa?"
"Hindi ako nag-iisa, kasama ko s'ya" tumuro sa langit ang matanda na sya namang sinundan ng tingin ni Yael.
"Batid kong may pinagdaraanan kang mabigat na pagsubok anak, ngunit kung sakaling hindi umayon sa iyo ang tadhana ay wag mo sanang ituloy ang balakin mong maging sa kabilang buhay ay iyong pagbabayaran at pagsisisihan" ang mga katagang ito ay ikinagulat ni Yael. Paanong ang isang estranghero ay magbibitaw ng mga salitang naaayon sa pagkakataon.
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"S'ya ay itinakdang mawala upang ipanganak muli" makahulugang pahayag nito.
"Hindi ko po talaga kayo maintindihan"
"Palayain mo ang iyong sarili upang sa inyong muling pagbabalik ay makamit n'yo ang inaasam"
"Sige Nay, salamat po at sorry kailangan ko na rin pong umuwi" agad syang pumasok sa sasakyan, binuksan nya ang bintana para muling magpaalam pero laking gulat nya wala na ang matanda.
Hanggang makarating ng bahay ay naiisip pa rin ni Yael ang mga naganap kani kanina lang.
"Masyado na ata akong stressed at kung sino-sino na ang kinakausap ko" bulong nya sa sarili.
"Tama, wala na sa sariling katinuan iyong matanda na nakausap mo, walang ibig sabihin ang mga sinabi nya" pangungumbinsi nya sa sarili.
Agad nyang pinasok ang kwarto ng kanyang anak na mahimbing na natutulog katabi ang kanyang Tita Dan na agad rin naman nagising ng maramdaman na may tao.
"Yael, sino ang bantay ni Ate?" Agad nyang tanong
"Si Gwen..." sagot nya habang pinagmamasdan ang anak "Kumusta si Lana? Hinahanap nya ba ang Mommy nya? Alam nya na ba?" Sunod-sunod nyang tanong. Naawa sila sa bata, pagkat musmos pa lamang ay may mabigat ng suliranin ma kinakaharap.
"She's fine, napacify ko naman sya, she knows pero syempre hindi nya yon pinaniniwalaan, mabuti nga at napatulog ko"
Napabuntong hininga na lamang si Yael.
"Dan..." huminga muli sya ng malalim, "Naniniwala ka ba sa hula?" Bagaman nais nyang maalis sa isip nya ang mga tinuran ng matanda ay sadyang mapaglaro ang isip.
"Hindi... pero may mga bagay talaga na sadyang mahiwaga"
"Paano kung may nagsabi sa iyo ng mga salitang umaayon sa sitwasyon mo sa kasalukuyan, paniniwalaan mo ba o ipagwawalang bahala nalang?"
"Hindi ko alam, depende siguro, ewan teka lang bakit mo natanong? May nangyari ba?"
"Wala, kalimutan mo na lang, tawagan mo si Axel para may kasama kayo dito, babalik rin ako sa Hospital mamayang gabi"
"Darating silang lahat mamaya, kaya huwag ka na mag-alala at magpahinga, wag mo na rin masyadong isipin si Lana, nandirito kaming lahat aalalay sa inyo"
"Salamat Dan, maraming salamat"
Hinalikan nya sa noo ang ang anak at bumulong ng I love you anak bago tumungo sa kanyang silid.
"Amethy, tila pinaglalaruan tayo ng tadhana" bulong ni Yael habang nakahiga at natutok ang mga mata sa kisame.
"Gumising ka na, at samahan ako habang buhay"
Tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata at unti-unti ng kinain ng antok.
"Yuan...gising huy" napakagat labi nalang ako bakit umiiyak 'to habang tulog. Kung hindi pa pala ako pumasok dito sa kwarto nya ay malamang walang makakaalam na para syang binabangungot.
Medyo nilakasan ko ang pagyugyog sa kanya at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong dumikat sya.
"Okay ka lang ba? Nakikilala mo pa ba ako?" Kahit na ang gulo gulo ng buhay ko ngayon dahil sa kanya, di ko magawang magalit ng matagal sa kanya, di ko maexplain iyon ang nararamdaman ko.
"Can you bend a little more?" He said with a husky bagong gising voice, omg. I obliged, I bend a little, nang bigla nya akong hatakin and end up on top of him.
Nakayakap sya kaya hindi ako makawala, mas lalo lang nya hinihigpitan pag kumakawala ako. So I gave up and let him be. Baka nananaginip pa s'ya.
"It felt so real, all the emotions all the scenerios, and I missed you so much" he whispered into my ears. God parang ang init bigla!
"Uhm"
"Ky... Don't you think our dreams were once true?"
"What?"
"I know you dreamed of her, because I dreamed of him, they're connected and we cannot say it's not one hundred percent true because Amethy and Yael existed"
"I don't know, ayokong alamin"
"But-"
"Yuan, reincarnation or not, we're now different from them, ayokong mabuhay sa anino nila"
"What about me? I think I'm starting to be Lolo Yael"
"No! You're different from him"
"Paano mo nasabi, you don't know anything about them"
"Nararamdaman ko lang"
"Am I freaking you out?"
"Well yeah, stop with the reincarnation thingy, we'll prove them we're totally different people"
"No. I'll help you find peace, because that's what Lolo Yael and Lola Amethy wants"
I nodded, bigla akong inantok, and yes I'll be sleeping with him, where my heart and soul found its peace.
BINABASA MO ANG
This Lifetime
FanfictionWhen Life after death plays with destiny, to fulfill the Love that has been shortened by an unfortunate event.