"I'm sooooooooo happy friend! Finally!" She's squealing like a seal. Sometimes I wonder why did I befriended her.
"So help me okay?" She nodded like a child.
"I'm more than willing to help you kasi finally you're back"
"Masaya rin ako, mas masaya na"
So what's this about? I'm going to surprise Yuan. Masyado ko na s'yang pinahirapan, panahon na para ako naman ang kumilos.
Tama na yung tatlong taon kong kinulong ang sarili ko sa kalungkutan at pagsisisi.
Tama si Abraham, we should not hold back anymore. This time I'm gonna make sure that Yuan will be the luckiest man alive.
Nag-apply ako sa Hotel na minamanage nya, but syempre hindi ko pinaalam na ako 'yon. Kunwari may irerecommend si Tita Lana. Yes, kinasabwat ko lahat ng tao sa paligid namin.
"Seryoso ka ba sa isusuot mo?" Tanong ni Trina.
"Why?"
"Girl, baka maging ninang ako agad nyan" biro n'ya.
"Masyado bang revealing?" She nodded. Omg that's my goal tho, para di ako mareject.
"Girl ito" tsaka n'ya inabot yung sakin yung pastel pink na dress, tapos white blazer.
Si Tita Lana pa mismo ang nag drive sa akin papunta ng Hotel. Para nga naman kapanipaniwala na s'ya ang nagrekomenda.
Pagpasok namin sa lobby agad naman kami binati ng mga staff, of course they know me, parents ko ang may-ari nito!
But I signaled them not to, mukha naman nagets nila kaya ngumiti nalang sila.
Pagpasok namin sa elevator, "Seems like the letter really helped" Tita Lana said.
"Marami pong realizations on my part while reading his letter" I sincerely said.
"Alam mo, it maybe weird that you'll gonna be dating both my sons, and to think na we're technically a family, I am happy na ikaw, ikaw ang minahal ng mga anak ko" she smiled contented,"Ky... I'm sorry kung ipinilit namin na sumunod kayo sa parents ko, it's just that, you really resembles my Mom at ginusto kong paniwalaan ang pinaniwalaan ko dahil gusto ko ng happy ending sa magulang ko"
"Tita... sa totoo lang po, I can also feel Lola Amethy inside me, maybe because I was really her, ayoko man aminin pero the first time I saw Yuan, may kakaibang ligalig po sa puso ko" I sincerely replied.
Nang makarating kami sa office ni Yuan. I took a deep breath.
"You look wonderful, at tsaka masyado ka ng mahal ng anak ko, hindi ka na n'ya kayang ipagpalit" then she chuckled before she entered her son's room.
I hear them talking, syempre dapat engrande ang entrance ko.
I opened the door, gusto ko sanang tumawa ng malakas kasi naman yung mukha ni Yuan nang makita n'ya ako.
But I keep myself composed, no not yet, I'll have my time to laugh at you, Yuan!
"Ky..." he said, Tita excused herself, nag-thumbs up pa haha.
"Good morning Mr. Stevens, I believe Tita Lana discussed everything with you" taray I sounded so smart.
"Ye-yes" is he stuttering? Hala, naintimmidate ko ata ng sobra.
"Good then, when will I start?"
"Ky..."
"Ano?" I asked bored, syempre charot lang 'yon. Kung pwede lang halikan at yakapin s'ya ngayon ginawa ko na, pero hindi, gusto ko maging special kung gagawin ko 'yon.
He sighed, "Are you sure about this?" I nodded, "Do you know what position you're applying?" I nodded. "Do you know that you will be with me almost 24/7?" I nodded.
"I know everything, Lincoln"
"I-ah, I prefer to be called Yuan" he said na parang ninenerbyos na
"I like your second name"
"Ky, if you really want this job you have to abide by my rules, I'm still in-charge, you can call me Lincoln or whatever outside work, am I making myself clear?" He sounded serious and it's so hot.
"So..." I trailed "flirting with my boss is also a no no, yeah?" I teased.
"What the?" Omg he's pissed, I need to be still, hindi dapat ako magpatalo sa emosyon. Kalma Ky, mamaya mo na lambingin.
"Kidding, Sir Yuan"
"Yuan is okay, Sir is probably not needed because technically you're still the heir of this Hotel"
"Alam mong hindi ako interesado"
"Yes that maybe true, pero may kapatid ka ba na pwedeng mag manage?"
"Wala pero mayroon akong asawa na pwedeng mag manage" he was taken aback, promise konti nalang tatawa na ako, iba't ibang reactions na ang nagawa ni Yuan simula kanina, pwede na s'ya magtayo ng emoji factory.
"You're married?" He asked "Kaya pala kahit anong suyo ko sa'yo hindi mo talaga ako kayang tanggapin ulit" bulong n'ya pero ang lakaa lakas narinig ko eh pero kunwari di ko narinig.
"Not yet" he then breathe, "Kailangan ko pa s'yang ligawan ulit eh" I pouted.
"Why would you do that? Ikaw ang babae"
"Okay lang, kasalanan ko naman kasi, masyado akong naging pa-hard to get"
"Mahal ka ba talaga n'ya?"
"Well... sana..."
"Ky... are you sure about this guy?"
"I am damn sure he's the one for me"
I saw him clenched his jaw as I did my best not to laugh.
BINABASA MO ANG
This Lifetime
FanfictionWhen Life after death plays with destiny, to fulfill the Love that has been shortened by an unfortunate event.