Otso
Pictures
Serenity
"Ang lamig talaga dito!" daing ni Edcyll saka nya hinawakan ang magkabilang braso.
"Namiss ko dito, bili tayo mamaya ng strawberries ah? Bigay natin kay mommy pag-uwi." sabi naman ni Charlotte kay Harold.
Sila Rielle naman at Travy ay nagsimula na sa pagki-click ng mga camera kinukuhaan ang magagandang tanawin dito.
"Tara malapit na dito yung hotel na ka-close ni mom yung may-ari." sabi naman ni Zander saka namin sya sinundan.
"Pwede bang bago tayo umalis dito pumunta tayo ng strawberry farm? Yung dun sa inyo Jake!" tuwang tuwa na sabi ni Tracy at niyugyog si Jake. "Stop that Tracy, nahihilo ako sa ginagawa mo!" pagsusungit ni Jake kay Tracy.
Ang mommy nila Jake, Zander at Ian na si Tita Patricia ay taga-dito. Di kami pwedeng mag-stay sakanila, di kami pwedeng mabunyag na andito kami, the whole squad might knew na andito kami at baka magtaka sila.
Naghiwa-hiwalay na kami nang makarating kami sa hotel na sinasabi ni Zander magche-check in kami dito ng 3 araw. Nilapag ko na ang mga gamit ko, alam ko namang nagtataka na ang iba kung bakit nawala kami kaya i sended a message on Adam, "Bro, may project lang kaming gagawin wag nyo na kaming hanapin we'll be absent for about 2 days simula bukas."
Nakatulog ako for almost 3 hours at tiningnan ang aking wrist watch, alas nuebe na pala pasado. Pumunta na muna ako sa iaanv restaurant at dun kumain saka naman ako nakatanggap ng mensahe galing kay Rielle na papunta din sila dito.
"Nagugutom na ako!" pagdating na pagdating ni Edcyll ay tinawag nya na ang waiter at saka pumunta sa buffet. Ganon rin ang iba, "Punta kaya tayo sa mga haunted places dito?" ani ni Tracy. "Pumunta ka mag-isa mo." sabi ni Jake sabay irap. Bakla ba tong isang to?
"Asan si Ayesha?"
"I'm here!" saka naman sya lumapit suot suot ang biniling Igorot costume saka nagsasa-sayaw. "Gusto ko din ng ganyan!" sabi naman ni Rielle at pumalakpak.
"Napasa nyo na ba yung resume nyo?" tanong ko kila Ed at Harold. "Magpapasa palang!" saka nilabas ang dalawang brown envelope na may lamang kung ano anong dokumento.
Binago din nila ang kanilang pangalan at lahat ng impormasyon ng mapagkikilanlan nila.Pagkatapos naming kumain ay agad na dumirecho sina Harold at Edcyll sa tanggapan ng mga Hatfield para kunin ang posisyong body guard. "Serene, si Jiro ay nasa high ended bar ngayon malapit sa Camp John Hay." sabi ni Charlotte hawak hawak ang isang tracker.
"Tara na we must change our outfits!" excited na sabi ni Ayesha saka sila nagpalit ng damit. Me? Hindi na, dapat ay di nya ako makita.
Nang matapos sila ay agad kaming tumulak agad sa isang high class bar, tinext naman ni Rielle sina Edcyll at Harold kung saan ang aming lokasyon.
Nanatili ako sa bar counter nang mamataan namin kung nasaan si Jiro Hatfield. Agad na lumapit ang tatlo kong kaibigan sakanya si Charlotte ay naiwan dito katabi ko ayas nya daw magpamanyak sa lalaking yun.
"Vodka please." sabi ko sa bartender si Charlotte naman ay nag-order ng margarita. Agad na tumagis ang init at lasa ng inumin sa lalamunan ko habang nakatingin sa inuupuan ni Jiro na ngayo'y hinahawakan na ang legs ni Tracy. "Tss, gustong gusto pa nya na hinahawakan sya jan."
"Pms-ing?" sabi ni Charlotte habang natatawa kay Jake si Jake naman ay umismid saka uminom ng whiskey, "Bakuran mo na kasi." saad naman ni Zander na di pinansin ni Jake.
Nang makarating na sila Edcyll ay agad naman itong napamura at pupuntahan na dapat si Rielle. "Ano 'tol ikaw rin?" mapang-asar na sabi ni Zander saka sila nagtawanan ni Harold.
"Bakit ba kasi kailangang ganyan?" pagre-reklamo ni Edcyll habang ang labi ni Jiro ay papunta na sa leeg ni Rielle atsaka naman pabirong lumayo si Rielle habang tumatawa.
"Hayaan mo matatapos din yan." tanging sabi ko saka uminom pa ng isang baso.
Di kalaunan ay nagyaya na si Ayesha na umalis, na tinanggihan pa ni Tracy, tss the party girl pero hinila naman sya ni Rielle at minatahan saka ngumiti si Tracy. Agad naman nagbigay ng calling card si Jiro tsaka nagsabing "Call me." at saka kumindat, ew.
Pasimple kaming umalis bago pa maka-lagpas ng lounge nila Jiro sila Ayesha, hinintay namin sila sa parking lot sa likod.
"Mas saling manyakis pala ang hayop na yon!" iritang sabi ni Ayesha, habang kinukuha ang tubig sa kotse at ibinuhos sa mga parte sa kanyang braso na hinawakan ni Jiro.
"You girls, mag-ingat ingat naman kayo, and please don't wear any slutty clothes again." seryosong sabi ni Jake.
"Sus Jake, if I know si Tracy lang sinasabihan mo! Dinadamay mo pa kami tss." mapang-asar na sabi ni Rielle.
"Ikaw Edcyll di ka magsasabi ng hinaing mo?" panunuya ni Harold habang natatawa, tiningnan naman sya ni Edcyll ng masama, "Chill bro, buti pa kami ni Zander relax lang, no hassle!" saka sila nag-apir ni Zander na syang sumang-ayon.
"Tss, wala lang si Penny dito. And for you Zander I know na may hd ka kay Ayesha." derechang sabi ko, si Harold ay natawa lang at umiling-iling, etong tanga na nasa harap ko ay mang-mang, "What the fuck is hd?"
"Hidden desire, Zander." sabi naman ni Charlotte.
"Ano naman kung ganoon nga?"
"Gago, ayoko sayo for your information." pagtataray ni Ayesha na ngayo'y nilalagyan ng alcohol and braso.
"Wala ka namang magagawa kung gusto kita." naghiyawan sila Edcyll at nagsisipulan habang ang mga babae naman ay nananahimik lang. "Nonsense." tanging sabi nya lang atsaka na kami sumakay sa van.
"So what's the plan for tomorrow?" tanong ni Zander habang nagda-drive. "Magbibihis ako na parang pulubi, how bout you two?" saka tinuro si Edcyll at Harold.
"Sisiw lang pala yon, akala nila di kami marunong ng mga defense mechanism." sabi ni Harold na nags-scroll sa facebook. "May bouncers din pala don no? Akala ko sa mga ba bar lang may bouncers." napa-irap nalang ako sa sinabi ni Edcyll.
"Edcyll yung totoo ano level ng i.q mo?" pang-asar na tanong ni Charlotte kay Edcyll. "Mana nga daw sya kay Dad, sabi ni mommy parrhas daw silang shonga." gatong naman ni Tracy.
"Siraulo ka ah! Atleast parrhas kaming pogi." saka nag-smirk si Edcyll. "Oh, tigil na yan andito na tayo!" sigaw ni Rielle saka naman isa-isang nagsilabasan sila Ayesha.
Nang makarating kami sa kanya kanya naming kwarto ay agad ako nagpasyang maligo at magpakasasa sa bathtub pagkatapos ay kumuha ng damit isang pajama at isang spaghetti strap na black atsaka kinuha ang phone ko sa nag-scroll at chineck ang mga social media accounts ko.
Friend ko pala yung hayop na yon, it's said here "Celebrate your friendship with Dominic Riley Barrameda." like ew, 15 years? Tapos may nakalagay pa don na "Share" di ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pag-scroll. At ang pinakabungad ay ang mukha nung gago, with her flavor of the hour na ti-nag sa account ni Riley, kadiri sarap lagyan ng masking tape para di na magkahiwalay mga bunganga nila kahit kailan.
Wala bang aids tong lalaking to? He's kissing different girls in every different hour paano pala kapag yung mga hinahalikan nya may aids? Tapos diba hinalikan nya din ako? Baka ako naman magkaroon ng aids? Shit, I hate that thought!
Di ko rin namalayan na napunta na ako sa timeline ni Riley at tiningnan ang nga wall post nya, naka in a relationship sya kanino sa iba't ibang babae? Sabagay tama nga naman natural na malandi kasi sya. I sounded like a jealous bitch girlfriend tss.
Nag-scroll pa ko ng makita ko ang pictures namin nung nakaraang gabi, isa isa ko itong tiningnan. Yung una medyo maayos ayos pa kami, mga nakangiti at doon sa mga pictures magkatabi kami ni Riley. Merong isang shot na nakatingin sya sakin ng nakangiti, pagkatingin ko ulit sa sumunod na picture ako naman yung nakatingin sa kanya nang nakakunot ang noo tapos sya ngiting ngiti. Bwisit.
But there is a photo of us na pinaka-kainisan ko at the same time nagulat din ako, I know in this picture we're all tipsy pero bakit ganito? A picture of us all smiling Riley's hand are on my waist at nakahilig ang ulo ko sakanya at yung mukha naman nya ay nakatingin ulit sakin.
Shit, ang daming comments ang reactions ano ba talaga nangyari nung gabing yon?

BINABASA MO ANG
Reticent Devil
AcciónDevil Series 3: A sequel to Devilish Princess and Awakening of the Devils.