Bente Dos

145 1 0
                                    

Chapter 22

Past Tense

Serenity

Nagitla ako ng patunugin ni Adam ng malakas baso gamit ang kutsara kami ngayon ay nasa hapag sa at kasalukuyang nag-aagahan pero heto ako at umagang umaga ay lumilipad na ang isipan.

"Saan ba kayo nagkita ni Yexel kahapon?" tanong ni Adam na naghihiwa ng pancake.

So, hindi sinabi nila Edcyll na nakita namin sya sa university kahapon at wala ni isang nagkalat na nakarating sya dun kahit kami lahat ay dun nag-aaral.

"Ah, sa university nakita ko nalang sya bigla na nasa labas." walang buhay kong sagot saka uminom ng gatas.

"Why do you look so down? You should be happy now that he's here, si best friend number 2 mo ay nandito na." pang-aasar nya pa sakin.

He often called us like that, bestfriend number 2 para kay Yexel and bestfriend number 1 para kay Riley. Ewan ko ba kung ano ang nasa utak na naman neto at nang-aasar ng kay aga-aga.

"I'm in a neutral situation right now Ad. Not happy, neither sad."

"If that's what you said, but Seri, there's one thing that I'm confused about." napaangat naman ako ng tingin sakanya saka ko itinaas ang isa kong kilay, "What's the matter between Yexel and Dominic? The way they look at each other...wait, don't tell me they're fighting because of you?"

Bigla akong kinabahan sa sinasabi ni Adam, pakiramdam ko ay tumutulo na ang pawis sa sentido ko isip isip ko mayroon pang kasunod ang tanong nya.

"What's going on you two? Kayo ni Yexel? May gusto ba sya sayo?" I can see from his seat that his jaw is clenching at napahawak sya sa bread knife nang mas mahigpit.

"W-wait why are you suddenly concluding those crazy things Adam?"

"Yeah, maybe I'm crazy, I'm just crazy." tingin sya sakin ng derecho, nakikita ko sakanya ang mukha at ang mata ni daddy nung araw na kinausap nya ako dati patungkol kay Yexel, it gives me shivers and goosebumps na parang na-suffocate ako bigla. "Patunayan mong baliw nga ang mga konklusyon ko Serenity, saka lang ako maniniwala na nababaliw nga ako."

Dala dala ko ang mabibigat na emosyon na binogay sakon ni Adam hanggang sa makarating ako sa university di ko alam kung bakit halos wala akong maisagot sakanya. Wala akong mahanap na sagot sa mga paratang nila sakin. I'm thinking na tanungin si Yexel kaso naisip ko din na napaka-impulsive nun at di ako ganoong tao.

Gusto ko na ako ang hahanap ng mga sagot sa tanong ko sa abot ng makakaya ko.

"Seri!" kung hindi ako nakita ni Charlotte ay baka kung saan na ako dinala ng paa ko dahil pakiramdam ko ay wala ako sa matinong isip ngayon.

"Spill the beans, agad agad Serenity."

Napatingin agad ako sa mga mata ni Charlotte, I will never escape those eyes para makapagsinungaling dahil sakanya ko lang di nagawa yung ganun. Aside from my boy bestfriend Dominic, she's my girl bestfriend na nakakaalam what I went through this past few years kahit pa nung limang taon ng nakakaraan.

"Ano ng nararamdaman mo ngayong andyan na si Yexel?" pangalawang tanong na yan para sa araw na 'to pero di ko pa rin alam ang isasagot ko.

Bumuntong hininga ako, "Honestly, I don't know what to feel. I mean, yes I'm glad that he's here, na I've already seen him after 5 years but it was not the same as before."

"What do you mean?" tiningnan nya ko gamit ang kanyang mapanuring mata. "Okay...so let's just say na gan'to, 5 years ago kung papipiliin ka sino ang gusto mong mag-stay, si Yexel o si Dominic? Sino naman ang gusto mong umalis?"

"Ayoko silang umalis parehas, they're a part of me." I know that it is not applicable for me to choose the both of them. Alam ko na kailangang may umalis at may kailangang manatili na iisa sakanila.

"It just make the situation worst. Ito na talaga, anong mararamdaman mo kung umalis si Dominic?" that question made my heart stopped for a while and I guess that actions in my insides can elaborate my answer. "I'll feel, empty."

Napapikit ako at bumuntong hininga.

"What about Yexel? Pag nawala sya ng tuluyan at di nabumalik?" tumagal ang pag-iisip ko, gusto ko pang palawakin ang mga dahilan para magkaroon alo ng mas marami pang sagot pero wala. "Feeling ko di ako kumpleto."

"There! I'll ask you again, anong mas mabigat, incomplete o empty?" uminom muna sya ng kanyang apple juice saka ulit tumingin sakin, "Again, Serenity ang empty walang wala, ang incomplete may kulang lang pero you can say na meron parin."

Napadilat ako, I know this scenario very well. Alam kong sobrang late reaction pero nangyari na 'to.

"Dejavu."

Inismiran lang ako ni Charlotte, "Serenity you don't have to feel that you're tearing apart because of the both of them. In the end, you must always have to choose between them. Alam kong dati palang Seri may sagot ka na dyan please try to be honest in your own feelings. And sa totoo lang, kailangan mo ng layuan talaga si Yexel since this is what we've told you kahit dati pa."

Di ako makasagot pero alam ko kung ano ang mas mabigat, mas mabigat yung walang wala kang maramdaman pag nawala yung taong yun.

Napakunot ang noo ko, nagdadalawang isip king itatanong ko na ba kung ano ang mayroon bakit nila ako pinapalayo pero mas pinili kong ikalma ang sarili ko.

Ano ba kasing problema?

"Hoy! Libre mo ko ng frappe tsaka blueberry cheesecake bukas ha!" nakangiting sambit ni Charlotte kaya ngumiti nalanh din ako sinet aside lahat ng questions ko.

"Namo ka talaga." sagot ko nalang sakanya saka sya umalis na.

Papaalis na ko kung saan kami tumambay ni Charlotte at naglakad lakad muna ako gusto kong makapag-isip isip pero parang di ata matutuloy nang marinig ko ang isang pamilyar na boses, tinatawag ako.

"Hey Angel!" napaharap ako sa tumatakbong si Yexel patungo sa kinaroroonan ko.

"White rose and white chocolates for you." sabi nya sabay bigay sakin ng isang tangkay ng puting rosas at white chocolate.

Napakunot ang noo ko, slightly not appreciating what he gave to me, "Wait, para saan 'to?"

Somehow I appreciated this things that he gave to me but I think his actions is so not Yexel, parang hindi ito yung Yexel na nakasanayan ko dati. Yes, he did some efforts that never failed me to feel special but those efforts were not like these, he's not materialistic so am I that's why we're compatible back then but now, I'm not sure.

"I'm just making up for those years that I'm not with you," his hand reached my head saka ginulo ang buhok ko. "I'm making up for those years na di ko naiparamdam sa'yo na manliligaw mo 'ko." dagdag nya na bahagya kong ikinagulat.

Sasagot sana ako sakanya nang marinig ko syang tinatawag si Dominic.

"Dominic, man you're here!" makikipag-man to man handshake sana si Yexel nang maiwan sa ere ang kamay nya ng nakatingin ang mga mata ni Dominic sa akin.

"He's still your suitor huh?"

Gusto kong ibuka ang bibig ko, gusto kong magpaliwanag at bigyan sya ng sagot kaso naunahan na naman akong sumagot ni Yexel na para bang sakanya itinanong ni Dominic ang itinanong nya sa akin.

"Yeah, I'm used to be her suitor back then at wala naman kasing nangyaring tigilan." saka ako hinila ni Yexel papunta sakanya at inakbayan.

I can sense now that they're mocking at each other gusto ko na silang pigilan hanggang di pa sila nagkakasakitan though alam ko naman na hindi mangyayari yun dahil sa magkakaibigan naming mga lalaki sila nalang dalawa ang hindi pa nag-aaway.

Dominic smirked, "Used to be," he even emphasized that word that made Yexel's forehead to creased.

"Used to be Yexel, meaning past tense na. Sa madaling salita, tapos na, nangyari na." dagdag pa nya sabay hila sakin saka kami mabilis na naglakad.

Di ko maiwasang tingnan si Yexel na nakatingin parin samin habang kami'y naglalakad papalayo sakanya.

Am I ready to be torn again?

Reticent DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon