Nueve
Mission
Serenity
Agad akong gumising ng maaga atsaka inayos ang sarili kumuha ako ng grasa na nabili ko bago kami umalis ng Manila. Nilagyan ko ng butas ang ilang parte ng tshirt ko at nilagyan ng punit ang short na medyo mahaba.
Agad namang nagsipasukan ang mga kasama ko na ikinagulat ko "Di ba kayo marunong kumatok?" irita kong tanong sakanila saka naman nila tinuro si Edcyll. "Ito yung nagbukas sabi ko kumatok eh." sabi ni Rielle.
"Charlotte, please call the police pakisabi din na wag silang magdadala ng police mobile kundi mga kotse lang wag din nilang patutunugin yung mga maiiwan samahan nalang si Charlotte, boys aside from Harold and Edcyll na may duty ngayon paki-track kung asan na sila Jiro." binigay ko naman ang isang device na pipindutin nila para ma-alert ako na paparating na ang van nila Jiro.
"Ganyan lang ang ayos mo?" tanong ni Tracy sakin, "Nope, naglalagay pa ko ng grasa, mamaya dun sa likod pagbaba may bathroom dun." tumango naman sya habang tinitingnan yung grasa na inilabas ko.
"The other girls, please be with Charlotte for now your duties will be tomorrow. You should come down after a half." sabi ko bago bitbitin ang mga gamit na dadalhin ko sa baba para ayusin ang sarili.
Nagpalinga linga ako kung saan mayroong mga cctv cameras baka mamaya ay may makaligtaan ako na mayroon at bigla akong sugudin ng mga guards, medyo dim ang lights dito sa may likod at tama nga ako walang cctv dito.
Ginayak ko na ang papuntang palikuran malapit sa parking lot at tiningnan ang panahon sa may labas saka pumasok sa loob ng cr at ni-lock ito. Wala naman yata masyadong gumagamit nito kaya walang kakatok at iistorbo dito sakin.
Nag-umpisa na akong guluhin ang buhok ko, ginulo ko hanggang sa yung ibang strands ng buhok ko ay mabuhol buhol, okay lang papaayos ko to once na makabalik ako sa Manila. Nang matapos na ako sa buhok ko ay nilagyan ko na ng grasa ang katawan ko pati ang suot kong damit at syempre pati yung talampakan ko.
Tiningnan ko yung repleksyon ko sa salamin, ayan pulubing pulubi na ko, kulang nalang ng dalang plastic na may lamang basura.
Sa paglabas ko ng palikuran ay iniwasan ko ang mga cctv cameras na mayroon dito sa parking lot, makaraan ang ilang minuto ay nagpalakad lakad na ako sa kalsada, at nagtiis sa mga usok ng sasakyan, sa mga pangungutya ng tao.
"Hala mama ba't sya ganyan there was a black on her skin," nandidiring sabi nung bata na kakalabas lang ng simbahan.
"Pulubi yan anak nako, lumayo layo ka baka kung mapaano ka." tingnan mo tong mga 'to kakalabas lang ng simbahan nagkasala na tss, kaya minsan useless talaga ang mag-simba kung paulit-ulit mo lang naman ginagawa ang kasalanan mo matapos humingi ng tawad hays.
Ang sarap sabihing, 'ang kakapal ng mukha nyo!' kaso wala ako sa lugar ngayon kaya nanahimik nalang ako, di ko naman inasahang may magbigay ng mga barya sa tuwing nadadaanan nila ako. I'm not asking for money, di ko rin naman itinaas ang mga palad ko para sabihing, 'palimos po' nako naman.
Bigla namang umilaw ang device na nasa bandang dibdib ko, color yellow ang umilaw it means Jiro is on his way kaya nagpalakad lakad na ko ulit hanggang sa makarating ako dun sa pinaka-venue kung saan nagaganap ang ilang transaksyon nila.
Pagkadating ko doon ay mas maraming mga batang pulubi ang nandito kaysa sa mas inasahan ko, yung iba ay mga minor de edad pa yung iba naman mga matatanda na, senior citizen. Pag natapos nga itong kabaliwan na to ay ipapakupkop ko itong mga to sa dswd para naman maayos ang kalagayan nila hindi yung dito.

BINABASA MO ANG
Reticent Devil
ActionDevil Series 3: A sequel to Devilish Princess and Awakening of the Devils.