Dose
What happen?
Serenity
"Ma'am?"
"Aww." daing ko ng malaglag ako sa kama ko tsk. Hawak hawak ko parin yung ulo ko na tumama sa sahig, bat ba kasi ako paharap na bumagsak?
Tumayo ako habang nangangamot ng noo, "Bakit po?" ngumiti naman sakin ang katuling saka sumagot. "May nag-aantay po sa ibaba, bisita nyo po ata."
Huh? Did I invite someone to come over here? Wala naman diba? Kunot noo akong humarap sakanya, "Sino daw po sya?"
Kinikilig naman na tumingin ulit sya sakin, "Di ko po natanong basta ma'am pogi po sya." tumango lang ako sakanya, saka naman sya umalis ng nakangiti.
'Pogi'
May pogi ba kong mga kaibigan?
Di kaya si, ay shit.
Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko at pumunta sa banyo para maligo, at teka-bat ba ako nagmamadali? Tss. Kumilos akong maayos at naligo ng maayos.
Isang oras at kalahati na ang nakaraan bago ako bumaba sa hagdan ng madatnan ko sila Adam na nagbi-breakfast kasama si, Dominic?
"Good morning princess" bati sakin ni daddy habang paupo ako sa upuan.
Si Dominic ay kumakain lang ng matiwasay, at katabi ko rin sya sa upuan ito namang si Adam nakatingin sakin pati si mommy at daddy. What's wrong people?
I was about to talk, when mom cut me off, "Are you two dating? Wait I'll gonna tell this to Cindy." naismid ako habang umiinom ng tubig kaya napaubo ako.
"H-hey are you alright?" tanong ng katabi ko habang nag-aalangang hawakan ang likod ko para hagudin.
"Serenity, what's wrong with my question." sabi naman ni mommy ng nakangiti. Habang dina-dial ang number ni Tita Cindy.
After I compose myself I start to answer my mom, "Nothing's wrong ma, I mean everything's wrong. We.Are.Not.Dating." sabi ko habang inii-slice yung bacon na hiwa-hiwaalay na pala't gutay gutay na.
"Sayang naman, I thought." saka naman sila ngumiti ng malungkot ni daddy. Jusko naman.
Nagmadali ako sa pagkain, saka tumayo. "Salamat po sa breakfast, una na po kami ni angel"
Angel na naman ang tinawag nya sakin, atsaka ano daw? Una na daw kami? What on earth is he doing?
Di ko na namalayan na hawak hawak na palang lalaking to ang kamay ko papalabas ng dining room, "Let go of my arm. Why are you here anyway?"
"I'm just fetching you here so we can go to school?" nakangisi nyang sabi.
"As far as I know we're not hiring a driver Mr. Conceited slash Attention Seeker slash Malanding lalaki." walang gana kong sabi.
"Well, sabi ng kuya mo sakin ka daw magpahatid sira daw ang kotse mo at di ka nagpapahatid sa driver mo diba?"
I look at him like I was throwing daggers. "I can manage so please get out of my house!" naiinis kong sabi sakanya.
"Fine." tanging sagot nya saka umalis ng bahay.
Is he mad? Di ko na kasalanan yun. Bahala sya di ko naman sya pinapunta dito diba? Tsk. Kinuha ko na ang gamit ko saka lumabas ng pinto ng dumating si kuya.
"Where's dom?" di na ko humarap sakanya para sagutin sya. "Wala na pinaalis ko na."
"Grabe ka talaga bro, Doms waited for you for almost 3 hours tapos di ka man lang sumabay sakanya?" sabi ni Adam bago ako pumunta sa garahe.

BINABASA MO ANG
Reticent Devil
ActionDevil Series 3: A sequel to Devilish Princess and Awakening of the Devils.