Tres

586 13 0
                                    

Tres

I Must Avoid

Serenity

Pagkabalik na pagkabalik ko ang dami na namang nangyari. Nagdrive na ko pauwi ng bahay at salubong sakin ang mommy na kagagaling lang sa kitchen ata.

"Serenity my daughter, you're back! Teka lang malapit ng matapos tong niluluto ko your favorite." Saka niya ko niyakap at nagbeso-beso kami. "Lagot ka sa papa mo" she said while smiling.

Tiningnan ko lang siya saka umiling. I bit my lower-lip. "Where is he?" saka umupo sa kabilang bahagi ng sofa nang dumating na si papa galing sa study room.

"Pa..." lumapit naman sakin si papa.

"Serenity we missed you!" saka nya ko niyakap, "Serenity, how many times will I tell you to avoid some cat fights? Dapat ay di ganun dapat sa suntukan ka sumasali, sa barilan." seryosong sabi sakin ni papa.

"Kurt! Gusto mo bang ikaw ang barilin ko diyan?!" napangiwi naman si papa sa sigaw ni mama. "Depende ano bang baril yan?" mapaglarong sabi ni papa.

I think I should be out here. Ako yung naa-awkward sakanilang dalawa. Tumayo si mama saka nagpunta sa kwarto nila si papa naman ay pasunod na ng biglang lumabas si mama, "Shot gun for you." saka naglagay si mama ng bala, at tinutok kay papa.

Napapa-face palm ako sakanilang dalawa, si papa namutla, "KC, joke lang naman eh, ibaba mo na yan. I love you." nakangiting sabi ni papa habang nilalapitan si mama. Napaatras si papa ng biglang tinutok ni mama ang baril kay papa, si papa naman ay biglang napaupo.

Jusko naman. Di ko na napihilang tumawa ng malakas pati si mama ay ganun rin. "Papa, I can't believe na natakot ka don, di pa naman kinakasa ni mama yung baril!"

"Back to you Serenity wag ako pag-tripan nyo dito." seryosong sabi ni papa.

"Care to explain kung ano na namang ginawa mo kanina?"

"I just save a girl who is bullied by that 5 biatch." napatango naman silang dalawa.

"Hmm, I thought it's about a-"

"No mom, gang fights? Hindi yon"

"Just remember what I said to you Serenity avoid from being involved into such gang or mafias."

Di ako sumagot.

They never knew na kasali ako sa isang gang, I never revealed that since I was in my junior high days. Ang nakakaalam lang ng lahat ay si Tita Brianna at Tito Justin, Charlotte's parents.

That's what they told me when I was young. Bawal ang gang, mafias, baril or what. Bakit sila? My mom is the leader of the Devilish Gang and also my dad na leader ng Black Velvet Gang na pinagsama nila dati, but now I think ginawa nilang business yun. Tinutulungan nila ang AFP para madagdagan ang mga agents para sa mga krimen dito.

"Make sure of it Serene. Masyadong mapanganib iyon. Don't risk your life there." pagbabanta ni papa.

Mga ilang minuto naririnig ko na ang bunganga ni Adam na kararating lang galing sa university, di ko sya nakita dun ah? "Bro!" tapos nag-handsign kami saka nagfist bump. Ganyan talaga tawagan namin bro hahaha.

"I missed you bro, pasalubong ko?" sabi niya sakin tapos saka siya nagpout mahilig kasi to sa pasalubong.

"Andun na sa room mo. Binili ko na rin yung gusto mong sapatos." Nakita ko naman na parang kuminang ang mata niya at agad agad na tumakbo sa kwarto at bumalik na suot na yung sapatos.

"This is awesome! Thank you dito bro."niyakap niya ko saka na kami umupo.

"So kailan ka dumating dito?"

"Nung isang gabi lang, nag-stay muna ako sa condo."

"Hmm, any issues for today?" chismoso din tong isang to' I'm sure nalaman na naman nito yung balita sa mga ka-team mates nya.

"Yung kapatid mo gumawa na naman ng gulo" sabi ni mama.

"Bro, I'm just helping there. Di naman ako siguro gagawa ng gulo kung di nila ko sisimulan right?"

Tumango lang si kuya saka naman tumango tango si daddy, umiling iling nan si mommy. "Kaya nga naman pa, tinulungan lang ni Serenity yung babae." Sabi naman ni Adam.

Hindi nalang sumagot si mommy at kumain nalang kami. "Bro, wala ka paring boyfriend hanggang ngayon?"

Nasamid ako at dali-daling kumuha ng tubig. "Bro, what the hell!" saka ko siya sinuntok ng mahina sa braso niya.

"Tell me tomboy ka na ba ng tuluyan talagang bro na kita?" napangiwi ako sa sinabi ni kuya kaya tinapat ko sakanya yung talim nung tinidor.

"Hindi kaya! Sa ganda kong to? Lesbian? Nah." sabi ko sakanya. Napatawa nalang sila mom at dad, alm kong iniinis lang ako nito ni Adam. Hays..mabilis daw kasi akong mapikon.

"Nga pala ma, pa, tuwing weekends nalang po ako dito maglalagi. Sa condo ko nalang po ako titira."

Nagkatinginan naman sila mom and dad. "Kailan ka pa nagcondo bro?" tanong naman ni Adam.

"When I arrived here." mabilis kong sagot sakanya.

"Be sure to stay here every weekends Serenity." striktong sabi ni daddy.

"Yes po."

"Ano ba yan pa! Di bagay sayo maging strict!" reklamo ni Adam saka naman nalungkot ang mukha ni daddy.

"Trying hard eh." saka naman natawa si mama.

Umakyat na ko sa kwarto ko at nag-open ng social media networking sites. As usual nagkalat na nan dito na nagbalik na ko, yung issue kanina, Whatever. Maga-out na sana ako ng may nag buzz, si charlotte.

Charlotte: Thank god at naisipan mong mag-open man lang ng fb.  Nga pala may event na mangyayari sa Gangsters World may palaro.

Me: Ano namang klaseng palaro yan?

Charlotte: Well, may mga 10 gangs, sila ang mga candidate di tayo kasali jan kasi maglalaban laban ang 10 gangs so that if they win they will have a chance to fight with us. And if they win sakanila na ang trono natin.

Me: Hmm, when?

Ayesha: Sa saturday yung laban nung 10 gangs para yun sa league of inferno yun yung pinaka main event, not sure kung kailan yun.

Me: Okay.

Edcyll: Hey! Serene, pupunta kami jan sa inyo bukas!

Harold: Pakain ah!

Me: Mga patay gutom! Talaga kayo, lalo ka na Edcyll di ka ba pinapakain ni Tita Stacy jan?

Edcyll: Mga gutom lang. Walang "patay"

Nakita ko namang nag-seen na sila Jake, Zander, Rielle, at Tracy jusko, group chat pala to. Saka ko lang napagtanto hays. Mga istorbo. Nag-off na ko atsaka nag-halfbath at natulog.

Reticent DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon