Bente

163 2 0
                                    

Bente

Here it is

Serenity

"Simple math problem and yet di masagutan ng isang katulad mo!"

Nagising ang diwa ko ng sigawan ng professor si Edcyll na ngayon ay nakatingin lang sa professor namin na namumula na, kagigising lang nyan ni Edcyll at wala pa sa wisyo, napagod daw sa training kahapon.

May mga ganyang instances talaga sila kapag inaantok, pagod o ayaw sa subject we're not talking back to our teachers except for one si Dominic na pasabog na sinarado ang pintuan kaya nasakanya na ngayon ang atensyon ng lahat.

"Edcyll, why are you standing? Would you please sit down nakakapagod yan tss." sabi nya sabay lingon sa professor namin na wala nalang nagawa kundi kunin ang gamit nya at lumabas.

Nang dahil sa kumag na 'to kaya parang buong semester ay wala kaming natututuhan!

Umupo na si Edcyll atsaka naman tumingin sa direksyon ko si Riley na naka-plaster ang ngiti sa bibig.

"How's your morning my angel?"

He's all smiles nang tanungin nya yun sakin and I can't help but to think of what happen last night at feeling ko ay namumula na ako sobrang nakakainis. Di ko nalang sya pinansin at itinungo ang mga mata sa corridor.

Napakunot ang noo ko nang maramdaman kong kinakabahan ako. With my cold palms and a feeling that I can't understand nakita kong padaan ang isang bulto ng katawan at tumigil sa harap ng classroom namin. Napapikit pikit ako to make sure if he's even real, there were girls who are giggling and craning their necks just to see Yexel Adrian Smith, smiling from ear to ear while looking at me.

Wait, this feels like a déjà vu.

Yeah, déjà vu but what I remember is that Riley is the person outside and the one beside me is Yexel. My feeling that day is too much, it made me happy but today, I just can't name it. Yun ang pinagkaiba nila.

Napatayo ako sa upuan ko at patakbong pumunta sa lugar ni Yexel, di ko na napigilan ang sarili ko at nayakap ko sya.

"W-why? H-how?" di ako makatingin sakanya dahil na rin siguro sa mga nagbabadya kong luha.

"My angel just say that you miss me and I'll tell you everything." sabi nya sakin.

Nasa estado ako na parang walang maramdaman pero medyo kinakabahan. I need to know his whereabouts, what did he do? Why and where did he go? What are his problems?

"I miss you." saka ko naramdaman ang banayad na dampi ng labi nya sa noo ko.

Nang nasa loob na kami ng kanyang kotse ay di ko alam kung ano ang una kong itatanong sakanya, I'm about to open my mouth when I suddenly thought of Dominic knowing that I didn't manage to bid my goodbyes to him as I leave with Yexel, wait, am I responsible for that? Teka nga bakit ko nga ba naiisip lahat ng 'to?

"Yexel,"

"Where do you wanna eat? You know I'm starving, kakalapag lang ng private plane namin for about an hour ago at dumiretso lang ako dito." tumingin sya sakin panandalian, nakangiti sya habang nag-dadrive samantalang ako di ako makangiti pabalik sakanya.

"Then you shouldn't have come to our university, nagpahinga ka nalang sana Yex, I'm sure you're tired may jetlag ka pa ata."

"Yung pagod ko nawala na, nakita na kasi kita e, come on Angelic Serenity smile for me please."

For the moment that he said those words naalala ko dati, automatically my system goes wild, the fluttering of my heart and the butterflies on my stomach pero ngayon ibang iba. I must say na kahit kakaunti ay na-touch ako sa sinabi nya but not that much like before.

Reticent DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon