Disisyete

269 4 0
                                    

Disisyete

Tamang Hinala

Serenity

Refereshing. One word to say about this island na napuntahan namin at ito'y ideya ni Charlotte and since family friend naman ang nagmamay-ari nito ay naka-tipid naman kami kahit papaano.

Maraming coconut trees at green plants, tama lang ang sinag ng araw at hangin dito kaya maaliwalas talagang tingnan. The sea is crystal clear together with the white sand, perfect para sa escapade namin for 2 days and one night.

"Guys groufie naman tayo!" Ayesha said while putting her phone on the monopod saka ito hinila para humaba.

Agad namang nagsilapitan ang iba at pakaladkad akong hinila ni Charlotte dahil sa bagal ko raw maglakad.

"1, 2, 3 smile guys!" sigaw naman ni Edcyll. "Oh, wacky naman sunod wag muna kayo umalis!"

We took a lot of shots at di pa sila nakuntento dahil nag ala model sila at nag-photoshoot sa magandang scenery sa isla at kahit ako ay nadamay sa kalokohan nila.

"Seri please smile sayang ang magandang mukha mo at magandang scenery it's a perfect combination!" sabi ni Tracy habang hawak ang kanyang DSLR.

All of my pictures there were candid if not, it's a fierce looking one but I did'nt intended to do that pose sadyang wala lang akong balak magpa-picture.

"Oh next couples naman ang pipicturan!" pasimuno ni Edcyll.

"Why? May ka-couple ka ba? Wala naman." straight to the point na sabi ni Harold.

Napatingin naman si Edcyll kay Rielle na kasama nila Penny at naglalabas ng mga gamit namin.

"You know what it's okay at least ako may assurance. I'm not like you na nakukuntento sa tingin why don't you try to approach her?" mungkahi ni Edcyll saka napatingin si Harold sa kinaroroonan ni Penny at nasipat ko naman ang aking kambal na tiningnan panandalian si Penny at saka tumingin kay Harold.

Parang di maganda ang mangyayari dito.

"Mamaya na nga ang harutan Ed and Harold tumulong kayo magtayo ng mga tents!" pasigaw na sabi ni Dennise.

Ayoko na silang pakialaman pa at bahala na ang mangyayari mamaya kung isa man sakanila ang sasabog knowing the tempers of the two mukhang malapit ng sumabog si Adam.

Tinulungan ko nalang sila Penny na hakutin ang mga gagamitin pati ang pagkain na lulutuin at inihatid kila Kristoff dahil sila ang in-charge sa para doon.

Mabilis na lumubog ang araw at sumilay ang napakagandang buwan kumuha naman ng mga panggatong sila Ian para sa bonfire at si Tracy naman hawak ang camcorder para videohan ang pangyayari.

"May pagka-boy scout din pala 'tong si Ian ano?" sabi ni Dennise habang tinitingnan si Ian.

"Try to study para malaman mo din." Ian said while getting the match.

"Then why don't you try to be nice sometimes?" sagot naman pabalik ni Dennise na nakangiti, nang-aasar.

"Be nice to me first then I'll do the same thing after."

Dennise frown after hearing Ian's answer atsaka nagsilabasan ang mga alaskador. "Let's get ready to rumble!" Adam said mimicking the voice of the ring announcer in boxing games.

Tuwang tuwa naman sila Edcyll na kakabalik lang dahil kinuha ang mga pagkain na inihaw nila at saka nagsimula sila magsikain.

Kung hindi pa ako aayain ni Ayesha ay di ko mapapansing di pa ako kumakain. Napaka absent minded ko ngayong araw na 'to and I don't know why.

Reticent DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon