Diyes

392 7 0
                                    

Diyes

Ceasefire

Serenity

'If I got locked away,
and we lost it all today'

'Tell me honestly,
would you still love me the same'

'If i show you my flaws,
if I couldn't be strong'

Agad akong napatingin sa taong nagdugtong at nakisabay sa pagkanta ko. "What are you up to?"

Tiningnan ko sya ng aking mapanuring mata. Limang araw ng makalipas ng makabalik kami dito, buti nalang at wala na akong problema ito nalang ata, siya nalang ata problema ko tss.

"Look, I'm just here to say sorry bout last week i didn't mean to do that sorry" I look at him, I can see in his eyes the sincerity so i smiled at him for the first time.

Ewan ko ba bakit ganun? Bakit may nakikita akong sinsiredad sakanya? Dapat laging walang sincerity ang sinasabi nya nakakainis!

"Hmm, I will treat you nalang as a peace offering, tara?" sambit nya as he lend his hand to me so i can stand up.

I grab his hand and smile, "Tara."

Kahit ako ay nagulat sa aking reaksyon at pinag-gagagawa. This is not me. Alam ko iyon, nawiwirduhan na tuloy ako sa sarili ko. Maraming nagtitinginan ng makababa kami maybe di sila sanay na kasama ko tong si dominic. Teka saan ba sila nakatingin?

"Sila na ba?"

"Ambilis naman ata?"

"Kinikilig ako!"

Na conscious ako sa kung saan sila tumitingin kaya inilipat ko ang tingin sa ibaba at napagtanto ang kanilang kanina pa tinitignan.

"Sorry." sabay naming sabi. Sabay din ang pagbitaw ng mga kamay namin.

Nang makalabas kami ng campus ay may nakita aking ihaw ihaw kaya I grab his arm. "Ayun bili mo ko nun" tinuro ko yung isaw nagpabili ako ng 15 isaw.

"Sir eto na po." inabot nya naman kay Dominic yung isaw.
"Oh" ngiting tagumpay ako habang kinukuha ko yung isaw

Kaso nagtaka ako ba't binigay nya lahat sakin wala ba syang binili para sakanya? "Wala kang binili?" tanong ko sa kanya habang kinakain ko na ang pangalawang isaw. "Wala." sabi niya sabi kamot sa batok.

Nang may nakita akong bench sa may malapit na playground agad ko syang niyaya doon at umupo.

"Bakit wala kang binili di ka parin kumakain nito?" tanong ko sakanya sabay ng pagkain ko sa pang walo kong isaw.

"I don't eat stuffs like that, what is the name of that food again? Isow? Isa?" takang taka na tanong nya.

Bigla nalang akong natawa sakanya, "It's isaw Dominic"
Kumuha ako ng isang isaw atsaka nilapit sakanya, "You know what you should start and learn how to eat this kind of food"

Sa aming lahat silang dalawa lang ni Blake ang di kumakain ng street foods, mga maa-arte ang kumag. Nakakawala daw ng hygiene pag kumain ng ganito sabi ni Blake.

Di niya parin kinukuha yung isaw na hawak ko, wala ata syang balak kunin to he's staring at it.

"W-wait what's that? F*ck is that intestine?" Sabi nya na parang diring diri.

Ang arte din netong kumag na eh no? Kaya kinuha ko ang kamay nya at pinahawak ko na sa kanya yung isaw nakakangalay kasi eh diba?

Reticent DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon