Part 3

350 8 0
                                    

Kinabukasan, nagulat ako nung sinabi ng parents ko na hindi na matutuloy ang pag-uwi namin ng probinsya. Ang saya saya ko noon. Di ko alam kung sign na ba yun o ewan pero agad kitang tinawagan db? Sakto, break mo sa trabaho noon at ang saya saya mo noong sinabi ko sayo yung balita.

Simula noon, kapag may free time ka sa trabaho, agad kang tumatawag sa akin. Habang kumakain ka ng lunch mo hanggang sa bago ka ulit bumalik sa trabaho, mula sa paglabas mo hanggang sa makauwi ka na, bago matulog at pagkagising. Sabi nga ni lola, hindi raw ba umuusok ang tenga ko dahil lagi nalang kitang kausap. Nagtataka nga sila kung sino ang kauspa ko pero syempre, dahil wala pa namang ibang nakakaalam na ganito ako, hindi ko pwedeng sabihing lalake ang kausap ko.

Si Elo, nakakahalata na. At nahihirapan na rin ako. Madalas na kaming nag-aaway. Kaya naisip kong lumayo. Una, dahil kasalanan yun kay Elo. Pangalawa, mahal ko siya. Pero nararamdaman ko na rin na noong una palang na nakita kita, nahulog na agad ang loob ko sayo. Lalo pa noong naging close tayo. Kaya naman unti-unti kitang iniwasan. Nagtaka ka. Lagi mo akong tinitext at tinatawagan pero hindi ko na sinasagot. Hindi ako mapakali noon. Gusto ko na ayaw na makausap ka. Gusto kong sabihin sayo na gusto kita. Pero natatakot ako na baka dahil lang sa natutuwa ka sakin kaya ganoon ka at kapag nalaman mo ang totoo kong nararamdaman, iwasan mo ako. Pero ayoko rin namang bitawan si Elo dahil alam kong mahal na mahal niya ako. Pero kasabay ng pagkahulog ko sayo ang unti-unting pagkawala ng nararamdaman ko para sa kanya.

Isang araw, naglakas-loob na akong sagutin ang tanong mo kung bakit kita iniiwasan. Sa sagot mo, halatang hindi ka nagulat. Pero ako ang nabigla nang sabihin mong pareho tayo ng nararamdaman para sa isa't isa. Masaya. Sobrang saya ko noon. Pero siya rin namang biglang pagkalungkot ko dahil sinampal ako ng katotohanang hindi tayo pwede dahil may boyfriend na ako. Agad akong umiyak habang kausap ka. Pero sinabi mong handa mo akong ipaglaban. Natakot ako. Ngunit mayroon din namang tuwa. Aaminin kong gusto ko rin. Gustong gusto kong bigyan ng pagkakataon kung anumang mayroon sa atin. Kaya naman kahit alam kong maraming tututol sa mga kaibigan namin ni Elo, sumugal ako. Sumugal tayo. Alam kong masakit para kay Elo. Masakit din sa akin na nakasakit ako ng taong alam kong mahal na mahal ako. Pero sabi mo, parte ng pagmamahal ang sakit. Totoo nga naman. Sa bawat saya ng isang tao, hindi maiiwasang may ibang nasasaktan. Kaso, mas gugustuhin ko pang ako nalang ang mahirapan kesa ako ang makasakit. Pero wala naman na tayong ibang magawa noon kundi ang tanggapin lahat dahil pareho rin naman nating gusto na bigyan ng pagkakataon ang nararamdaman natin para sa isa't isa. At doon nagsimula ang pinakamasasayang araw sa buhay ko.

"Apang" (First true love will never die...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon