Part 13

177 5 0
                                    

"Pardz, wala na si Apang..."

"Leukemia..."

"Pardz, kaya mo yan..."

"Noong December 20 lang, pardz..."

Gusto kong sumigaw sa itaas kung ano bang kasalanan ang nagawa ko sa Kanya upang parusahan niya ako ng ganito. Gusto ko Siyang sumbatan na naging mabuting anak naman ako sa Kanya. Gusto kong ibalik Niya sa akin ang taong minahal ako ng sobra at minahal ko ng higit pa kanino man. Gusto kong magwala. Gusto kong manakit. Gusto kong saktan ang sarili ko. Gusto kong mawala ng tuluyan at sundan si Raphael.

"Noong December 20 lang, pardz..."

December 20? Nakita pa kita ng December 22 kaya paanong wala ka na? Alam kong ikaw yun! Alam ng puso ko na ikaw ang nakita ko noong gabing iyon! Alam ko sa sarili ko dahil kahit kailan, hindi kita kinalimutan! Bawat detalye ng mukha mo, ng katawan mo, alam ko! Kaya hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko!

Pero sabi sa akin ng kaibigan ko, maaaring siya nga iyon pero nagpapaalam na.

Nagpapaalam na. Nagpapaalam ka na. Napakasakit, Apang! Noong unang beses na sinabihan mo ako ng paalam, halos ikabaliw ko! Halos ikamatay ko! Samantalang pamamaalam lamang iyon dahil bumibitiw ka na sa relasyon natin! Mas masakit tanggapin itong pangalawang pamaalam eh! Tuluyang pamamaalam na?! Anong klaseng sakit pa ba ang gusto mong maramdaman ko?! Ilang sugat pa ba ang dapat kong tanggapin?! Ilang milyong litro pa ba ng luha ang dapat kong padaluyin?! Apang, sobrang sakit na. Hindi ko na makaya ang sakit. Kaya ko pang tanggapin na mawala ka sa akin at makitang masaya sa piling ng iba kaysa ang hindi ka na tuluyang makita. Mas gugustuhin ko pang ako nalang ang mawala upang matapos na ang paghihirap ko sa tuwing nangungulila ako sa iyo.

Napakasakit tanggapin na hinding hindi ko na makikita ang mala-anghel mong mukha. Napakasakit tanggapin na hanggang sa larawan mo nalang makikita ang mga ngiti na siyang nagbibigay sa akin ng lakas at dahilan upang magpatuloy. Napakasakit tanggapin na hanggang sa alaala na lamang mangyayari muli ang ating kwento. Napakasakit tanggapin na sa panaginip na lamang kita muling mayayakap at mahahagkan. Napakasakit tanggapin na wala ka na.

"Apang" (First true love will never die...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon