Part 10

181 4 0
                                    

Handa na nga ba talaga akong makita ka ulit? Anong gagawin ko kung sakaling magkasalubong muli tayo ng landas? Ano kayang mararamdaman ko? Baka sa sobrang saya, bigla nalanga kong mapatakbo papunta sa iyo at muli kang yayakapin kahit ano pa man ang sabihin o isipin ng mga makakakita. Ang importante ay makita at mayakap lang kita ulit.

Ngunit naisip ko rin, paano nga kung aksidenteng magkita tayo, ngingitian mo ba ako? Ganoon din kaya ang gusto mong gawin, ang yakapin ako agad dahil nanabik ka ring makita akong muli? Sasabihin mo na kaya sa akin na gusto mo ng ulit bumalik at ipagpatuloy ang ating pagmamahalan? Pero paano kung kabaliktaran ang mangyari? Paano kung pagkakita mo sa akin ay lumihis ka ng landas o di kaya'y bumalik na lamang sa pinanggalingan mo? Paano kung magpanggap ka na hindi mo ako kilala? Paano kung tuluyan mo na nga akong nakalimutan? At higit sa lahat, paano kung makita kitang may kasama ng iba? Na magkahawak pa ang inyong mga kamay at nagtatawanan at kitang kita ang pagmamahalan ninyo sa isa't isa? Paano ko tatanggapin iyon? Paano?

Sobra kitang minahal, Apang. At hanggang ngayon, ramdam ko pa rin na mahal na mahal pa rin kita. Ikaw ang nagpadama sa akin ng kaligayahang hindi ko naramdaman sa iba. Ikaw ang nagpuno sa puwang sa aking pagkatao. Ikaw ang nagsilbing Prince Charming ko na akala ko ay sa fairytales lamang makikita. Ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Pagkakamali man sa iba kung ituturing ang naging pagmamahalan natin, iyon ang pagkakamaling hindi ko pagdadalawang-isipan na ulitin. Ikaw ang kasalanang hindi ko kayang ituwid. Ikaw ang mali na hindi ko kayang itama.

Pero patagal ng patagal, pahirap ng pahirap ang nararamdaman ko. Napakarami ng nasayang na luha. Napakarami ng nasaktan. Napakarami ng mga kakilala ko ang nagsasabi ng salitang "move on". Napakarami ng beses na gusto kong bumigay at sumuko sa buhay. Mahal na mahal kita at alam ko na wala na akong mahahanap na katulad mo. Pero ako rin ang nahihirapan. Ako rin ang dehado. Ako rin ang nasasaktan sa tuwing naaalala kita at ang mga alaalang hinding hindi mawala sa isipan at puso ko. Sadya ngang napakalaking marka ang iniwan mo sa aking kabuuan. Marka na hinding hindi matatanggal ng kahit anuman o ninuman.

Hanggang isang araw, nagising nalang ako sa katotohanan. Katotohanan na kailangan na kitang tuluyang pakawalan. Mahirap. Masakit. Pero kailangan. Kaya ko na sana. Kaya ko na sanang umpisahan ang panibagong paksa ng buhay ko. Ngunit isang araw, muli mo na namang ginimbal ang buhay ko. Muli mong nilatayan ng mga luha ang aking mga pisngi. Muli mong binuksan ang mga sugat sa aking puso.

"Apang" (First true love will never die...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon