Part 15

191 5 0
                                    

Ilang linggo akong wala sa sarili. Nabigyan man ako ng pagkakataong mapuntahan ka sa libingan mo pero hindi ko itinuloy. Hindi ko pa kayang makita ka na nasa loob na ng libingan. Sa loob ng mahigit apat na taon na umasa akong makita ka, baka ikamatay ko kung makita ko ang pangalan mong nakaukit na sa lapida. Wala pa akong lakas, sapat na lakas, upang tanggapin ang sampal ulit ng katotohanan na wala ka na. Wala na ang taong minahal ko ng sobra sobra. Wala na ang unang tao na nagparamdam sa akin na napaka-espesyal ko. Wala na ang taong nagturo sa akin kumain ng naka-kamay. Wala na ang taong unang nagsubonsa akin ng pagkain. Wala na ang taong masayang pinakikinggan ang kanga naming dalawa at kahit saan magpunta, kinakanta rin niya kahit wala siya sa tono. Wala na ang taong nagparanas sa aking mahalikan sa harap ng maraming tao. Wala na ang taong nagtatanggolmsa akin sa tren kapag nasisiksik ako ng mga pasahero. Wala na ang taong katabi ko sa bus na napakahigpit ng hawak sa aking kamay at pasimple akong hinahalik-halikan. Wala na ang taong sumusundo sa akin sa eskwela at titingnan ang mga test papers ko at pupurihin ako dahil mataas ang mga nakuha kong marka. Wala na ang taong handang magpagod makita lamang ako. Wala na ang taong kahit napakalakas ng ulan, pupuntahan ako para dalhan ng pagkain. Wala na ang taong ipinagmamalaki ako sa kanyang mga kaibigan at halos ipagsigawan kung gaano niyaa ko kamahal. Wala na ang lalaking nasa 5'10 ang taas. Maganda at matikas ang hubog ng katawan. Nakaputing t-shirt at maong. Moreno. Chinito. Naka-headset. Wala na si Apang. Wala ka na.

Pero alam mo, katawan mo lang ang nawala. Ang pangalan mo, sa puso ko parin nakaukit. Ang maningning mong mga mata, hinding hindi mawawala sa isipan ko. Ang mga ngiti mo, nandito pa rin, siyang nagbibigay ng dahilan sa akin upang magpatuloy sa buhay. Buhay na buhay ka parin sa alaala, isipan at puso ko, Raph. Hinding hindi mawawala si Apang.

"Apang" (First true love will never die...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon