Part 9

179 5 0
                                    

Ilang buwan pa ang lumipas, kinailangan kong turuan ang sarili kong magmahal ulit. Kahit masakit pa at alam kong hindi patas sa kung sinumang darating, naghanap ako. Kahit alam ko sa sarili ko na ikaw parin ang tinitibok ng puso ko, tinuruan ko itong magbigay ng pagkakataon sa mga dumarating sa aking buhay.

Una, si Ken. Okay naman siya. Pero hindi siya iyong tipong nagse-seryoso sa relasyon. Sa ilang araw na kinikilala namin ang isa't isa, bigla nalang kami nawala pareho sa sirkulasyon ng pag-uusap namin. Isang araw, naisip nalang siguro namin na huwag ng ituloy.

Sumunod, si Paul. Masaya kami. Mabait siya. Noong una. Pero hindi pala. Hindi ko alam na habang kami, mayroon din siyang ibang ka-relasyon.

Si Prince. Si Mark. Si Anthony. Si Alzid. Marami-rami rin. Para akong pokpok. Para akong kaladkarin. Aaminin ko, naging rebelde ako sa sarili ko. Walang ibang naging laman ang isip ko kundi ang makalimutan ka. Pero sa bawat lalaking dumarating, masakit man para sa kanila, ikaw ang hinahanap ko. Hinahanap kita sa kanila. Sana ikaw nalang sila. Kaya naman kahit okay na ang nakikilala ko, nawawalan ng gana kapag nababanggit kita. Gustong gusto ko kasing ikinu-kwento ka sa kanila. Pangit man lalo pa't alam kong sinasaktan ko lang ng paulit-ulit ang sarili ko at nakakasakit ako ng iba sa tuwing inaalala kita, hindi ko iniinda. Napakasarap kasing balikan ng kwento natin. Napakasarap sa pakiramdam na alalahanin lahat.

Hindi ko na namalayan ang pagpapalit ng taon. Patuloy akong umaasa na sa bawat okasyon na darating, maaalala mo ako at babatiin. Alam mo naman ang petsa ng kaarawan ko. Alam ko rin kung kailan ang sa iyo. Sa tuwing ikawalo ng Disyembre, ang araw kung kailan tinapos mo ang lahat, umaasa ako na makakatanggap muli ng text message mula sa iyo na nagsasabing gusto mo ng bumalik.p, na gusto mo na ulit ituloy ang naputol nating pagmamahalan. At habang papalapit ang Pasko, nagdadasal ako na sana, ang pagbabalik mo sa akin ang matanggap kong regalo. Ngunit hindi natupad. At habang tumatagal at dumarami ang mga araw na nagdadaan, papalabo na rin ang pag-asang bumalik ka. Ang hirap tanggapin. Hindi ko kaya.

Sa tuwing naglalakad ako sa kalye ng Maynila, umaasa ako na makakasalubong kita. Sa mga bus na nasasakyan ko, umaasa akong makakatabi kita. Sa tren, umaasa akong nandoon ka ulit para hindi ko maipit ng mga nagsisiksikang pasahero. Naalala ko kasi noong tayo pa, kapags umasakay tayo doon, ginagawa mong parang bakod ang mga braso mo para hindi ako maipit ng napakaraming pasahero. Sana nandoon ka parin. Sa tuwing naglalakad ako sa mga malls, umaasa ako na isa ka sa mga namamasyal doon at makakasalubong ko. Patuloy akong umaasa noon na makita ka ulit. Pero natanong ko rin sa sarili ko, handa na nga ba akong makita ka ulit?

"Apang" (First true love will never die...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon