Part 12

179 4 0
                                    

December 22, 2013. Mahigit apat na taon narin pala simula noong mawala ka sa buhay ko at nagdesisyong alisin din ako sa pahina ng libro mo. Pauwi kami galing sa isang kasiyahan. Kasama ko ang matalik kong kaibigan. Bahagya na akong nahihilo noon sa kalasingan pero nakikita ko parin naman ang mga taong naglalakad sa bangketa habang ako, nakasakay sa jeep. Laking gulat ko nang makita kita. Alam kong ikaw iyon. Kahit nakatalikod ka pa sa akin, alam kong ikaw yun. Lalaking nasa 5'10 ang taas. Makisig ang katawan at matikas ang tayo. Maging ang gupit ng buhok mo, nakilala ko. Alam kong ikaw iyon dahil alam ko kung paano ka maglakad, kung paano ka kumilos. Hindi ko man nakita ang mukha mo pero alam ng sarili ko lalo na ng aking puso na ikaw ang lalaking iyon.

Agad kong niyaya ang kaibigan ko para habulin ka. Hindi ko alam pero nagkusa na ang aking mga paa na sundan ka. Bagamat alam kong bahagya ka ng nakalayo dahil hindi kami agad nakababa sa jeep, pinilit parin naming sundan ka. Pero parang bula na nawala ka, nawala sa gitna ng mga tao sa bangketa na nagmamadaling makauwi o pumasok sa kanilang mga trabaho. Agad kang nawala. Hindi man lng kita naabutan.

Simula noon, hindi ka na ulit nawala sa isip ko. Lalo kang hinanap ng aking puso. Lalo akong nangulila sa mga panahong kasama pa kita. Muli akong nakaramdam ng kalungkutan. Muling nagbalik ang masasayang alaala. Ngunit muli ring bumukas ang malapit na sanang maghilom na mga sugat sa aking puso at pagkatao.

December 30, 2013. Isang araw na lamang, magpapalit na ng taon. Kagaya ng mga gabing nagdaan, ikaw ang nasa isipan ko. Nais kong muling makausap ka at humingi ng tawad sa naging huling pag-uusap natin. Ngunit sadyang napaka-mapaglaro ng tadhana. Masakit ito magbiro. Nakakasira ng pagkatao.

Bago ko pa man hanapin ang pangalan mo sa social site kung saan lamang tayo maaaring magkaroon ng kumonikasyon, isang nakakagimbal na balita na agad ang bumungad sa akin. Isang tawag mula kay Edong, kaibigan nating matalik, ang muling sumira at nagpaguho sa aking mundo.

"Apang" (First true love will never die...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon