Arius
Pauwi na ko galing sa bar. Hindi naman kasi dumating si Iria eh.... sabi ko 7 pm pero 9:45 na wala pa rin.
Habang nagda-drive ako, may nakita akong babae sa gitna ng kalsada.
Itinigil ko ang kotse at bumaba.
Miss ayos ka lang ba? tanong ko sa kanya.
Tumingin sya sa'kin at nakita ko ang napaka-ganda nyang mukha.
May lagnat kasi ako tapos pinababa pa ko ng stepmother ko sa kotse. sabi nya habang humihikbi.
Napailing ako at binuhat ko sya. Nagulat pa sya at namula pero ipinasok ko sya sa kotse ko.
Iuuwi muna kita sa bahay namin ha? Malapit na din naman yun. Ano nga palang pangalan mo? sabi ko sa kanya at sinulyapan sya habang nagda-drive.
Ako nga pala si Dana Exodus Yu. sabi nya at ngumiti sa'kin.
Salamat nga pala.... dugtong nya pa.
Napangiti na lang ako.
Binuksan na nung maid yung gate at ipinasok ko na yung kotse ko.
Bumaba na kami at binuhat ko sya papasok.
Oy! Oy! Sino yan?! sigaw ni King.
Ka-gang ko yan ah! Dana anong nangyari sayo? singit naman ni Aya.
Nakita ko syang nakaupo sa kalsada at may lagnat sya. Dito sya magst-stay habang hindi sya gumagaling. Ako na ang magaasikaso sa kanya. sabi ko.
Uyyyy! Improving! Ingatan mo ka-gang ko kuya ah. sabi ni Aya tapos kumindat at tumakbo na pataas.
Si King naman umiiling habang tumatawa tapos umakyat na.
Nginitian ko lang si Dana at umakyat na sa taas habang buhat buhat sya.
***
Nagising ako na nakayakap sa'kin si Dana.
Mainit pa rin sya.
Ang ganda nya pala talaga....
Nagising na sya.
Mainit ka pa din. Ti-next ko na yung mama mo at dito ka na lang daw muna. Hindi na din muna ko papasok para maalagaan ka. sabi ko at ngumiti sa kanya.
Ngumiti lang sya.
Magluluto muna ko ng sopas. Intayin mo na lang ako. sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang ulit sya at tumango.
Bumaba na ko at nakita ko na paalis na sina Aya papuntang school.
Kumaway sila sa'kin at kumaway din ako sa kanila.
Dumiretso na ko sa kusina at nagluto ng sopas.
*****
King
Nakarating na kami sa school ng mabilis.
Nakita namin si Iria na papunta samin.
Nginitian nya muna kami saka nagsalita.
Nasan si Arius? Bakit di nyo sya kasabay? tanong nya kay Aya at luminga linga sa paligid.
Umabsent sya ngayon. Dinala nya sa bahay kagabi yung ka-gang ni Aya na si Dana. Inaalagaan nya yun ngayon sa bahay. Ayaw nga kaming palapitin eh.... sya na lang daw magaasikaso. Natamaan na ata ang playboy ng bayan! Hahaha... sagot ni Skie.
Grabe naman to si Skie masyadong straight to the point. Sinabi pa talaga na baka natamaan na si Arius kay Dana.
Nakita ko sa mata ni Iria ang sakit.
Ah sige punta na kami sa classroom Iria.... sabi ko.
Dumiretso na kami sa classroom at binangga ni Skie si Iria sa balikat. Niyakap sya ni Aya at tinapik namin sya ni Julian.
Nakita ko bago pa kami makaalis na humagulgol sya.
Pag psok naming apat sa classroom humagalpak na kami ng tawang tatlo.
Wahahahahahahahahahahhahahahahahahhahahahahahahhahahahahahhaha...... tawa naming tatlo nina Julian at Skie.
Tiningnan kami ng masama ni Aya kaya napatigil kami.
B-b-bakit? Hahaha! tanong ni Skie.
Bakit nyo sya pinagtawanan?! Nasaktan na nga diba?! sigaw nya.
Aya, kailangan nyang matutong masaktan.... paliwanag ko sa kanya at iniwan na namin syang tatlo na mag-isang nakatayo sa may pinto.
***********************************
An:/ Masyado ng maraming nasaktan sa chapter na to kaya stop muna tayo guys.
Next chapter po ay kadugtong ng chapter na to pero mas marami pa po ang masasaktan sa next chapter.
Wahahahahahahahahahahaha
Ay! Ang bad ko ba masyado? Ganun talaga! Wahahahahaha
Pero joke lang guys.... Mas trip ko kasi na may nasasaktan para feel na feel ang pagbabasa.
Sabayan nyo pa ng malungkot na love song? Nakuuh... mafe-feel nyo talaga...

BINABASA MO ANG
My Brother is the Gangster King
Teen FictionAng hirap sigurong mawalan ng magulang. Bukod sa walang pipigil sayo na gawin ang kahit ano, wala kang matatakbuhan kapag may kinakaharap ka/kayong problema na hindi nyo kayang harapin mag-isa...