Chapter 29

117 6 1
                                    

An:/ Paki-play po yung A thousand years ni Cristina Perri. Kung naiiyak man kayo, wag pigilan. Ako din readerz naiiyak habang sinusulat ko to.
Bakit kung ano yung gusto mo, yun yung bawal?

-Lightning Cross Park

King

Natutulog na kami ngayon sa kanya-kanya naming kwarto. Tapos na kaming mag-swimming.

Tiningnan ko ang orasan, 12:46 na pala at hindi pa din ako makatulog.

Naisip ko na sumilip sa veranda ng kwarto ko.

Maraming bituin ngayon sa langit. Naalala ko tuloy si Aya, mahilig sya sa mga bituin. Pinapangalanan pa nga nya lahat ng nakikita nyang mga bituin at nakakapagtaka na naaalala nya lahat.

Pinuntahan ko si Aya at Aqua sa bungalow.

Magkayakap sila at nakangiti si Aya habang natutulog.

Lumabas na ulit ako at bumalik sa kwarto ko.

*****

Nagising ako ng maaga at bumaba na. Alas dos pa lang ng umaga pero hindi na agad ako inaantok to think na isang oras lang ako nakatulog.

Pumunta ulit ako sa bungalow sa fourth floor.

Pagtingin ko ay nasa veranda si Aqua na pinagmamasdan ang mga bituin. Hindi nya man lang naramdaman ang pagpasok ko.

Umupo ako sa gilid ng kama nila.

Aya, alam mo ba na nahuhulog na ang loob ko sayo? Sa lahat ba naman ng tao, bakit sayo pa? Bakit sa kapatid ko pa? Alam kong mali pero paano ko pipigilan? Kung pwede ko nga lang utusan ang puso ginawa ko na eh, kaso hindi naman pwede di'ba? Anong gagawin ko? Nababaliw na ata ako eh. Nababaliw sayo. Hindi ko na alam kung anong ang tama o mali. Maling mali to. Dapat kapatid lang ang turing ko sayo, pero bakit ganon? Lagpas pa ata sa kapatid ang turing ko sayo. Mahal na ata kita Aya, mahal na mahal na ata kita.... Nahulog na ata talaga ko sayo Aya.... hulog na hulog na parang hindi ko na ata kayang umahon. Bakit? Bakit Aya? Bakit sayo pa?

Aqua

Ramdam ko. Ramdam kong pumasok si King sa bungalow.

Pinagmasdan ko lang ang gagawin nya. Umupo sya sa tabi ni Aya.

Aya, alam mo ba na nahuhulog na ang loob ko sayo? Sa lahat ba naman ng tao, bakit sayo pa? Bakit sa kapatid ko pa? Alam kong mali pero paano ko pipigilan? Kung pwede ko nga lang utusan ang puso ginawa ko na eh, kaso hindi naman pwede di'ba? Anong gagawin ko? Nababaliw na ata ako eh. Nababaliw sayo. Hindi ko na alam kung ano ang tama o mali. Maling mali to. Dapat kapatid lang ang turing ko sayo, pero bakit ganon? Lagpas pa ata sa kapatid ang turing ko sayo. Mahal na ata kita Aya, mahal na mahal na ata kita.... Nahulog na ata talaga ko sayo Aya.... hulog na hulog na parang di ko na ata kayang umahon. Bakit? Bakit Aya? Bakit sayo pa?

Mahal mo na nga talaga sya King. Pero bakit ganon? Bakit parang kinikilig pa ko sa inyo? Bakit parang ayos lang sa'kin ang gusto mo? Bakit hindi ko kayang pigilan na matuwa sa nararamdaman mo? Bakit ayos lang sa'kin na nangyayari yan sayo? Bakit parang gusto ko, ikaw na lang at si Aya ang para sa isa't isa?

Alam ko ding bawal. Alam ko din na hindi pwede. Alam ko din na parang sobrang mali.

Ano bang nangyayari sayo Aqua?!

BAKIT MAHAL NA MAHAL KITA AYA?! pabulong na sigaw ni King.

May tumulong luha sa mata nya. Makikita mo talaga na nasasaktan sya sa mga nangyayari. Alam ko na nilalabanan nya ang nararamdaman nya. Alam kong may gusto sya kay Aya matagal na. Simula pa lang na may maramdaman sya para kay Aya, alam ko na na hahantong sa ganito. Pero bakit hindi ko pinigilan?

Parang hirap na hirap pang tumayo si King. Lumabas sya sa kwarto na humahagulgol.

Nalungkot ako para kay King. Nalungkot ako dahil hindi sila pwede. Dahil hindi pala talaga sila pwede.

Hindi ko namalayan na naluha na pala ako.

Bakit ako naiyak?!

Siguro dahil gusto ko na sila talaga ang para sa isa't isa.

Kaso hindi pwede.

Hindi SILA pwede.

***********************************

An:/ Masyado namang malungkot ang chapter na to.

Alam nyo ba readerz, paiyak na ko nung binabasa ko to. huhuhu...

Dagdagan nyo pa nung kanta, naku! Super lungkot.




My Brother is the Gangster KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon