Chapter 22

141 6 5
                                        

King

Nakita ko na sumigaw sina Phyro.

ANO?! sigaw nila.

Ano kayang nangyari sa mga yun? Parang nakakita ng multo ang itsura ng mga mukha nila.

Lumapit ako sa kanila at...

Anong nangyayari dito? tanong ko.

Humarap sa'kin sina Phyro.

Sabi ni Aqua, jsnjansjn. binulong nya yung huling sinabi nya.

Anong sabi mo Phyro? tanong ko sa kanya.

Sabi nya jabhsbkansjabja. Hindi naituloy ni Dhreic ang sasabihin nya dahil tinakpan ni Aqua ang bibig nya.

Wala lang yun King. Wag mo silang intindihin. singit ni Aqua.

Tumango na lang ako. Walang saysay kung pilitin ko sila pero ayaw nilang sumagot.

Umupo ako sa upuan sa tabi ni Aya.

Aba, kilala ko yang jacket na yan ah. sabi ko kay Aya.

Ngumiti sya.

Kuya akin na lang tong jacket na to ah? Ano nga palang pabango mo? tanong ni Aya.

Napangiti ako.

Naadik ka sa amoy ko no? Amin amin pag may time. Sige sayo na yan. sabi ko.

Kuya King, paanong hindi maadik eh sobrang bango. sabu nya ng nakangiti.

Niyakap ko sya.

Ayan amuyin mo na. bulong ko sa kanya.

Yumakap sya sa'kin at naramdaman ko na inaamoy nya ang t-shirt ko sa may bandang dibdib.

Ang tangkad mo naman kuya. komento nya sa'kin ng pabulong.

Napangiti na lang ako. Nakayakap lang ako sa kanya at nakayakap din sya sa'kin habang inaamoy ang damit ko.

Inalis ko lang ang yakap ko ng dumating na yung bakla naming teacher.

No PDA in my class. maarte nyang sabi.

Nagtawanan ang buong klase.

Bakla! Sila? PDA? sigaw ni Skie.

Asa ka pang mag-p-PDA ang mga yan. Hahahaha.... Magkapatid yang for your information. gatong naman ni Theo sa sinabi ni Skie.

M-magkapatid s-s-sila? utal utal na tanong nung bakla.

Tumango yung mga estudyante habang tumatawa.

Nakita kong lumapit si Ace ng dahan dahan dun sa teacher namin. (Si Ace po yung kapatid ni Iria).

Bakla ka ba talaga? tanong ni Ace with husky voice dun sa teacher naming bakla.

A-ah.... e-e-ehh.... utal utal na sabi nung bakla.

Na-corner yung bakla dun sa black board at itinuon ni Ace ang dalawa nyang kamay sa magkabilang gilid nung bakla.

My Brother is the Gangster KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon