Kris
Nandito kami ngayon sa bahay nina Aya. Ang yaman pala talaga nila. Talbog ang mansion namin sa mansion nila. At eto pa ah, 3 hectares ang kabuuang lupa na nasasakupan ng pool nila! Pool lang nila!
Nakahiga ako ngayon sa kama ko sa bahay nila Aya. Nag-iisip ng kung ano ano ng biglang pumasok sa isip ko si Silver. Ang gwapo nya at ang cute. Ano kaya ang itsura nya kapag wet look?
Aisshh! Bakit ko ba naiisip ang itsura nya kapag wet look?!
May kumatok sa pinto ko.
Pagbukas ko nakita ko si Silver.
Ahh, Kris may nakita ka bang bracelet dito? tanong nya.
Bracelet?
Ang nakita ko lang naman na bracelet ay yung I love you bracelet.
Kanya ba yun?
Ah, eto ba?tanong ko sa kanya sabay kuha ng bracelet sa bulsa ko.
Ahh... oo yan nga. sagot nya at kinuha na ang bracelet mula sa kamay ko.
Kanino mo ba yan ibibigay? tanong ko.
Sa isang babae na mahal ko. Na-love at first sight ako sa kanya. sagot nya.
Kilala ko ba? tanong ko ulit.
Oo naman. Kilalang kilala mo. sagot nya sabay hinalikan ako sa pisnge saka umalis.
Hinalikan nya ko?
Hinalikan ako ng taong mahal ko...
Pakiramdam ko namumula na ko ngayon. Sobrang saya sa pakiramdam na hinalikan ka ng taong mahal mo.
Kaya lang, sabi nya may minamahal na sya. Sabi nya ibibigay nya yung bracelet dun sa taong MAHAL nya. Sabi nya kilalang kilala ko. Siguro, si Aya yun. Kilalang kilala ko daw eh...
Tinawag na kami para kumain kaya bumaba na ko. Nakita ko na ang bakante na lang na upuan ay sa tabi ni Silver.
Dito ka na, Kris! tawag nya.
Ngumiti ako at tumabi sa kanya. Katabi nya naman si Aya sa kabila. May ibinulong si Silver kay Aya at tumango naman si Aya saka bumungisngis.
Bakit parang ang sakit? Ang sakit na makita na masaya sila.
Kita na lang tayo bukas sa lover's restaurant ha. bulong ni Silver kay Aya.
Tumango lang si Aya.
Lover's.... restaurant?
Si Aya ba talaga?
Gusto mo ng hipon? tanong sa'kin ni Silver.
Ngayon nagiging sweet sya sa'kin?!
Bakit hindi si Aya ang ipagsandok mo? sarkastiko kong sabi.
Ha? Hindi kita maintindihan. sagot nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/102263963-288-k668531.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brother is the Gangster King
Подростковая литератураAng hirap sigurong mawalan ng magulang. Bukod sa walang pipigil sayo na gawin ang kahit ano, wala kang matatakbuhan kapag may kinakaharap ka/kayong problema na hindi nyo kayang harapin mag-isa...