Raze
Natutulog ang lahat sa bahay nina King ngayon. Doon ulit natulog ang tatlo nilang gang. Simula ng mangyari ang aksidente kila Aya, bumalik na sa dati ang lahat.
Sa dati na demonyo pa ang Phoenix. Sa dati na wala pa silang puso. Sa dati na sanay si Aya na umuuwing duguan at sugatan ang mga kuya nya. Bumalik ang lahat sa dati at pati ang pagmamahalan nila ay naapektuhan na rin.
Wala ng kapa-kapatid. Wala ng kai-kaibigan. Lahat ay naging demonyo ng hindi nyo inaasahan.
Maibabalik pa ba nila ang nawalang samahan, kung miski ang pagkakaibigan nila ay nawalan na ng kwenta?
Sa bawat minuto na lumilipas, mararamdaman ang takot sa bawat sulok ng kanilang kinalalagyan.
Bukas, pagsapit ng umaga, magsisimula na ang laban. Lalabas ang kalaban ng di inaasahan. Babalik ang lahat sa nakagawian. Aabutin ng mahabang panahon bago maibalik ang nawalang samahan.
Dadating ang demonyo at papalitan ang mga anghel na nakilala nyo. Babalik ang halimaw na matagal na nilang tinatago.
Pinilit itago sa nakaraan, babalik sa kasalukuyan.
Ito ang magdedesiyon kung anong mangyayari sa hinaharap.
Paano babalik ang anghel sa kanilang pagkatao, kung ni isa sa kanila ay ayaw ng palitan ang demonyo?
![](https://img.wattpad.com/cover/102263963-288-k668531.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brother is the Gangster King
TeenfikceAng hirap sigurong mawalan ng magulang. Bukod sa walang pipigil sayo na gawin ang kahit ano, wala kang matatakbuhan kapag may kinakaharap ka/kayong problema na hindi nyo kayang harapin mag-isa...