Chapter 26

107 5 1
                                    

An:/ Guys, magsisimula na po sa chapter na to ang oplan 'hindi pansinin si Aya'.

Magtagumpay kaya sina King sa misyon nila?

*****

King

Maaga akong nagising ngayon kaya nagpahanda na ko ng pagkain.

Ginising ko sila Arius maliban kay Aya. Ngayon na kasi magsisimula ang plano namin. Miski nga si Aqua, hindi tumabi kay Aya.

Bumaba na sila Skie kaya kumain na kami.

Patapos na kami ng makarinig kami ng isang napakalakas na pagsara ng pinto.

BAKIT HINDI NYO KO GINISING?! sigaw ni Aya mula sa dulo ng hagdanan.

Ni isa samin ay walang sumagot sa kanya.

Oy, alam nyo ba may laban daw ng basketball yung gangsters tsaka yung ordinaries. pagsisimula ni Skie ng topic.

Ahhh, ganun ba? Pwede pa bang humabol? tanong naman ni Aqua ng hindi man lang tumitingin kay Aya.

Nagtawanan kaming lahat kasama si Aqua.

Pwede nga pala natin yung gawin.... suggestion naman ni Aqua.

Sige, mamaya magpapa-try outs ako. sabi ni Skie.

Edi magta-try outs kami. sabi ko.

Kuya hind---- pinutol ko ang sasabihin ni Aya.

Tutal tapos na naman tayong kumain, pasok na tayo ng school. sabi ko.

Kuy--- hindi namin pinakinggan ang sasabihin nya at lumabas na kami saka nag-drive papunta sa school.

***

Nagre-recess kami ng bigla akong hinila ng kung sino mang pangahas papunta sa likod ng gangster building A.

Kuya! Bakit ba sina-silent treatment nyo ko?! Ano bang maling ginawa ko?! hindi ko sya pinansin at nagsimulang maglakad pabalik sa loob ng GBA.

Bago pa man ako maka-limang hakbang, hinila nya na ulit ako.

Kuya King sabihin mo naman sa'kin. sabi nya na paiyak na.

Katulad kanina, hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Hinila nya ulit ako.

Sabihin mo naman kung bakit..... Kuya Prince.....

Ng marinig ko yun napaharap ako sa kanya. Matagal na simula ng tinawag nya kong kuya Prince. Mga nasa 10 years ago na. Yun naman talaga yung tawag nya sa'kin eh. Natutuwa pa nga ako kasi sya lang yung tumatawag sa'kin ng ganon kaya lang simula ng marinig nya na King ang tawag sa'kin ng lahat, ayun Kuya King na ang itinawag nya sa'kin.

Kuya Prince, sabihin mo naman kung may nagawa akong masama para maintindihan ko. nakatingin lang ako sa kanya at napatingin ako sa labi nya.

Nakagat ko ang labi ko.

Patawarin na ko ng lahat pero hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko.

My Brother is the Gangster KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon