"Westly! Sige na, please? Mag-kaibigan naman tayong dalawa eh! Sabihin mo na!"
I rolled my eyes heavenwards. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko pero sadyang lampa talaga ako kaya naabutan pa rin ako ni Gail. Kanina pa siya tanong ng tanong kung anong binulong sa akin ni Yael kanina. It turns out na hindi pala narinig ng klase yun, thank God for that.
"Westly! Please! Ililibre kita ng kung anong gusto mo!"
Bumuntong hininga ako. Nakarating na kami sa cafeteria pero patuloy pa rin sa pagtatanong si Gail. Konti na lang ay pakiramdam ko na sasabog na ang ulo ko sa kanya.
"Napakaganda kong kaibigan na si Westly, ako'y—"
Huminga muna ako ng malalim atsaka nagsalita. "Let us buy our food first then I'll tell you what he said."
Nakita kong nagningning nanaman ang mga mata niya. Oh well, ganyan talaga siya kapag masaya. Gail will always be Gail.
Matapos naming bumili ng pagkain ay nagghanap na kami ng bakanteng mesa. Luckily, bakante yung mesa malapit sa bintana kaya dun kami umupo ni Gail.
"So ano na? Sabihin mo na dali!" Pagka-upong pagka-upo pa lang namin ay nag salita na agad si Gail.
I sighed. "Pero nakakahiya.." Kung ibang babae lang nasa posisyon ko, siguro kilig na kilig nna sila dun sa sinabi niya pero iba ang nararamdaman ko dun. It was weird and embarrassing at the same time.
"Nako, Westly, we're friends kaya wala kang dapat ikahiya o itago sa akin. Bakit, bastos ba yung sinabi niya?"
Tumango ako ng dahan-dahan. "I wasn't sure. Maybe yes?"
Nanlaki ang mga mata ni Gail atsaka ngumiti siya ng malawak. "OMG! Maginoo pero medyo bastos. I like that!"
Kumunot ang noo ko atsaka tinignan si Gail ng masama. Sinong matinong babae ang magkakagusto sa lalaking bastos? Wala, si Gail lang ata.
"Ano ba kasi yung sinabi niya? Ano, Westly? Tell me! Tell me!"
Napahawak ako sa batok ko. I can feel my cheeks blushing. Nahihiya ako pero wala namang mawawala sa akin kung sasabihin ko.
"He said that, hmm.. a-ano.."
"What?'
"He didn't know that his wife would be so beautiful. There, I said it."
Nanlaki ang mga mata ni Gail atsaka nakatakip ang mga kamay niya sa bunganga niya. It took her five seconds to recover.
"OMG! Sinabi niya yun?!"
Pinandilatan ko siya ng mata. Ang lakas kasi ng pagkakasabi niya. "Baka marinig ka."
Nanlaki ang mga mata niya atsaka ngumiti ng piliit. "Opps! Sorry!" She whispered.
Napailing na lang ako atsaka kinain ang binili kong sandwich. Lumalamig na kasi. Sayang naman kung di ko kakainin. But of course, nagdasal muna kami ni Gail.
"That explains why he's looking intimately at you kanina. Pero bakit naman niya sinabi yun?"
I shrugged. "I don't know."
"Baka naman gusto ka niya?"
Muntikan akong mabulunan dahil sa sinabi ni Gail. Bigla naman kasing nag-joke. Uminom muna ako ng tubig atsaka nagsalita. "Ako? Gusto niya? Eh, unang beses ko nga lang siyang nakita kanina."
"Sabagay. But I think, you look cute together naman." Saabi niya nang nakangiti.
"We're not. Masyado pa kaming bata para dun. Atsaka, diba crush mo siya? You should ship yourself with him, not me."
She chuckled. "Yes, I have a crush on him. But seeing you two together, nako, mas pipiliin kong sayo siya mapunta."
Napailing ako. I believe in love, but love at first sight? No way. Hindi ba't sa personality naman dapat naiinlove ang isang tao? Pano mo malalaman ang personality ng isang tao sa unang tingin lang? It makes sense , right? Teka, ano ba 'tong sinasabi ko? Nahawa na ata ako kay Gail.
Hindi na ako sumagot pa sa sinabi ni Gail. Nag-concentrate na lang ako sa kinakain ko habang siya naman ay nag-kwento nanaman ng kung ano-ano tungkol sa mga crushes niya. Mas mabuti na rin yun kaysa naman ungkatin pa niya yung nangyari kanina.
Speaking of Yael Valdez, I think that he's really weird. Alam kong masamang manghusga ng kapwa pero base sa mga kinikilos niya kanina sa klase, hindi ko maiwasang isipan siya ng ganun.
For Pete's sake, he's staring at me the whole period. As in titig talaga. Kaya ayun, hindi ako makapag-concentrate sa klase dahil naiilang ako sa tingin niya. Kaya naman nang dumating ang recess ay agad kong hinila si Gail palabas ng room.
"By the way, san ka pala magbabakasyon? Malapit na ang sem break."
I shrugged. "I don't know. Siguro out of the country. Alam mo naman si Mama, ang hilig mag-travel." Every year, isang hanggang dalawang bansa ang napupuntahan namin dahil dream talaga ni Mama ang mag-travel sa iba't ibang bansa.
She nodded. "Sabagay. Kami naman, siguro sa Spain magbabakasyon."
"I see. Ka—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumunog yung speaker.
"Ahem. Is this on?"
Napakunot ang noo ko. Ginagamit lang naman kasi yung speaker kapag may iaanounce yung principal.
"Uh. Good morning everyone!"
Nagkaroon ng matinis na sound. Ang sakit sa tenga kaya agad kong tinakpan ang tenga ko.
"P*cha, dude, bat ganun?"
Napakunot ang noo ko. Teka, hindi boses ng principal yun. Tsaka, nagmura siya! Siguro estudyante 'to. Paniguradong diretso siya sa principal's office niyan.
"Sorry for that. By the way, I'm Yael Valdez and I just wanted to say something to my beautiful wife."
Nagsigawan ang ibang mga babae dito sa cafeteria. Nanlaki naman ang mga mata ko at nagkatinginan kami ni Gail. Oh no..
"Mrs. Rosary Westly Ferrer-Valdez, I'm taking you out for lunch. Sorry but I'm not taking a no for an answer."
Jusko. Ano nanaman 'to?
A/N: Sorry kasi maikli lang. Yan lang po kasi ang kaya ng utak ko sa ngayon. Pero sana nagustuhan niyo :)
A/N: Sorry po kung maikli lang. Yan lang po kasi ang kaya ng utak ko sa ngayon. Pero sana nagustuhan niyo :)
BINABASA MO ANG
Lost Dignity
Teen FictionI'll love you over and over again, even though the consequence is losing my dignity.