Matapos ang nangyari sa elevator ay hindi na iyon maalis sa utak ko. I mean, that's so weird. Ilang beses na kaming nagkikita ng lalaking yun, I mean ni kuya Travis. Hindi ba ang weird?
"Westly, the virgin, you're spacing out."
Napatingin ako kay Gail. "Gail, diba palagi ko namang—"
"Westly, masanay ka na. That's the truth naman eh. Basta inform mo na lang ako kapag nalusob na ang perlas ng silangan ha."
I snorted. "Seriously Gail?"
She chuckled. "Halika na dito at tulungan mo ko sa mga banner."
Agad akong lumapit sa kanya at tinulungan siya na mag-design sa mga banner. Next week na kasi yung Halloween party namin kaya naghahanda na kami para sa booth ng classroom namin. Each classroom is required to have a booth. Ang samin ay Movie booth at puro mga horror movies ang ipapalabas since it's halloween.
"Asaan na ba si Caleb?! Kanina ko pa pinabili yung mga construction paper sa kanya!"
Napatingin ako kay Mira. Siya ang class president namin. She looked stressed. Gusto niya kasing maayos ang lahat before the event. At mukhang missing in action nanaman si Caleb.
"Alam niyo ba yung number niya? Baka natutulog nanaman yun! My god! Gigil!"
She looks scary. Para siyang mangangain ng buhay kaya medyo sumiksik ako kay Gail.
"Westly, can you look for Caleb? Baka sakaling makinig yun sa'yo since banal ka naman."
I don't know if that's a compliment or not pero sinunod ko pa rin ang inuutos niya.
Hindi ko alam kung saan hahanapin si Caleb. Hindi naman kasi kami ganun ka-close para malaman ang mga whereabouts niya.
Una kong tinignan ang cafeteria. Wala siya dun. Next is library, garden, computer room, and then sa mga hallway pero wala talaga siya doon. Saan naman kaya siya pumunta?
Umupo muna ako saglit sa bench para magpahinga. Halos libutin ko ang buong school para mahanap siya at hindi yun biro.
May dumaang grupo ng mga babae sa harapan ko at nagtatawanan sila.
"OMG girl! Ang gwapo gwapo talaga ni Caleb no? Ang galing galing pa niya!"
"Oo nga. Tambak na yung score ng kalaban dahil sa kanya!"
"Feeling ko tuloy siya na yung magiging captain ng basketball ng team natin sa next Intramurals!"
Nanlaki ang mga mata ko. Basketball? Laro? He's in the gym! Bakit hindi ko naisip yun?
Agad akong nagtungo papunta sa gym. Hindi pa ako nakakapasok pero nakakarinig na ako ng mga sigaw. Sa pagkakaalam ko wala namang event ng basketball ngayon since hindi pa naman Intramurals at busy ang lahat sa paghahanda sa Halloween party.
Pumasok ako sa gym at halos puno lahat ng bleachers. Pansin ko ding halos lahat ng andun ay mga babae. Tsaka may naglalaro ng basketball. At kasama dun si Caleb!
He's wearing his uniform kaya malamang ay simpleng laro lang yun.
Patuloy pa rin siya sa paglalaro ng basketball habang andun lang ako na nanonood. Nahihiya kasi akong i-approach siya ngayong ganito kadami ang mga tao. Tsaka ayoko namang abalahin siya sa mga ginagawa niya. Pero kailangan na siya sa classroom.
Nagdidribble siya nang bigla siyang mapatingin sa akin. I smiled at him at bigla siyang natigilan. Dahil dun ay naagaw ng kalaban yung bola. Bigla naman siyang natauhan dahil dun kaya agad siyang tumakbo para habulin yun. Mabuti na lang at naagaw iyon ng kasama niya at ipinasa sa kanya. Agad naman niyang shinoot yun mula sa 3-point lane.
At gaya ng inaasahan ng lahat, pasok ang bola.
Nagsigawan ang mga babae. Sobrang ingay na ngayon sa loob ng gym at medyo masikip na din sa kinalalagyan ko dahil mas dumami ang tao. Wow, ganun ba kasikat si Caleb para dagsahin siya ng ganito kadaming tao?
Nagulat ako nang biglang may magtakip ng mga mata ko. Agad akong nataranta dahil wala naman akong kakilala sa mga andito maliban kay Caleb.
"Wifey."
A husky voice whispered through my ear. Nagtayuan ang mga balahibo dahil dun. Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng ganun, si Caleb. Agad akong nataranta dahil alam kong malapit lang siya sakin. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko kaya naman lumayo agad ako. Susmaryosep!
"Bakit ka andito wifey? Pinapanood mo ko?"
Bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Caleb. Nakapamulsa siya at pinagpapawisan. Medyo basa tuloy yung yung polo niya kaya medyo bakat yung abs niya.
Agad akong tumingin sa ibang direksyon. Oh gosh, I'm even blushing for Pete's sake!
"A-ah.. eh. P-pinapatawag ka ni Mira. Y-yung mga construction papers daw."
"Oh shit. I forgot! Pakisabi na lang sa kanya bibili na ako."
Tumango ako habang hindi pa rin nakatingin sa kanya. Maglalakad na sana ako palayo kaso bigla niyang hinila yung braso ko.
"Bakit hindi ka makatingin sa akin? Ayaw mo ba akong makita?" Seryoso ang boses niya at ramdam na ramdam ko yun. Dahan-dahan ko siyang tinignan sa mga mata niya at biglang naging nakakatakot yung aura niya.
"H-hindi naman sa g-ganun—"
"Then why?"
"Yung ano.. y-yung a-abs mo k-kasi b-bakat."
Pakiramdam ko mas lalo akong namula dahil sa sinabi ko. Oh gosh! Lord, tulungan niyo po ako!
Narinig ko ang mahina niyang tawa atsaka binitawan ang kamay ko. Mas lalo tuloy akong hindi makatingin sa kanya dahil sa sinabi ko. Nakakahiya ka Westly!
"You're so adorable, wifey. No wonder I like you."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi talaga ako sanay sa ganito.
Tumawa nanaman siya ng bahagya. "Sige na. You're free to go."
Tumango ako atsaka mabilis na tumakbo papunta sa classroom. Ang weird kasi ng nararamdam ko. Tsaka naiilang talaga ako sa kanya.
Dumating ako sa classroom at naabutan ko si Gail na patapos na sa banner.
"Oh Westly, bat ang tagal mo? Tsaka nasaan si Caleb?"
"Hinanap ko pa kasi siya. Sabi niya bibili na daw siya."
Nagusot ang mukha ni Mira at mukhang mas lalo siyang nai-stress. "Gosh! Kung di lang gwapo yun baka matagal ko nang nasapak! Hindi lang yung booth natin ang kailangan nating pagtrabahuan, pati din yung banner sa entrance! Yung banner pa lang para sa booth ang nagagawa natin! Oh my gosh! Ni wala pa tayong projector susmaryosep!"
Mukhang sobrang stressed na siya. Naawa tuloy ako bigla. Hindi biro ang maging president ng isang klase at maging part ng student council at the same time.
"Westly, may isusuot ka na ba para sa Holloween party?"
Umupo ako sa tabi ni Gail at umiling. "Wala pa eh. Ikaw, anong isusuot mo?"
"Um, I think I'll be a zombie and also a cheerleader!"
Napakunot ang noo ko. "Meron bang ganun?"
"You'll see it when you see it." She even winked at me.
"Whatever Gail."
Matapos ang ilang minuto ay natapos na ang lahat sa mga kanya-kanya nilang ginagawa. Tho, projector na lang ang kulang and some halloween decorations for our booth. Sakto ding dumating si Caleb na dala ang mga pinabili ni Mira sa kanya. Tumingin muna siya sa akin atsaka ngumiti bago dumiretso sa upuan niya at muling natulog. Pakiramdam ko namula nanaman ako.
Oh God, what's happening to me?
****
Author's NotePasensya na po sa mga maiikling updates. Tsaka sa isang scene per chapter. Jusko yan lang po talaga kaya ng utak ko kaya sorry na. Sana abangan niyo pa rin ang mga susunod na chapters! Muah!
BINABASA MO ANG
Lost Dignity
Teen FictionI'll love you over and over again, even though the consequence is losing my dignity.