"Good morning, Westly the—"
"Good morning din, Gail." Madiin na saad ko. May ilan ng mga tao sa classroom at ayokong may makarinig ng kahalayang sinasabi ni Gail.
Gail snorted atsaka umupo sa bakanteng upuan ni Caleb na katabi lang ng upuan ko. Inilapag niya ang bag niya sa desk atsaka hinarap ako ng nakasimangot. "Kanina ka pa ba?"
Tumango ako. "Oo, inagahan ko para makapagreview. Di kasi ako nakapagreview kagabi."
Gail rolled her eyes. "You're such a nerd talaga. You know, okay lang namang hindi magreview kahit isang beses lang."
"Uh huh, not okay for me."
"Whatever you say."
Bumaba ang tingin niya sa desk ko atsaks kumunot ang noo. "Teka, bakit may tupperware na agad? Andito na ba si Caleb?"
Tumango ako atsaka muling ibinaling ang atensyon ko sa librong binabasa ko. "Oo. Siya nga yung unang nadatnan ko dito sa classroom."
Narinig ko ang pagsinghap ni Gail kaya napatingin ako sa kanya.
"What?! So kayong dalawa lang ang andito kanina? Wala naman siguro kayong ginawa na kakaiba ano?"
Sinamaan ko siya ng tingin na dahilan naman ng pagtawa niya. "Just kidding! Di ka naman mabiro oh."
Bumuntong hininga na lamang ako at napailing. Kahit kailan talaga, hay nako.
"Oh by the way," sabi niya at umayos ng upo. "My mom is offering me a job. Just part timee. Andami ko na daw kasing mga luho at kailangan ko na din daw mag-ipon. I'm jusy wondering if you want to suffer with me?"
"And what job is that?"
"Well, I'm no really sure kung ano pero sabi ni Mom na sa book shop or something like that daw yun. I know that books are your cup of tea kaya inisip ko na magiging interesado ka."
"Talaga? That's great! Sige, I'm in." Nakangiti kong saad. I have a lot of free time and I wanted to have a new experience, that's why I thought that this is a good thing for me. I'm sure mag-eenjoy ako dito. How exciting!
"So when do we start?" I asked.
"Hey, hold your excitement, girl." Gail chuckled. "Not today but maybe tomorrow. I'll just update you."
Tumango ako atsaka ngumiti. Ngayon palang ay natutuwa na ako sa idea na magtatrabaho ako. At kasama pa ang mga libro which is one of my most favorite things in the world. How awesome is that?
Nagsimula na ang klase pero hindi pa din bumabalik si Caleb. Mukhang nag-cutting nanaman.
Napailing na lang ako. Bakit ko ba siya hinahanap?
"Psst, Westly."
Napatingin ako kay Gail. I mouthed the word 'ano?'. Nagdidiscuss pa kasi yung teacher namin sa harap.
"Wala nanaman si Caleb?"
Umiling ako atsaka napatingin sa bakanteng upuan na nasa gilid ko. Paniguradong natutulog nanaman yun sa kung saang parte ng school.
Dumating ang oras ng tanghalian. Wala pa din si Caleb.
Teka, puro yata ako Caleb.
"Physics is so ugh! Wala man lang akong naintindihan ni isa!" Saad ni Gail habang nag-iinat ng nakasimangot.
Napailing na lang ako habang inaayos ang mga gamit ko. "I'll tutor you later, okay? Sabi ko naman kasi sayo na makinig sa discussion instead of staring at our Science teacher."
Gail grinned. "What can I do? Ang pogi kaya niya. It's better to study his face than study his boring lesson." Atsaka tumawa ng bahagya.
"Ewan ko sa'yo. Tara na nga."
BINABASA MO ANG
Lost Dignity
Teen FictionI'll love you over and over again, even though the consequence is losing my dignity.