Few days passed. Today is Saturday. Pinapunta ako ni Mama sa hospital para ibigay yung mga papeles na naiwan niya sa bahay at para makapag-lunch kami ng sabay. Syempre, sinunod ko agad ang utos niya kaya heto ako ngayon, naglalakad na papunta sa office niya.
"Good morning ma'am Rosary."
May bumati sa aking isang nurse kaya agad naman akong ngumiti. "Good morning din po. Rosary na lang po, wag nang ma'am." And as usual, they just smiled back at me.
Sa tuwing pumupunta ako dito, palagi kong sinasabihan yung mga staff na wag na akong tawaging ma'am pero hanggang ngayon ganun pa rin ang tawag nila sa akin. And if you're wondering kung bakit nila ako binabati, it's because my Mom is a stock holder in this hospital. And if you're wondering again kung bakit Rosary ang tawag nila sakin, yun ay dahil Rosary ang ginagamit ni Mama na pantawag sakin. Marahil nasanay sila sa ganun kaya yun na din ang ginamit nila.
Nang papasok na ako sa elevator ay may nakasabay akong isang lalaki na naka-cap. He's wearing a plain white t-shirt and black denim pants. May hawak din siyang plastig bag.
I cringed when we simultaneously pressed the button for the ninth floor. What a coincidence.
Nakayuko lang ako habang hinihintay na makarating kami sa ninth floor. It was an awkward atmosphere. O baka ako lang ang naiilang?
Matapos ang ilang segundo, nakaramdam ako ng paggalaw ng elevator. Hindi ko alam kung lumindol ba pero kasunod nun ay ang pagpatay-sindi ng ilaw.
"What the..."
Holy Christ. Anong nangyayari?!
Matapos ang ilang pagpatay-sindi ng ilaw, tuluyan na itong namatay. Napalunok ako. I'm stuck in this elevator with a stranger. Sana maayos pa rin akong makalabas.
"There must be an emergency button here."
Sumiksik ako sa gilid habang iniilawan nung lalaki gamit yung flashlight sa phone niya yung mga button dito sa elevator. He pressed something at mabuti na lang ay nagkaroon na ulit ng ilaw. It was a dim light though.
I murmured a silent prayer and then hugged the envelope that I was holding. Sana mabuting tao itong lalaking kasama ko.
"Miss? Are you okay?"
Tinignan ko yung lalaki and to my surprise, siya din yung lalaking binigyan ko ng advice at nakabangga sa akin.
What a coincidence. Again.
"Teka, ikaw nanaman?"
Napalunok ako. "Y-yes." I awkwardly chuckled. Bukod sa grabeng coincidence na ang nangyayari sa aming dalawa ay hindi ko din alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya.
"How are you? Magaling na ba yung paa mo?"
Napatingin ako sa paa ko. "M-medyo. Sumasakit pa rin paminsan-minsan pero hindi naman ganun kasakit."
"Well, that's good to hear."
I nod. Sumunod dun ang nakakabinging katahimikan. Ugh. Sana mahawahan ako ni Gail ng kadaldalan niya kahit konti man lang.
The guy sat down on the floor while leaning at the wall of the elevator. Ako naman ay umupo sa kabilang parte. Ngayon ay magkaharap na kami habang nakaupo.
"Hintayin na lang natin gumana 'tong elevator. Baka ginagawan na nila ng paraan 'to ngayon."
Tumango ulit ako. At gaya ng inaasahan ko, nagkaroon nanman ng katahimikan.
Help me God.
"Um.."
"K-kamusta na kayo ng g-girlfriend mo?" I asked. I don't want to interfere in their relationship especially that he's a stranger to me but the awkward atmosphere is killing me slowly so I don't have a choice but to bring up that topic.
He smiled a little. "We're fine. I guess."
His face doesn't look fine though. Parang ang lalim ng mga iniisip niya at hindi ko din mabasa ang mga mata niya.
"Things became more tough than before. Ang sabi niya hindi na niya uulitin and I forgave her. Pero the trust wasn't there anymore."
I nod. Mukhang mahirap nga ang pinagdadaanan nila ngayon. I hope he gets fine.
"Things will get better in God's time. Just have faith in him and you'll get better."
He chuckled. "Maka-diyos ka talaga ano?"
I smiled. "Of course."
Minutes passed. Napahaba ang kwentuhan namin tungkol sa mga iba't ibang bagay. He said that he's here because he needs some prescription to buy medicine for his girlfriend. Nagka-ubo daw kasi ito. He's a sweet guy. Pano nakaya ng girlfriend niya na lokohin siya?
Anyways, I know that everything has a reason. Maybe she has her own reason. But no matter what her reason is, it is always wrong to cheat. Nasa 10 Commandments kaya yun.
"Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa natin alam yung pangalan ng isa't isa."
Oo nga no? Hanggang ngayon hindi pa namin alam yung pangalan ng isa't isa. That's weird.
He smiled. "I'm Travis."
I smiled back. "I'm–—"
Naputol ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. Nag-aabang dun si Mama at ang ilang lalaki na mukhang nag-ayos ng elevator.
"Rosary! My god anak! Does something bad happened to you? Ayos ka lang ba?" Mama looks so worried. Hindi ko alam kung bakit naguilty ako bigla kahit wala naman akong ginawang masama.
"Don't worry Ma, I'm fine."
She hugged me tightly. "Pinag-alala mo ko ng sobra. Mabuti na lang napindot mo yung emergency button kaya nagawan agad ng paraan yang elevator."
Bigla kong naalala yung lalaking nakasama ko kanina, I mean si kuya Travis. Kuya because I think he's older than me.
Lumingon ako sa loob ng elevator pero wala na siya doon. Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ko siyang naglalakad na palayo.
"Tara na sa office ko. Ilagay muna natin yang mga papeles then sabay na tayong kakain nglunch."
Tumango ako at muling tinignan kung nasaan si kuya Travis, pero hindi ko na siya nakita.
BINABASA MO ANG
Lost Dignity
Teen FictionI'll love you over and over again, even though the consequence is losing my dignity.