Time is a bliss, today is Halloween. Ngayon gaganapin yung party namin. Andito kami ngayon sa school and it is already afternoon. Andaming tao ngayon dito since outsiders are allowed. Madami ding booths na pwedeng puntahan. The decorations are incredible and I can't help but to be proud. Syempre pinaghirapan namin yun.
Sa ngayon, itong mga booths muna ang gaganapin. Mamayang eight o'clock ang start ng party.
"Westly, dun ka sa labas. Malapit nang matapos 'tong third batch. Magbenta ka na ng tickets."
Tumango ako kay Mira at dali-daling lumabas. Movie booth ang booth namin. Sa ngayon, madami ang mga nanonood sa booth namin. Madami na din kaming naipong pera.
Pagdating ko sa labas, humahaba nanaman ang pila. Naabutan ko dun si Caleb na natutulog.
Bumuntong hininga ako atsaka nilapitan si Caleb.
"Uy Caleb, bakit ka natutulog? Ang haba na ng pila."
Binuksan niya ang isa niyang mata. "Wifey." Ngumiti siya ng bahagya. Ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya.
Agad akong namula atsaka tumingin sa ibang diteksyon. Ayan nanaman yung endearment niya. Parehas sila ni Gail na ayaw makinig.
"B-bakit ka n-natutulog? Y-yung pila m-mahaba na."
Umupo siya ng maayos atsaka tumingin sa akin. His hair looks messy and his eyes are still half-closed. Mukhang antok na antok pa siya.
"Hayaan mo silang pumila. Ginusto naman nila yan." Kinusot niya ang mga mata niya at muling pumikit. Napailing na lang ako atsaka inasikaso ang mga nakapila.
"Ate, pwede itanong yung pangalan nung lalaking natutulog? Ang gwapo kasi eh!" Nagtilian yung mga grupo ng babaeng nasa unahan ng pila.
"Ah eh.. Caleb yung pangalan niya."
Nagtilian ulit sila. "OMG! Tunog yummy!"
Nanlaki ang mga mata ko atsaka napatingin kay Caleb. Nakapikit pa din siya. Hindi ko alam kung naririnig ba niya yung mga pinagsasabi nila. Jusko, sana hindi niya naririnig. Parang mga pinagsasabi ni Gail yung mga pinagsasabi nila, puro kahalayan. Lord, sana patawarin niyo sila.
Pero kung tutuusin, gwapo naman talaga si Caleb. Matangos ang ilong niya, makapal ang kilay, maputi, mahaba ang pilik mata at mapula ang labi.
Teka.
Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Kung gwapo, gwapo lang. Di na kailangang idescribe yung mukha niya, Westly. Hays. Ano bang nangyayari sa akin lately?
Nang maubos ang pila ay agad akong umupo at nagpahinga. Madami-daming tao din yun no. Nakakapagod.
"Here."
Napatingin ako kay Caleb. May hawak siyang tupperware.
"Alam kong hindi ka pa kumakain ng lunch."
Simula nung araw na binigyan niya ako ng pagkain, tuloy-tuloy na yun. Hindi ko naman matanggihan kasi sayang yung pagkain tsaka masarap talaga siya magluto.
"S-salamat. Hindi ka na sana nag-abala."
Kumuha siya ng upuan atsaka umupo sa harap ko. Nakapangalumbaba siya sa likod ng upuan hahang tinitignan ako.
Bigla akong nailang. "Bakit ka nakatingin?"
"Your soul and your face is a truly pieace of an art. I can't help but to stare."
Naramdaman kong namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Ayan nanaman siya. Nakakailang.
"T-thank you."
"It really hurts every time you feel uncomfortable when I am around."
His voice is serious so as his facial expression.
I don't know why but I felt a pang of guilt. Totoo naman kasi. His presence makes me feel uncomfortable.
"I'm sorry." Napayuko ako. I feel bad knowing that he's hurt.
"You're so vulnerable. So precious, such as an angel."
Nag-angat ako ng timgin. He's smirking. His eyes are focused on me. Parang sagad sa buto yung mga tingin niya. It was scary and weird at the same time.
"Alam mo n-namang h-hindi ako sanay sa g-ganito. Kaya naiilang a-ako sa'yo."
Napatingin ako sa ibang direksyon. Hindi ko kayang salubungin yung mga tingin niya. Para akong hinihipnutismo.
"Anong gusto mong gawin ko? Sinasabi ko lang naman kung anong nararamdaman ko, wifey. Kung hindi ka komportable sa ganun..." He paused then smirked again. "Sorry but I'll still show and say what I feel. Ngayon, kumain ka na dahil baka mamatay ka sa gutom. Ayoko namang maging biyudo agad."
Umalis siya sa harapan ko at iniwan akong nakatunganga. For the hundred time, I was left hanging because of his words. Kahit kailan talaga, hindi ko siya maintindihan.
***
Author's NotePasensya na po kung maikli. Hinati ko na po kasi yung chapter na ito into two. Ngayon ko na po ipopost 'to before halloween tapos yung second part, bukas na sa mismong Halloween. Salamat! Muah!
Happy Halloween!🎃
Love, JBiscotti
BINABASA MO ANG
Lost Dignity
Fiksi RemajaI'll love you over and over again, even though the consequence is losing my dignity.