Chapter Fifteen

19 1 1
                                    

"Kuya Travis?" Kunot noo kong tanong. Ano bang meron at palagi kaming nagkikita?

There was also a shock in his face. Parang nagulat din na nakatayo ako ngayon sa harapan niya. But then, he smiled.

"Rosary, what are you doing here?" 

"Sila po yung nabanggit ko kahapon na magpapart-time dito, sir." Saad ni Ian.

"Really?" Kuya Travis chuckled. "You are just giving me advises before and now, you  are working for me. Coincidence pa din ba 'to?" 

Napakamot ako sa batok. "Maybe?" Palagi na lang kaming nagkikita sa hindi inaasahang pagkakataon. Pakiramdam ko tuloy sobrang liit ng mundo.

Tumikhim si Ian. "Sir, isasara ko na po 'tong book shop."

Tumango si Kuya Travis kaya naman ay tumalima agad si Ian. Nang tignan ko si Gail, nakita kong nakatulala lang siya kay Kuya Travis. Napailing na lang ako. Mukhang may panibagong crush nanaman si Gail.

"So... Rosary and Gail huh?" Sumandal siya sa desk niya habang nakahalukipkip. Ngayon ko lang narealize kung bakit nakatulala sa kanya si Gail. Ang gwapo niya sa suot niyang blazer at jeans. Nakasuot din siya ng eyeglasses na mas nagpagwapo sa kanya. He looks really manly and... hot.

Oh no. No, no, no. Ano ba 'tong iniisip ko?  Nagiging parang kay Gail na yata ang utak ko.

"Hindi talaga ako tumatanggap ng mga minor para magtrabaho dito pero since we are short-staffed, I have no choice but to accept whoever wanted to work here. The rules are simple.  Just do whatever task is given to you and treat our customers nicely." Huminga siya ng malalim atsaka inayos ang eyeglasses niya. "On weekdays, your shift would be at 4:30 pm to 7:30pm. Sa Sabado naman, nine o'clock ng umaga hanggang eight o'clock ng gabi."

Tumango ako. 

"By the way, there are no uniforms here. You can wear whatever clothing you like. Pero may ibibigay akong name tag sa inyo bukas na ikakabit niyo sa damit niyo." 

Tumango ulit ako. 

Umayos siya ng tayo. "Any questions?"

"Single pa po ba kayo?"

Nanlaki ang mga mata ko at napatigin kay Gail. She's smiling from ear to ear. Oh gosh. Saan kaya niya nakuha ang lakas ng loob na itanong yun? Nakakahiya!

Nabaling ang tingin ko kay Kuya Travis nang tumawa ito. Mukhang hindi siya na-offend sa tanong ni Gail. Nakahinga ako ng maluwag.

"Yes, I'm single."

Magsaasalita pa sana si Gail pero inunahan ko na siya. Baka kung ano pang kahalayan ang masabi niya. "Um, kuya - I mean sir, lalabas na po kami."

Kuya Travis smiled. "Sige. Ingat sa daan."

Lalabas na sana kami ni Gail nang biglang tawagin ni Kuya Travis ang pangalan ko.

 "Rosary." 

Napalingon ako agad. "Bakit po?"

Napakamot siya sa batok, mukhang nahihiya. "I'm looking forward in working with you."

Tumibok ng malakas ang puso ko. Oh, God. 

Tumikhim ako atsaka napalunok. Hindi naman sweet o may meaning yung sinabi niya pero bakit ganito?! Bigla akong nataranta sa hindi ko malamang dahilan. 

"A-ako d-din. Sige, a-alis na kami."

Hinila ko si Gail palabas ng office ni Kuya Travis nang hindi lumilingon pabalik. Gusto ko nang lumabas sa kwartong yun as soon as possible kasi pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos. This is weird. This is really weird.

"Wait, Westly."

Hindi ko na napansin si Gail sa pagmamadali kong lumabas ng book shop. Hinila ko siya hanggang makasakay kami sa kotse.

"Westly, what just happened? Nakakaloka ka!"

Huminga ako ng malalim. Okay Westly, calm yourself. Inhale, exhale.

"Uy Westly."

Tumingin ako kay Gaill. Gulong-gulo ang mukha niya. Naramdaman ko na din ang pag-andar ng sasakyan.

"Pasensya ka na."

Humalukipkip siya at nagtaas ng kilay. "I  smell something fishy between you and sir... oh wait, he didn't tell me his name."

"Travis."

"Oh! Travis." Nanliliit ang mga mata niya nang tignan niya ako. "I am one hundred percent sure that you two knew each other." Mas lumapit sa akin si Gail. "Is he your secret boyfriend?"

Nanlaki ang mga mata ko atsaka umiling ng mabilis. Ano ba 'tong pinag-iisip ni Gail?!

"No! Of course not!"

"Then spill. I need to know every little detail."

Bumuntong hininga ako. Sa buong biyahe namin, wala akong nagawa kundi ikwento kay Gail ang tungkol kay Kuya Travis. Ayoko sanang ikwento yung tungkol sa ex-girlfriend ni Kuya Travis kaso masyadong mapilit si Gail kaya naikwento ko lahat, lahat as in lahat.

"OMG!"

Awtomatikong napatakip ako ng tenga.Nakakarindi kasi yung tili ni Gail.

"So ang ibig mong sabihin, palagi kayong nagkikita ni Sir Travis sa unexpected time and place?"

Tumango ako. "Weird isn't it?"

"Hindi ba destiny ang tawag dun?" 

"Destiny?"

"Yes. Hindi mo ba naisip na siya pala ang makakatuluyan mo kaya ilang beses kayo pinagtatagpo?" 

Bumuntong hininga ako. Kung ano-anong pinagsasabi ni Gail. "First of all, mas matanda siya sa atin. Second, he's our boss. Kaya tumigil ka na sa kung ano mang iniisip mo diyan."

"Eh ano naman kung mas matanda siya ng ilang taon? Ang pogi kaya niya. Atsaka hindi pa naman siya senior citizen no! Pwede pa yan!"

"Gail, stop. Hindi talaga mangyayari yang iniisip mo. Masyado pa tayong bata--"

Gail rolled her eyes. "Hay nako, life na ang nagbibigay sayo ng mga lalaki, aayaw ka pa ba?"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Diyos ko, hindi ko na alam kung anong klaseng utak meron ang kaibigan ko.

"I'm looking forward in working with you pa siyang nalalaman ha. Hindi ka ba kinilig dun?" Gail giggled. Para siyang batang nakakita ng candy.

Hindi ko na lang pinansin si Gail atsaka tumingin sa bintana.

Hindi ako kinilig, pero bakit tumibok ng malakas ang puso ko?

The next day is Sunday. Wala kaming trabaho ni Gail ngayon dahil day-off daw ang araw ng linggo.

Andito ako ngayon sa kusina at kumakain ng binake kong cookies. Nagbabasa din ako ng libro para malibang. Niyaya ako ni Gail kanina na mag-shopping pero tumanggi ako. Mas gusto ko kasing mag-stay na lang sa bahay tuwing weekends. Mas nakaka-relax.

Binaba ko ang hawak kong libro nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko. 

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang mensahe galing sa unregistered number. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

From: +639*********

Akin lang siya. Hindi mo siya pwedeng maagaw kundi sisirain kita, sisirain ko ang buhay mo.



***

Luke 6:28

Bless those who curse you, pray for those who mistreat you.

God bless everyone from me and Westly!

Love, JBiscotti 

Lost DignityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon