Nang mag-uwian na, dumiretso kami ni Gail sa boutique ng tita niya. Fashion designer kasi yung tita niya at magaganda daw yung mga ginagawang damit sabi ni Gail.
Nilibot ko ang paningin ko nang makapasok kami sa boutique. Andaming magagandang gowns at tux! Talagang nakakamangha yung mga damit. Pero may Halloween costumes kaya dito? Parang puro ball gowns lang.
May lumapit sa aming isang babae. Isa daw siyang staff dito at inalalayan niya kami papunta sa office ng Tita ni Gail. Nasa dulo yun ng boutique.
"Good afternoon po, Tita Vee!"
Tumambad sa amin ang isang babaeng mukhang nasa mid-50s. Kulay itim ang maikli niyang buhok pero may ilang gray hair na din. Nakasalamin siya at ang elegante tignan. Para siyang principal.
"Bonne après-midi, young lads!" Nakangiti niyang bati. She speak French fluently. Mukha siyang mabait. And she seriously looks so elegant and fabulous.
"Good afternoon din po." Nakangiti kong bati.
"I just came back from Paris yesterday. Sorry for the haggard face." She chuckled.
Hindi ko alam kung sarcasm ba yun kasi mas mukha pa siyang fresh kaysa sa aming dalawa ni gail.
Tinignan niya ako. "I assume this is Gail's beautiful best friend, Westly."
"Ah opo. Salamat." Napayuko ako. Hindi kasi ako sanay sa mga papuri.
"Let's take a seat."
Umupo kami and once again, pati upuan elegante din.
Pinag-usapan namin yung costumes na susuotin namin. Hindi ko alam na nakaready na pala yun para sa amin. Tita Vee said that a ghost bride costume suits me because of my pale skin. I asked her kung bakit hindi na lang vampire. She said that it's too common. Pumayag na lang ako since maganda naman yung costume. Cocktail gown siya. Of course, color white. At may kasama ding shoulder-length na belo.
Si Gail naman ay witch na fairy daw according to her. Ayaw na daw niyang maging zombie. Witch na lang daw para makagawa siya ng mga gayuma at nang sa ganun magkajowa na daw siya. Hindi ko alam kung bakit may fairy pa. Ang weird talaga ng mga pinag-iisip ni Gail.
Kinuha namin ang mga costume namin at nagpasalamat. Agad din kaming umuwi ni Gail.
Habang binabagtas namin ang daan pauwi, tsaka ko lang naalala na may pinapabili pa pala si Mira.
"Mang Tonio, punta po tayo sa mall. May bibilhin po ako saglit."
Agad na nag-u-turn si Mang Tonio at dumiretso kami sa mall. Hays. Bakit ba ngayon ko lang to naalala, eh ang lapit na namin sa bahay. Sayang tuloy yung gas.
Nang makarating kami sa mall ay agad akong dumiretso sa bookstore para bilhin ang kailangan kong bilhin. Since hindi pa ako nag-lunch ay dumiretso na din ako sa isang fastfood chain para bumili ng makakain.
Pinag-iisipan ko pa kung dito na lang ako kakain o take-out na lang pero ayoko namang paghintayin si Mang Tonio.
"Ma'am, kailangan niyo 'pong maghintay ng ten minutes para sa order niyo. Willing to wait po ba?"
Tinignan ko ang oras sa relo ko. It is already 6:17 in the evening. Siguro ayos lang namang medyo ma-late ako ng uwi ngayon.
"It's okay."
Binigyan ako ng number, whatever you call that thing, atsaka naghanap ako ng bakanteng upuan para umupo muna. Nahirapan pa akong makakuha ng bakante dahil medyo madaming tao ngayon dito.
I was texting my Mom when I saw a guy sitting on the chair in front of me through my peripheral vision. Nag-angat ako ng tingin at agad na nanlaki ang mga mata ko.
Our world is indeed a small world.
It was kuya Travis.
Naka-upo lang siya at nakatulala. His eyes looks swollen and his hair is messy. He looks terrible and... broken.
"Ma'am, here's you order."
Nagulat ako nang biglang magsalita yung isang crew dito. Nakatitig pala ako kay kuya Travis. Ni hindi ko napansin yung crew na nasa tabi ko lang.
"Thank you." Inabot ko yung order ko atsaka tinignan ulit si kuya Travis. Nakatingin na siya sa akin ngayon. His eyes are blank. Nakatitigan kami. It was a bliss, but his eyes took me into his own kind of wilderness. And I caught a glimpse of pain inside it.
"Are you okay?"
He cracked a little smile and it didn't reached his eyes. "I'm broke and I think that's not okay."
Bumuntong hinina ako atsaka napatingin sa mesa. Hindi ko alam kung paano papagaanin yung loob niya. Never pa naman ako naka-encounter ng ganito kaya wala talaga akong idea kung anong gagawin.
"Uh.. if you like, I'll listen."
Seconds passed. He took a deep sigh.
"I'm willing to fight for her. I'm willing to be a fool just to make her stay with me. But she didn't... she didn't stay. She chose to be with someone else, leaving me like a fool."
Bawat salita na binibitawan niya, ramdam na ramdam ko yung sakit. Hindi pa ako nainlove pero pakiramdam ko naiintindihan ko siya.
The last time na nagkita kami, mukhang nagiging maayos na sila. Tapos ngayon, ito na ang nangyari. Love. I really don't understand it.
"Just accept it. I know it's hard, but accept it. Kagustuhan yun ni God."
"Wala akong against kay God. Pero kagustuhan niya bang mahirapan ako?" Nakakunot ang noo niya.
Umiling ako. "No. He wants you to learn. He wants you to be stronger. He wants you to get what you deserve. Your girlfriend walk away from your life, because someone new will walk in. Someone who deserves you, someone who will choose you over and over again."
After that, nagkatitigan ulit kami. Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang mga salitang yun. I don't even have any idea in the first place. Kusa na lang siyang lumabas sa bibig ko.
He chuckled. "You know what, maaga kang kukunin sa pagiging maka-Diyos mo."
I smiled. "At least you feel better now."
He smiled. "How funny. Nag-open up ako sa taong hindi ko kilala kaysa sa mga malalapit sa akin. Maybe pinadala ka ni God para payuhan ako. Aminin mo na kung anghel ka. Baka magulat na lang ako bigla kang lumipad."
I chuckled. It feels so good to make someone feel better. That's how God's words work. How mesmerizing.
Biglang nag-vibrate ang phone ko. Tinatanong ni Mang Tonio kung bakit daw ang tagal ko. Napatingin naman ako sa relo ko, it was already 6:48!
"I'm sorry. But I need to go. God bless you."
He smiled. "I hope we meet again, Rosary."
Natigilan ako saglit. He called me Rosary. Pano niya nalaman ang pangalan ko?
Tatanungin ko pa sana siya kaso biglang dumating si Mang Tonio.
"Ma'am, tumatawag na ho ang mama niyo, kanina pa kayo hinihintay sa bahay. Tara na po."
Tumango ako at walang nagawa kumdi sumama sa kanya. Habang paalis kami, nilingon ko si kuya Travis. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti.
He's smiling but it didn't reached his eyes. It's really funny how love can affect every little thing in our system. It can make us feel complete but it can also make our soul shatter.
How mesmerizing.
BINABASA MO ANG
Lost Dignity
Teen FictionI'll love you over and over again, even though the consequence is losing my dignity.