Chapter Three

28 5 0
                                    

I froze. Nanlalaki ang mga mata ko at nakaawang ang mga labi. Nakaramdam ako ng kaba. It's either because I didn't expect that someone would ask me out for lunch, at sa public pa, or dahil lagot ako kay Mama kapag nalaman niya 'to.

"Oh my gosh.."

Napatingin ako kay Gail. Nanlalaki din ang mga mata niya gaya ko. Her lips is forming a letter O but then, it became a grin.

"Westly! You heard that right?! I'm not imagining things naman diba?!"

I wanted to talk. Pero meron atang nakabarang kung ano sa lalamunan ko kaya walang boses na lumabas. I just nod instead.

"Holy—"

Bago pa makapagmura si Gail ay pinandilatan ko na agad siya ng mata. Ayoko kasi ng nakakarinig ng mura.

"I was about to say holy Westly! Tutal banal ka naman diba? Eto talaga, di mo ko pinapatapos eh."

Napailing na lang ako.

"So, pupunta ka ba?" Gail said. She looks excited and giddy. Parang siya tuloy yung niyaya ng lunch sa public at hindi ako.

"Of course not." Madiin kong sabi. I don't want to be rude to him but I'll decline his offer. First of all, we're not close and maybe, just maybe, he likes me. It would be so awkward for me if the latter is true. So my answer is no, I'm not gonna go with him.

Biglang sumimangot si Gail. She looks disappointed. "C'mon Westly! Malay mo siya na ang yummy este prince charming ng buhay mo!"

I rolled my eyes. "Prince charming ka jan. We're to young for that at isa pa, don't be cliche. Totoong buhay 'to."

She scoffed. "Baka tigang ka na't lahat lahat wala ka pa ring asawa. Kawawa naman ang mga magiging inaanak ko."

I sighed. I was about to say something when the bell rang. Ibig sabihin, tapos na ang recess.

"Tara na sa class—"

"Wait!"

"Bakit?"

Bigla kong naisip si Yael. We're in the same class so... no. Hindi ako pwedeng pumunta dun. Ayoko talaga siyang ijudge kaso baka bigla na lang niya akong hilain papunta sa kung saan nang hindi ko namamalayan at baka may mangyaring masama. I'm not judging him, okay?! Don't judge me.

"Baka makita ako ni Yael."

Napakunot ang noo niya. "Ano naman kung makita ka niya? He has eyes so—"

"Gail, nakalimutan mo na ba yung sinabi niya over the speaker kanina lang?"

"Uh.. no?"

"Baka bigla na lang niya akong hilain papunta sa kung saan."

She chuckled. "Westly, ano ba—"

"I really really hate to say this but—"

"Let's ditch class?" Gail grinned. Matagal na kasi niyang gusto na mag-ditch ng class. Isa yun sa bucket list niya. Hindi lang ako pumapayag.

I sighed. Bigla akong nakaramdam ng guilt. Ayokong makita si Yael but it feels wrong na magditch ako ng class just for my own sake. My Mom is working so hard to pay my tuition fee so I think I should not do anything reckless for it to be worth it.

"Uh. Wag na lang pala."

Biglang sumimangot si Gail. Pero matapos ang ilang segundo ay ngumiti din siya. "Gusto ko sanang mag-ditch ng class kaso mas gusto kong makita ang pagtatagpo niyo ni lover boy!" And then she giggled like a kid.

"Ewan ko sa'yo. Tara na nga."

Habang naglalakad papuntang classroom, nakaramdam nanaman ako ng kaba. Bukod sa makikita ko si Yael, pinagtitinginan din ako ng mga tao. Parang gusto ko na lang magtago sa likod ni Gail kaso mas pagtitinginan naman ako nun.

Lost DignityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon