Chapter Seventeen

12 3 6
                                    

(A/N: This chapter is a super late Christmas special. Again, sorry for the weird time setting. Enjoy reading!)

A day before Christmas, Gail and I went for some shopping at the mall. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang namin naisipang bumili ng mga regalo gayong pasko na bukas. Maybe it was because of our hectic schedule at school.

"What should I give to Terry? Hmm..."

Nasa aisle kami ng mga panlalaking mga damit. Nakapili na kami ni Gail ng regalo namin para sa mga nanay namin. Nakabili na din ako ng para kay Mang Tonio.

"Who's Terry?"

Sinusundan ko lang si Gail sa pagpili ng mga damit.

"My boyfriend."

Nanlaki ang mga mata ko atsaka napatigil. "Ano?!"

"Oops! Correction! Soon-to-be boyfriend." Nakangising saad ni Gail.

I was really shocked! Akala ko naglilihim na sa akin  ng sikreto si Gail. And for God's sake! We're too young for that thing.

"Hay nako. May panibago ka nanamang crush." I shookt my head. Gail would always be Gail.

She chuckled. "No, Westly, this one's different."

Napatingin ako sa isang white na hoodie. Simple lang yun pero may mini design ng umbrella sa may upper left nito. I suddenly pictured Sir Travis wearing that. Sa palagay ko ay bagay sa kanya yun kung reregaluhan ko siya. I dunno why but I think that he will look cute wearing that hoodie.

Okay, what's happening? Jesus.

"B-bakit kakaiba?" Iwinaksi ko sa isipan ko ang naiisip ko at nag-focus na lamang sa sinasabi ni Gail.

Kumuha siya ng isang polo shirt at tinignang mabuti yun. "I don't know, I feel something weird when I'm with him."

Tumango-tango ako. Hindi ko alam kung mabuting bagay ba yun para kay Gail o hindi.

"Hindi mo ba reregaluhan si Caleb?" Gail asked.

I suddenly felt guilty. Naisip kong regaluhan si Sir Travis and not Caleb na kaibigan ko.

"Reregaluhan. Naghahanap lang ako ng bagay sa kanya." I lied. Oh God, forgive me.

"Eh si older but hot na Sir Travis? Reregaluhan mo?" Gail giggled.

Napayuko ako. "I-I think so. Okay lang naman na regaluhan ang boss hindi ba?"

"Ano ka ba. Syempre oo! Wala namang batas na nagsasabing bawal regaluhan ang isang possible jowa mo in the future na mas matanda sayo ng very light." Humalakhak siya na naging dahilan para mapatingin ang ibang tao malapit sa amin. Dahil sa kahihiyan ay napayuko na lang ako.

"Ano ka ba, Gail. Hinaan mo naman ang tawa mo."

"Oops. Sorry."

Dahil napag-usapan na din naman namin ni Gail si Sir Travis ay pinuntahan ko ang nakita kong hoodie kani-kanina lang.

I smiled. The thought of Sir Travis wearing this made me giggle for an unknown reason.

"Para kanino yan?"

Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba kay Gail kung para kanino 'to. Paniguradong aasarin nanaman niya ako pag nalaman niyang para ito kay Sir Travis.

"Uh... para kay Sir Travis." I blushed. And why am I blushing?

Nanliit ang mga mata ni Gail pero hindi siya nagsalita. Para siyang nagcocompute ng kung ano sa utak niya. Parang nag-iisip ng malalim.

"Eh yung kay Caleb?"

Lost DignityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon