"Westly, sweetheart, let's pray." Mom said while smiling. I smiled back and nodded.
I closed my eyes and murmured a prayer. Pagkamulat ng mga mata ko, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Maybe it was my dad. He was listening to me. That thought made me smile.
"I wish he was here."
Napatingin ako kay Mama. Nakangiti siya pero ang lunkot ng mga mata niya. Nakatitig lang siya sa puntod ni Papa na nasa harapan namin. Isang linggo na ang nakaraan magmula nung araw ng mga patay pero ngayon lang namin nabisita si Papa dahil sa schedule ni Mama.
"Ako din po 'ma."
Tumingin sa akin si Mama. Nakakunot ang kaniyang noo at mababakas ang lungkot sa kaniyang mukha. "I'm sorry, anak."
"Para saan po?"
"I'm sorry that you grew up without a father. I know it's hard for you, kaya ginagawa ko ang lahat para mapunan yung mga pagkukulang ng isang ama sa'yo."
Bata pa lang kasi ako ay namatay na ang Papa ko because of Leukaemia. Our family's disease that was passed through generations. It was scary, really. We'll never know kung kailan maipapasa sa akin ang sakit na yun. But I hope na sana nag-end na yun kay Papa. Ayokong iwan si Mama na nag-iisa. That was more painful than having an illness.
Nginitian ko si Mama. She was on the verge of crying. "Ma, it's okay. I'm okay. Don't worry dahil you are already enough for me. At alam kong kahit hindi natin kasama si Papa physically, binabantayan pa din niya tayo from heaven."
Niyakap ako ni Mama ng mahigpit. "You're right. And I'm crying again, hay nako. Tara na nga at baka magparamdam pa ang tatay mo." She kidded. Natawa naman ako ng bahagya. Alam kong nahihirapan pa din si Mama kahit tumatawa siya. She's a strong woman on the outside but fragile inside when it comes to my dad. Maybe that's how love really works. The love of your life will always be a part of your life, even if he was not there physically anymore.
The next day, maaga akong pumasok. Bilang lang sa kamay ang mga nakakasalubong kong estudyante. As expected, wala pa gaanong tao sa school. Kahit si Gail ay mukhang natutulog pa.
Dumiretso agad ako sa classroom. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Caleb na nakadukdok ang ulo sa desk. Bakit kaya ang aga yata niyang pumasok ngayon?
Napailing na lang ako atsaka umupo sa upuan ko. Inilabas ko ang libro ko sa English at nagbasa. Magkakaroon kasi kami ng quiz mamaya.
Habang nagbabasa, napatingin ako kay Caleb nang bigla siyang gumalaw. Nakaharap na ngayon ang mukha nito sa direksyon ko. Nakakunot ang noo niya at bahagyang nakaawang ang mga labi.
He must be having a nightmare.
Itinigil ko ang pagbabasa atsaka tinitigan siya. May mga times na nagsosoften na ang mukha niya pero may mga times din na kukunot ang noo niya. I don't know why but I find it cute.
In the midst of staring at him, bigla akong nataranta nang bigla itong sumigaw at bumangon. Napahawak ako sa dibdib ko, tumitibok ng malakas ang puso ko dahil sa gulat!
"Fuck." He cursed.
May ilang buti ng pawis ang noo nito at humihinga din siya ng malalim para habulin ang hininga niya. Ginulo niya ang kaniyang magulo ng buhok ng may halong inis. He looks really annoyed.
Nang mahimasmasan ay bigla siyang tumingin sa akin na ikinagulat ko naman. Umiwas ako ng tingin at bahagyang namula. This is so awkward. I was staring at him the whole time! And he caught me!
"Um, kakadating ko lang. I mean, nagrereview ako... sa tabi mo. But h-hindi kita tinititigan. Natutulog ka kaya hindi kita tinitignan. Kasi, um, nagbabasa ako." I was speaking nonsense! Get a hold of yourself, Westly!
He chuckled. Napatingin naman ako sa kanya dahil dun. Hindi na iritable ang mukha niya. Mas kalmado na ito kaysa sa kanina. Thank God for that.
"You're so cute when you are nervous."
Napalunok ako. "Binangungot ka ba?" I asked to divert the topic.
"Yes, kinda." Sumimangot ang mukha niya at madiin na napapikit. Pagmulat ng mga mata niya ay ngumiti siya sa akin. "But I'm used to it. So don't worry, wifey."
I blushed. Wifey. It's so cliche yet something different at the same time.
"If you don't mind me asking, anong napanaginipan mo?"
And again, his face toughens. It is really amazing how he can shift his expressions easily and suddenly.
"Just.. something scary. I don't want to talk about it." He said with a serious expression. Nakatulala na siya ngayon sa desk niya at mukhang nag-iisip ng malalim. Maybe it's about a serious matter.
"I understand." Wala akong balak pilitin siya sa bagay na hindi siya komportable sabihin sa iba. Though, its is really intriguing, I respect his decision.
"Here." Napatingin ako sa kanya nang iabot niya sakin ang isang tupperware. I already knew what it is.
"Caleb, I appreciate your effort but--"
"No buts. Eat it or I'll eat you instead. Which one would you like to happen?" He said with a smirk.
Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Oh my gosh! Parehong-pareho sila ni Gail ng bibig. Masyadong mahalay for an innocent individual like me! Oh God, bakit ba ko napapaligiran ng mga ganitong tao?
"Just kidding!" Tumawa siya malakas atsaka ngumisi. I find him cute and irritating at the same time. Ugh.
"Kainin mo na yan, wifey. Bago pa kita...."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bago pa kita kurutin sa pisngi. Ang cute mo kasi." He said jokingly and pinched my cheek lightly. Natatawa siyang lumabas ng room at wala akong ibang nagawa kundi sundan siya ng tingin.
Napabuntong hininga na lang ako. He is such a crazy man.
***
And another chapter after a decade! Yey! Sorry for the long wait. Please bear with me :(
Ecclesiastes 5:3, GNT
The more you worry, the more likely you are to have bad dreams...
Love, JBiscotti
BINABASA MO ANG
Lost Dignity
Teen FictionI'll love you over and over again, even though the consequence is losing my dignity.