Kaya kong iwanan ka pero ayoko dahil bilang lang ang tulad mo dito sa mundo.Kaya ko pero ayoko.Kaya kong pakawalan ka pero ayokong mapunta ka sa iba.Kaya kong mabuhay ng wala ka pero ayokong mabura sa iyong alaala.Kaya ko pero ayoko talaga.
Kaya kong hindi ka kausapin at isipin pero ayaw kong malimutan ng iyong damdamin.Kaya ko pero ayokong gawin.
Bakit nagagawa mo sakin ito? Pano mo naipaparamdam saking parang kayang kaya ko ngunit tinatalikuran ako ng sarili ko mismo? Anong meron sayo't ultimong sarili ko ay ginugulo ako sa desisyong tatahakin ko?
Ayokong gawin ang lahat ng kaya ko dahil may parte saking nagsasabing mali ang desisyon ko.May kung ano saking nagdidikta na wag kong gawin ang mga naiisip kong kaya ko dahil ako lang din ang madedihado.
Kaya't mahal,wag ka ng mag-alala.Kahit pa kaya ko hindi kita iiwang mag-isa,hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba,hindi ko hahayaang mabura ako sa iyong alaala at hindi ko hahayaang mawala ang iyong nadarama.
Hindi ako susuko sayo.Hindi ako bibitaw sayo.Hindi ako aalis sa tabi mo.Hindi ako mawawala sayo at hindi ko gagawin ang lahat ng kaya ko dahil akin ka at sayo ako.Sabay nating haharapin ang mundo.
Dahil alam ko na.
Mahal,alam ko na.Kaya ko.Kaya ko dahil nagawa ko noon pero ayoko dahil mahal na kita ngayon.
♡