Sa pangalawang pagkakataon

21 0 0
                                    



Sa bawat paggising ko sa umaga
Hindi na ikaw ang hinahanap hanap ko
Huwag kang maniniwalang
Sayo padin ako

Hindi na ako nananabik na makita ang mga mata mo
At
Hindi na ako nasisiyahan sayo
Huwag mong isiping
Ikaw pa din ang mahal ko

Pakiusap
Itigil natin ito
Ayokong
Maging mundo mo
Ang gusto ko'y
Makalaya mula sayo
Ayoko na

Hindi ako ang para sayo
Huwag kang maniniwala kapag sinabi kong
Tayo talaga ang para sa isa't isa
dahil
Hindi tayo kagaya ng iba

Kaya't hayaan mong sabihin ko ito sa'yo:
Hindi na ikaw ang gusto nitong puso ko
Kasinungalingan ang sabihing
Mahal na mahal pa rin kita.

(Basahin mo mula baba-paitaas)

BiglaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon