Hindi ako

21 1 0
                                    



Wirdo at mahirap pakisamahan
Lutang ang isipan kung minsan
Laging sasabihing "suntukan?"
Kapag may kakwentuhan at kaasaran

Sino nga ba ako?
Ano pa nga bang alam ko sa sarili ko?
Ang alam ko lang,hindi ako gaya ng babaeng pinapangarap mo
Meron akong mga ugaling palpak at palyado

Hindi ako yung tipo na laging komportableng kasama ka
Hindi ako yung tipo na laging may masasabi kapag kausap ka
Hindi ako yung tipo na kayang makipagusap sayo ng walang palya
Hindi ako yung tipo na gaya ng pinapangarap mong makasama

Pagkat may mga pagkakataon na hindi ko din maintindihan ang sarili ko
May mga oras na naguguluhan ako sa iniisip ko
May mga panahong wala ako sa hulog at wisyo
Pagkat iba ako sa mga babae sa paligid mo

May mga isyung kelangan ko ding bigyang pansin
May mga problema sa sarili ko na kelangang dinggin
May mga komplikadong ugali ang nakakubli pa sa akin
May koleksyon ng mga positibo at negatibo ang nakapaloob saking damdamin
Na hanggang ngayon ay sinusubukan ko pading alamin at intindihin

Malulungkot ng hindi alam ang dahilan
Maiinis ng hindi alam ang pinagmulan
Malulunod sa sariling isipan
Kinakailangan ng pagintindi ng iyong kalooban

Kaya't Mahal,ngayon pa lang ay sinasabi ko na ito
May mga ugali at kaisipan akong tinataglay na makapagpalilito sa iyo
Maraming negatibong bagay ang umiikot sa malikot na imahinasyon ko
Mahihirapan kang pakisamahan ang isang ako ngunit sana...

Sana hindi mo ako iwanang mag-isa.

BiglaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon