Hindi sya

26 1 0
                                    



Lagi nya akong pinapasaya
Ngiti sa aking mukha'y hindi na mabura
Lalo't higit tuwing nakakasama sya
Naglalaho bigla ang aking mga problema

Ngunit hindi sya yung tipo ng lalaki na iniisip ka sa bawat segundo
Hindi sya yung tipo na kukuha at bibitbit sa mga gamit mo
Hindi sya yung tipo na kukulitin ka sa bawat minuto
Hindi sya yung tipo na tulad ng mga lalaki sa paligid mo

Pero hindi man sya kagaya ng iba
Sya naman ang nagbigay kulay saking mga akda
Sya ang nagdala ng mga salita at tugma
Sya ang dahilan kung bakit ako tumutula

Tahimik at mukhang masungit, yan ang unang akala sa kanya
Ngunit sa kabila ng imahe niya ay ang makabuluhang ugaling meron sya
Ugaling bibihira sa iyong mga kakilala
Maswerte ang makatagpo ng isang tulad nya

Dahil sa kabila ng pagiging iba nya sa kanila
Naipararamdam parin niyang ika'y mahalaga
Naipakikita parin niyang ikaw ang mahal nya
Paano? Paano nga ba?

Marahil sa pamamagitan ng emosyon sa kanyang mga mata
Masasalamin mo sa kanyang may pakielam sya
Maaaninag mong hindi sya yung tipo na iiwanan ka
Sa kabila ng walang emosyong mukha niya
Alam mong sa likod niyon ay ang mga nakakubling saya

Hindi sya tulad nila,pero maswerte ang makatagpo ng gaya niya.

BiglaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon