Hindi natin hawak ang hinaharap at hindi natin mapipigilan ang katotohanan
Madaming posibilidad,madaming pagdaraanan
Kung kulang sa tiwala at puno ng pag-aalinlangan
Mawawala at maglalaho ang pagmamahalanSa bawat paggalaw ng mga numero sa kalendaryo
Sa bawat buwan na masusukat ang pagpapakatotoo
Makakayanan padin kayang maghintay ng puso?
Kahit na ang pawis ay nag-uunahan na sa pagtulo
Kahit na maghintay ng matagal at walang hinto
Kahit na sabihin ng iba'y nagpapakahirap lang sa pagsuyoDahilan ko'y iyo laging alalahanin
Paghihintay lamang din ang aking gagawin
Hanggang sa araw na masasabi kong ako'y sayo at ikaw ay akin
Mundong naghihintay ay sabay nating haharapinKaya't Mahal,wag kang mag-alala
Hindi kita pinapaasa
Mahal kita ngunit kailangan kong maghintay pa
Hanggang sa araw na masabi ko sa mundong tayo naAlam kong kaakibat nito ay ang negatibo at positibong resulta
Maaaring magtagumpay o magdusa
Maaaring mahirapan at lumuha
Maaaring magsawa o patuloy ang tuwaNgunit Mahal,may usapan na tayong dalawa
Hihintayin natin ang isa't-isa hanggang sa araw na pwede na
Hihintayin natin kahit anong mangyari at kahit gaano katagal
Pagkat ikaw lang ang kelangan ng pusong minsan nang nasugatan.♡