Ikaw

17 2 0
                                    



Sa buwan at mga bituing tinatanglawan
Sa mga pangarap at pangakong patuloy na pinanghahawakan
Sa mga yakap at halik na hindi malimut-limutan
Sa mga salitang bumuhay sa kaloob-looban

Mahal na mahal kita

Sa mga oras na ginugol sa isa't-isa
Sa mga araw na tayo lamang dalawa ang magkasama
Sa mga panahong hindi alintana ang hiya at kaba
Sa mga pagkakataong sinasabi ko sayo na mahalaga ka

Mahal na mahal kita

Kung minsan naiisip kong nananaginip lamang ako
Dahil kung hindi,napakaswerte ko
Hindi lang dahil sa mabait ka o kaya'y matino
Kundi dahil ako ang mahal mo at ako'y sayo

Mahal na mahal kita

Sinabi ko sayong mahal kita at hindi ko inaasahang sasabihin mo rin iyon
Sinabi mo habang nakatingin sa akin
Na tila sinisipat ang iyong itsura sa aking mga mata
Napakasarap sa damdamin at pandinig
Napakasarap makitang pangalan ko ang iyong bukambibig
Hindi ko maipaliwanag ang tuwa
Basta't ang alam ko ako'y masaya

Mahal na mahal kita

Salamat dahil ika'y nasa tabi ko
Salamat dahil tanggap mo kung sino ako
Salamat dahil ako'y iniingatan mo
Salamat dahil mahalaga ako sayo
Salamat dahil mahal mo din ako

Mahal na mahal kita,sana'y tayo na ang para sa isa't-isa

BiglaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon