Bigo ako bago mo ko makilala
Durog ang damdamin bago mo pinulot ang mga yon ng isa-isa
Lumuluha ang mga mata bago mo pinalitan ng saya
Salamat at dumating kaIniisip ko noon na wala akong pag-asa sayo
Sinasabi lagi sa sarili na dapat kong kontrolin ang nararamdaman ko
Sapagkat hindi ikaw yung tipo na magkakagusto sa isang tulad ko
Sino nga ba naman ako?Hindi ko akalain na sa kabila ng aking wirdong katangian ay gusto mo din ako
Hindi ko akalain na sa kabila ng nagmumurang kagandahan ng mga babae sa paligid mo ay ako ang syang mamahalin mo
Hindi ko akalain na sa kabila ng komplikadong ugali ko ay mananatili ka sa tabi ko
Hindi ko akalain na sa kabila ng lahat ng ito ay pinili mo pading angkinin ang isang akoHindi ko inaasahang ika'y magiging akin
Dahil sa tuwing ika'y dumaraan ako'y napapailing
Sinasabi sa sarili 'Paano kung hindi ako ang tinitibok ng kanyang damdamin?'
Sa pagaakalang ikaw ay walang pagasang mapasaakin
Ngunit posible pala ang aking hilingLaking pasasalamat ko dahil natagpuan kita.
♡