Kilala mo ako
Marahil hindi buong pagkatao
Ngunit kilala mo na ako
Kahit papanoAlam mo ang mga hilig kong babasahin
Alam mo ang mga gusto kong gawin
Alam mo ang mga nais kong maging
Alam mo ang halos lahat sa akinPero pwede ba?
Pag sinabi kong ikaw naman,papayag ka ba?
Pwede bang makilala pa kita?
Ng mas malalim at higit pa?Gusto ko pang malaman ang mga paborito mo
Gusto ko pang malaman ang mga kinatatakutan mo
Gusto ko pang malaman ang ibang mga bagay tungkol sayo
Gusto ko pang madagdagan ang nalalaman koDahil interesado akong makilala ka pa
Interesado akong malaman ang mga ayaw mo pa at gusto mo na
Gusto kong pasukin ang imahinasyong nakaguhit sa isip mo
Gusto kong makita ang mga nakatagong pangarap at hiling
sa likod ng iyong pagkatao.Pwede ba?
♡